Jan 13, 2010 16:56
bakit pag tinanong ako kung sino mas mahal ko eh siya pa din. lintik na yan. hindi ko lang sinasabi out loud kasi mali nga yun di ba? na kahit gaano ka katarantado at kawalanghiyaang ginawa mo saken ay hindi mapapatawad, mas mahal pa rin kita kaysa sa kanya.
oo na mahal pa din kita hanggang ngayon, kahit na masaya ka na siguro, mahal pa rin kita.
wala siguro akong kasing sama dahil sinasabi ko na mahal ko itong isa na hindi naman kasing level ng pagmamahal ko sa'yo. na kahit mas karapat dapat siya sa pagmamahal ko at napatunayan niyang mas mahal niya ako kaysa sa mas mahal mo ako ay ikaw pa rin ang mahal ko.
paano ba makalimot?
para kasing hindi naman totoo yung sinasabi na natututunan din mahalin ang isang tao.
wala akong kasing sama.