Hello LJ (Moreno)! i missed you!

May 28, 2007 16:45

Kamusta kayong lahat? :)

Ako dito ayus na ayos naman. Ang ganda ng bakasyon ko. Masaya, healing, maligaya, healthy, action-packed, at life changing. Ang shame na di ko napost lahat ng mga rason kung bakit ganun. Siguro kasi nga hands full lagi. pero hindi busy. para patas patatas, i-eenumerate ko ang ilan sa mga nagawa ko this vacation:

*tumira ako sa dagat ng majority of April
*writer/editor na ko sa isang local magazine dito sa Baguio.
*Kaya ko na magsurf gamit short board.
*Nakita kong namamatay si papa. May ginawa akong himala, nabuhay uli sya.
*Wala akong bisyo ngayong bakasyon.
*Nag-camping kami ng matagal sa bundok. first time.
*Nahostage at papatayin sana ang pinsan ko. Sa tulong ni Aki, Solo at Val, nabigyan sya ng pangalawang  buhay. Hardcore to.
*May abs na uli ako. hahahardcore. :p
*Naamnesia ang kuya ko. surreal to.
*Baguio Tour guide level 5 na ko. haha. pang friends lang.
*dami kong chiks! joke lang.

Atsaka dinosaur ako at wala akong gadget na tinatawag nilang "camera?" Dami kong gustong icapture sa mga adventures ko, sayang! Eto nalang example ng mga gusto kong pakita sa inyo among maraming mga bagay: sabi sa sticker sa isang trike sa San Juan La Union: "Say No No to Drugs Drugs! Say Yes Yes to Surf Surf!" OKAY!

magpapasukan na at di ko pa kayo nakikita lahat a!! tangina, oonga! Di nyo lang alam kung gano ko kayo namimiss. Ewan ko ba, bat di ko kayo kalimutan nalang. (ANO?!?)Joke lang. Ang susunod na statement ay hindi madrama. mukha lang, pero hinde. gusto kong makasama: ang brods ko sa UG-The old guys, 'da boys, the new brods of batch 8; mga chiks!- mga anak ko, mga bagong bebot ng batch 8; lahat ng apps, yung mga old apps na kakulitan ko; at syempre yung mga bagong apps! nakakasawa rin kasi yung mga old mems at apps e! haha! joke lang. pero oo, gusto ko makasama ang kids.

:)
Previous post Next post
Up