Kanina dapat pupuntahan ko si Eddie, para kunwari may excuse dumaan sa talyer nila Rox. Kaso bago ko makaalis, napacheck ako ng community at.
PUTA ANDITO NA RIN SI JAS. Nag-hello ako, tamang courtesy lang naman siguro yun. Wala siyang ibang bukang bibig kung hindi pagligtas daw kay Mother Nature, hindi naman ako makahindi nung sinubukan niya kong pasalihin. Cute pa din siya, hindi mahirap tandaan bakit gustong gusto ko siya noon, mas mahirap tandaan kung bakit ba talaga kami nag-break. ;_; Parang ever since palpak na ko sa mga babae. :|
Mukha namang masaya sya sa nature natura niya, amputek, diyan lang pala siya sa Ateneo. Pero parang ibang-iba na din siya. Alala ko dati simple lang sya, mahilig din sa fishballs at sa karne, pati isaw ngayon hindi na daw siya kumakain nun. Alam ko rin sa UP niya gusto nun, pero sabi niya wala daw undergrad kasi ng EnviSci sa UP. Bakit feeling ko iniwasan lang nya ko?
Magugulat siguro si Eddie pag ikwento ko sa kaniya ano na si Jas ngayon. Sweet pa rin sya, pero parang di na sya basta basta magpapadala sa mga tao sa paligid nya.
Hmm. Masyado yata kong napapaisip ng nakaraan. :|