Hikari (Liwanag)- tagalized

Oct 21, 2008 12:10

God, I miss doing these things. Wahaha...

Sing this in the tune of Hikari by Utada Hikaru

Liwanag (Hikari)

Ano man ang oras
Ako'y nag-iisa
Tadhana'y nilimot
Ngunit kahit ganon ay
Biglang liwanag bumalot sa kin, ako'y nagising nung
'sang hatinggabi

Tahimik kang
Nakatayo sa exit
At sa dilim ay
Kinuha ang liwanag

Tungkol sa mga bagong pangako
Baka lang ako'y hindi mapalagay
Gusto kong may sabihin, Ipapakila--la ko ang aking pamilya at
Tiyak na magiging close kayo!

Ano man ang oras
Tayo'y magsasama
Ano man ang oras
Dahil nasa king tabi
Ilaw na tawag ay 'Ikaw' ang nakahanap sa akin
'sang hatinggabi

Maingay na (Pag kay lumingon)
Kalsada'y ti--nahak
At nagsuot (Ibigay ang lahat) ka
Ng maskarang tadhana

Sobrang iniisip mo ang bukas
Tumitigil pag walang katuturan
Ngayon ay masarap na pagkain ang kakanin; A--ng bukas ay laging hinaharap
Kahit na hindi ko alam pa

Wag tapusin agad
Basta maglakad lang
Ok lang isa-isang
Puntahan ang bawat scene
Ilaw na tawag ay "Ikaw" ang siyang nagaaninag ng
'Sang scenario

Tayo'y muli pang mag-usap
Ng tungkol sa bukas na nakita mo
Ang TV mo ay patayin mo at tignan mo ako
Tignan mo ako

Gaano man tayo
Naniniwalang konti
Sa gan'to mang oras
Dahil nasa king tabi
Ilaw na tawag ay 'Ikaw' ang nakahanap sa akin
'Sang hatinggabi

Tayo'y muli pang mag-usap
Ng tungkol sa bukas na nakita mo
Ang TV mo ay patayin mo at tignan mo ako
Tignan mo ako

Tayo'y muli pang mag-usap
Ng tungkol sa bukas na nakita mo
Ang TV mo ay patayin mo at tignan mo ako
Tignan mo ako

tagalized

Previous post Next post
Up