rawr ulet.

Oct 24, 2007 13:58

walangya, kakaiba, antagal ko na hindi nag-update sa lj tas biglang hello lj. hello strangers. stranger na din ako, azen strange-er. naisep ko lang na mali yung ginawa at ginagawa ko. pero hindi ko talaga makontrol. ignorance is bliss. parang swakto yun ngayon. sa mga pangyayari. sa mga pangayayri. kasi naman usisera ako. ayan tuloy napala ko. kanina lang mga ten minutes ago okay ako. steady mode. tas ngayun eto nanaman yung familiar feeling ng loneliness. parang four seasons of loneliness. para kasing wala nang limit eh. tas nakasama, lalo na ngayon mga panahon na 'to na prone ako pumitik anytime.

anlabo kasi hindi ko alam kung anu yung nararamdaman ko. kung nagulat ba ako. or nalulungkot. or ewan talaga. alam ko naman na dati ganun yung moda, pero iba pala kapag ako na mismo yung nakakita, nakarineg, naka-isep. mas nabibigyang kulay ang hindi naman masyadong makulay. or iba dapat yung kulay na gamitin ko, pero iba rin yung talagang kulay. lampas lampas pa naman ako magkulay. hindi din ako marunong magdrawing. ayan alam ko na, gusto ko umiyak pero hindi pwede kasi ang emo nun masyado, umuulan pa naman, tas may klase pa ako memya.

nabanggit na may mga ganung moda, pero hindi ko talag inaakala na ganun-ganun. parang whoa, tas napatitig lang ako. tas nagiiba na yung nasa loob. hindi ko alam kung san ako tatayo. or kung uupo ako. tas parang natunaw yung paliged. parang notebook na may sulat gamit ang sign pen na nabasa ng ulan.

sadness, i missed you.
Previous post Next post
Up