tenenenenenenenenenenene--FIRST DAY HIGH!!

Nov 06, 2006 01:07

E di ADO3 yung room ng 7:30 ko.. tas wala pang tao gaano sa room except for 3ng Korean at ako. Tas may pumasok na dude.. umupo sa may row ko. To make sure na tama yung room na san ako, sabi ko: "tsong masscom ka din ba?" tas sabi nya: "huh?" ..tas lumapit sya sakin tas nilabas nya lang yung form5 equivalent nya tas tinuturo nya lang yung class sked na kung asan kami. "no Filipino.." (!!!) sa mas malapit pala, mukha na syang Korean!! Hutsa! mukha lang kasi syang chekwang bata sa malayo e! ... "ah okay! we're at right room! okay? okay!" hahaha!

Tas dumating na yung prof. pangalan nya ay... Tada!: Smart Buddy! no kidding pare! sabi nga nya ganun na talaga yun bago pa nagka cellfone! ang sad. but then again ang saya din. Prof ko si Smart Buddy! Smart Buddy Angeles. o ha? (serr.. pengeng load! :p)

Tapos pinaayos nya yung seating arrangements namin. tas yung katabi ko, batang lalaki na nakagel yung buhok. mukhang fresh out of HS ang porma... Tas mayamaya na umikot yung papel ng attendandce. syempre wala palang tinta yung ballpen kong dala. so sabi ko kay highschool boy. "Pare panext naman sa ballpen mo.." e di pinahiraman ako.

e di binabasa na ni Smart Buddy yung mga pangalan ng students nya at isa isa nyang kinukulit. Andaming Korean! at di lang yun! APAT out of 6 silang KIM ang Apilyedo! and get this! hindi sila magkakapatid o magkakamag-anak man lang! :O Grabe. May feeling akong di talaga sila Kim may kinalaman yun sa style nilang makalusot sa immigration! wala lang.

Tas dumaan na sakin yung kulitan. tas turn na ni Highschool boy... nalito yung prof. ... "Ma-ri.. chu? ..Marichu? Where is Marichu?" ... tas si pareng-ballpen-highschool boy... unti unting nagtaas ng kamay!!! (???!) tas sabi nya: "fresent sir." kaming lahat! :O (!!!) ...ayus a! "kala ko iha.. ihong iho ka na talaga a!" Tas syempre pinagmasdan ko sya.. Aba'y oo nga! creepy..

HEHEHEHE!! First class palang yan! ansaya maging studentryness ulets! Wang galing nito! wooohoow!!
Previous post Next post
Up