(no subject)

Mar 25, 2008 15:09

Whew! kala ko babagsak na ako sa exam na yun ah. Hay! Ang tagal ko rin hindi nakaupdate. Isa na lang. Isang exam na lang, matatapos na ang mentally exhausting sem na ito. Napagod ako dun ah. Anyways, 3am na ako nakatulog kaya ang una kong ginawa pag dating ko dito sa bahay ay...ano pa? Eh di matulog. Bukas, bio finals. Pero I am "hoping" na mae-exempt na ako. Kainis kasi si Sir Mam**** kasi sa day pa ng finals ibibigay yung results nung 4th exam namin kaya bukas ko pa malalaman kung mae-exempt ako o hindi. Anyways, nagrerebelde na ang mind ko eh, baka di na ako mag-aral. Hmph! Pagkakita ko pa lang ng mga handouts, photocopied book pages, notes, Campbell, ayaw ko nang mag-aral! Kasi naman eh, madali naman checkan ang exam na yun, si sir talaga, pa-special pa. Di bale, last bio subject ko na rin naman 'to. Owww. Mamimiss ko ang bio building lalo na ang mga bio pips. Mukha namang magiging classmates ko pa sila sa chem this summer eh. Breathe. Hinga muna ako. Aba, pinagod ako ng sem na 'to ah. Physically, mentally, emotionally, whatever-ally stressed by this sem. Bwahahaha! Buti naman, patapos ka na. Chem 40 & 40.1 sa summer. Yikes! Almost no break.
Previous post Next post
Up