(no subject)

Jun 07, 2007 00:28

Iilang araw na lang at sobrang lapit na ng pasukan. Halatang-halata naman na sobrang kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa first weeks ko sa school. (waw, hindi na AA ang tinatawag kong school ah.) Di ko kasi alam kung ano posibleng mangyari sa first mtgs sa klase. Nakakatakot din maligaw sa campus. Ang laki eh! Buti na lang nakapaglibot ako dati... Pero sana maalala ko kung saan sila sa mapa. XD

Buti na lang nakakapagtanong ako sa mga forums sa peyups. Kahit papano nabawasan ng kaunti ang kabang nararamdaman ko sa pagpasok sa school. At kahit papano nabasawasan ang pagiging clueless ko. Waaah. Takot na takot pa rin ako e. Parang nakaka-self conscious ang first day dun. Baka mamaya maramdaman kong hinihintay ako ng mga tao sa paligid ko na magkaroon ako ng mali. Pero sana di ako sobrang kabahan. T.T

Pansin ko halos lahat ng mga tao nagpopost dito ng magiging schedula nila sa first sem. At bakit parang karamihan dun eh nakakamatay? x.x Kaasar naman kasi. Binigay lang sakin ng CRS puro AH na subjects. Magsasawa ako nito sa english at filipino subjects sa first sem. Sobrang goodluck na lang at may at least 2 writing subjects ako. Isang english, isang pinoy. XD San ka pa? Pero ayos lang. Kaya ko nga yun pinili kasi gusto ko e. lol

Tapos na rin ako sa pamimili ng mga gamit. So wala na akong gagawin kundi maghintay dumating ang 12 sa kalendaryo at ihanda sarili ko sa lahat ng posibleng mangyari sa araw na yun. Sana makapag-enjoy din ako. Ma-enjoy ang unang araw ng pagiging freshie. :)

Yay! Darating na bukas beloved bestfriend ko! At isang malaking goodluck sa kanya. Goodluck kasi hindi pa siya nakakakuha ng mga subjects eh regular enrollment ngayon para sa lahat ng students ng upd. XD

Gusto ko maglibot uli sa school!

Nyay, naalala ko. Wala pa pala akong form137. Nakakalimutan kong ibigay request form sa dati kong school. Waaah.

San ko kaya pwedeng itago form5 ko para di siya mawala? *kamot ulo*

Esep-esep XD
Previous post Next post
Up