Apr 26, 2008 22:58
Mula sa wallet na naiwan at binalikan hanggang sa manggang lasang sibuyas, ang mga kwento sa araw na ito…
Wallet. Naiwan ng mama ko ang wallet ko sa bahay. Sabi ko na ba, baka nga maiwan niya yun kung saan. Kinutuban na ako. Bago kami umalis, pinatago ko sa kanya ang wallet ko. Nasa mall na kami nang malaman namin yun. Bumalik ako sa bahay. Bakit? Bakit nga naman ako babalik pa, magsasayang ng pagod at pamasahe, kung puwede naman akong humingi na lang ng pera sa parents ko? Ano pa ba, eh ang dahilan ko sa pagsama sa mall ay para lang bumili ng libro at kailangan ko yung card ko para makapasok sa sale area ng powerbooks.
Last week pa ako umaaligid sa bookstore ngunit kahapon lang kasi nagsimula ang sale kaya ngayon lang ako nagdesisyong bumili. Baka hindi na ako makabalik dahil marami na akong pagkakaabalahan sa mga susunod na linggo. Kaya umuwi ako. Buti na lang, maayos ang mood ko ngayon. Ininda ko ang pagod ng paglalakad at pabalik ng bahay ay nag-commute lang ako. Ang labas tuloy, para lang akong nag-joy ride noong una akong pumunta ng mall (noong papunta kami sa mall, gamit ang family car) tapos babalik din pala ako ng bahay at babalik din ng mall. Kung hindi maganda ang mood ko, baka umuwi na talaga ako at hindi na bumalik. Pero mapapabalik din ako eh, kailangan ko palang bumalik kasi may appointment ako.
Mrt. Noong pabalik ako ng bahay, sumakay ako ng tren. Uy, may napulot akong LIBRE kahit pass 11am na (rare kasi ako makakuha noon). Dun ako pumosisyon malapit sa doors (ng side kung saan mas less nago-open yung doors). Ngayon ko lang na-realize. Pilipinas nga ito, kawawa naman ang tren, bigla kasing bumaba yung …(ay, mahirap pala siyang i-describe, basta isang part siya nung ceiling ng tren, yung nasa itaas ng area ng pagpasok mo sa doors. Nang sinilip ko siya ay may mga wires at ilaw, basta, small part lang siya malapit sa doors…Kung nakasakay ka na ng eroplano, imagine mo na lang na biglang nag-open yung baggage compartment sa itaas ng seats. Gets? Yun kasi ang naging impression niya sa akin. Sori, magulo talaga akong kausap.) Hindi naman siya bumagsak (buti na lang, kasi ako ang matatamaan!) Pabalik naman ako ng SM, mrt uli. Kailan nga ba nang huli akong sumakay sa gitna ng tren? Madalas kasi ay nasa unahan ako (mas kaunti kasi tao) pero nagmamadali na ako kaya dun na ako sumakay. Aba, may gentleman naman na nagbigay ng seat niya. ‘Di ko inexpect yun ah…na makakaupo pa pala ako kahit andito na ako sa gitna. Mister, salamat nga pala ah, hindi mo yata ako narinig kanina eh. Ayun, one’s sacrifice for two. Share kasi kami ng seat nung isa pang babae.
For a change, take something risky but fun.
Detour. Matagal na rin nang hindi ako nakapag-stay sa bookstore ng matagal para magbrowse ng books. As usual, wala rin sa sale area yung mga naplano kong bilhin. Sabi na nga ba eh. Madalas naman kasi, kapag bibili ako ng libro, wala yung gusto ko. Kapag may sale, wala naming stock. Kaya before pa ako pumunta ng mall, naka-set na sa mind ko na kung wala yung mga libro na plano kong bilhin, eh di, iba na lang. Rare ko ito ginagawa. Madalas kasi kapag bumibili ako ng books, nakaplano, at kahit may nakita akong gusto ko, kapag wala sa plano, hindi ko rin binibili. Hindi kasi ako impulsive buyer, kahit pa sa paborito kong bilhin na produkto (next to food), ang books. First time ko rin ito na bumili ng coffee table book. Binayaran ko na, bago ko pa marealize kung gaano siya kamahal (compared to books I usually buy). Inunahan ko na sarili ko, madali kasi akong madiscourage bumili.
In the future: Hmm…Aabangan ko naman ang major sales sa bookstores (hindi kasi major sale itong napuntahan ko). Baka maka-browse naman ako sa BOOKSALE. At…kailan kaya ako makakapunta sa fullybooked na taguig? Pangarap ko kasing pumunta roon at magstay whole day…
Laking national. Wala kasi akong credit card kaya hindi ko ‘to alam. Nasisira din pala ang mga ito? Ngek. 3 weeks pa ang pa-repair, ganun katindi? Buti na lang di nawala ang e-purse ko. Aba, eh pinaghirapan ko yatang paabutin ang e-purse ko ng mataas. Hindi puwedeng mawala yun, noh…
Locked out. Wala lang, na-lock lang naman ang bahay namin at wala kaming susi para makapasok kaya umuwi pa tito ko para ibigay yung susi (ngek…pati siya napabalik ng bahay). Ayun, inabutan kami nga gabi bago nakapasok. Hehe, sarili naming bahay, di namin mapasok.
Cellphone. Ano ba yan…Bakit last week, ang taas pa naman ng load ko tapos na check op ser na ako kanina? Tsk. Tsk. Tsk. Napilitan pa tuloy akong bumili ng e-load para ma-contact ang parents ko pagkatapos naming maghiwalay nang pumunta ako sa bookstore. Noong hindi kami makapasok ng bahay, kinailangan kong itext at tawagan ang tito ko. Noong una nga hindi ko siya ma-contact kaya tinext ko naman yung isa kong tita para i-contact siya. A few minutes after namin makapasok ng bahay, nakauwi na rin yung tita ko at it turns out na kakareceive niya pa lang raw ng text ko.
Mmm…Ang sarap ng kinain ko kaninang Indian mango. Ripe na ripe siya kaya marami akong slice na nakain. Yun nga lang, may mga nakain din akong lasang sibuyas. Kasi naman yung chopping board na ginamit sa sibuyas ay hindi na hinugasan bago ginamit sa mangga. Kaya ayun, bago ko pa maubusan ang mga kapatid ko, tumigil na ako sa pagkain.
Sa pagtatapos. Bukas nga pala ang graduation, naalala ko lang. Hayy…kailangan sulitin ko ang mga magagandang bagay ngayon dahil:
1. Malapit nang bumalik sa abroad ang mama ko.
2. Mage-end na ang broadband subscription namin (dahil aalis na yung tita ko na siyang originally nagsubscribe, at mukhang ayaw ituloy ng parents ko).
3. Simula kahapon, magkakaroon na ako ng weekly exam until the 14th (at kapag may nabagsak ako, magfa-finals pa ako…)
4. Halos daily pa ang FR ko (Yikes! Wala nanamang tulugan! ).
Let’s relish the good things in our life so that we can hold on to them in difficult times.
(physical) Beauty is not the key to happiness, but happiness brings beauty to life.
- - - (by other authors)
He who hesitates is lost. - Anonymous
Make a list of important things to do today. At the top of your list, put 'eat chocolate.' Now, you'll get at least one thing done today.
- Anonymous