Nalimot Mo Na Ba?

Sep 28, 2010 08:39

 A/N: Naisipang gawin nang may nagbukas na dessert resto sa kanto. Haha. Long time no write ng Filipino fic ako ah. Haha. Enjoy na kayo :)


Pag-gising ko, may sampung missed calls na ako, dalawampung text messages, at isang five peso pasaload. Loko talaga itong nobyo ko. Akala niya sa akin, taghirap kaya ako niloadan. Pero ang cheap pa rin niya, five pesos lang. Sana 30 pesos na lang para makaunli ako. Anyways, atat lang yun kasi third anniversary na namin. Ang bilis nga naman ng panahon, tatlong taon na pala kami, hindi ko man lang namalayan. Actually, namalayan ko, emote lang kasi para may effect.

Ayun, nireplyan ko na siyang sunduin niya na lang ako sa bahay para mas bongga yung selebrasyon namin. Actually, hindi pa rin alam ni Juancho, yung may ari ng Star Magic na pinagtatrabahuan ni Ryosuke na kami nang dalawa. Huwag na din muna natin siyang pagsabihan, baka agawin niya si Ryosuke sa akin, ako pa ang mawalan. Haha!

Four o’clock pa lang naman so naligo na muna ako. Wag na nating idescribe dahil baka maging smut ang genre nito. Lol. So after kong naligo, hinanda ko na yung mga pampaganda ko. Of course naglagay ako ng sun block para hindi ako masyadong mangitim, kaunting powder para mas gumanda ako, at lip gloss para kissable lips ako. Hanggang dun lang naman make up powers ko, ayaw ko kasi sa masyadong makapal na parang kalapating low rider ang dating ko.

Nag-ring ang phone ko nang mga 4:30 na. Sino pa ba ang tatawag kundi si Ryosuke. Ayun, kinikilig tuloy ako.

“Hello hon?”

“Oh, nasaan ka na? Ready ka na ba?” tanong niya.

“Oo. Ikaw, nasaan ka na?”

“Nasa labas ng bahay niyo. Kanina pa ako bumubusina, di ka naman sumasagot.”

“Ha? Naku sorry ha? Ang lakas kasi ng player ko dito.”

“Ano ba pinatutugtog mo diyan?”

“Eh di yung ginawa mong song para sa akin!” kilig na sambit ko.

“Ahh. Teka, alin dun? Eh ang dami kaya nun.”

“Ay, oo nga pala. Yung latest, yung ‘Never Say Never’.” Sagot ko naman.

“Ah, yun ba? Sige na, ako pa ba ang aakyat diyan para sa room mo na lang tayo mag-celebrate o bababa ka na dito?” halos maramdaman ko na ang ngiti sa kanyang labi pagsabi niya noon.

“Tempting yung first choice ha, pero sige bababa na ako.” Tawa ko sabay patay ng phone.

Ang taray na talaga ng nobyo ko, de kotse na siya ngayon samantalang ako pang-bus pa rin paminsan-minsan. Pero okay lang, sinusundo niya naman ako most of the time. Oh di ba, ang gwapo ng service ko.

“Oh, kiss ko?” sabi ni taba.

“Eto.” Ako naman sabay kiss sa lips. *_*

“Dating gawi?” ngiting sabi niya.

“Okay.” At pinasakay na niya ako sa BMW convertible niya. Syet, try ko kayang mag-audition sa Star Magic. Wala kasing ganito sa TV5. Haha!

Pagdating namin sa FIC (Fruits in Ice Cream) Dessert Restaurant, binate kami agad ng waitress na super smile kay Ryosuke na akala mo naman ngayon lang nakakita ng gwapong artista. Sorry ka na lang te, akin siya. Haha!

“Good afternoon po. Ano po ang order nila?” tanong ni kerengkeng/waitress.

“Sa’kin black forest sundae at isang slice ng sans rival.” Sabi ko.

“Eh ikaw sir?” Ay lumandi na si ate. Sapakan you want?

“Uhmm… Isang slice ng devil’s food cake at orange juice.” Sabi niya at umalis na ang waitress.

Ako’y natigilan.

“Oh, bakit ganyan ka makatingin?” tanong niya.

“Bakit di ka umorder ng strawberry short cake at strawberry parfait, gaya ng dati?”

“Ah yun ba? Nakakasawa na kasi eh. Try ko naman yung iba.”

Flashback - Mga dalawang taon ang nakakaraan

“Dito tayo laging magce-celebrate ng anniversary at monthsary natin, okay?” sabi ni Ryosuke sa akin nang nasa harap kami ng isang kabubukas pa lang na dessert restaurant. Pumasok kami sa loob. Maganda ang ambience doon, matamis ang hangin. Ewan ko ba, biglang nagkalasa ang hangin nang pumasok ako. Lol.

“Good morning po. Ano po order nila?”

“Isang black forest sundae at isang slice ng sans rival yung sa akin.”

“Ako isang plate, este slice ng strawberry shortcake at isang strawberry parfait.”

“Okay po. I’ll be back with your orders in a minute.”

“Sosyal, nag-english agad si ate.” Tumatawa kong sabi.

Flashback - One year ago

“Good afternoon po. Ano po ang order nila?”

“Same orders hon?” nakangising sabi pa ni Ryosuke.

“Yun na naman? Haha! Hindi ba pwede ang iba?”

“Well, kung gusto mo ng ibang oorderin, okay lang sa akin. Pero ako, gusto ko same order lang palagi.”

“At bakit naman?”

“Kasi parang ikaw yung palagi kong inoorder at kalian man ay hindi ako magsasawa sa iyo so hindi rin ako magsasawang umorder ng same food everytime na nandito tayo.”

“Ang sweet naman ni sir.” Sabi ng waitress na nakabrace at may bangs pero may tighiyawat sa nose.

Ngumisi lang ang mokong. “Sige na nga. Ako rin, same order na lang.”

“Parang napipilitan lang oh!” Kunwari’y nagtatampong sabi niya.

“Ungas. Pa-kiss na lang. Haha!”

Flashfront - Present day

“Mirai? Okay ka lang?” tawag ni Ryosuke sa akin.

“H - ha?”

“Okay ka lang ba? Ba’t parang namumutla ka?”

“O - okay lang ako.”

“Sigurado ka?”

Tumango na lang ako.

“Ito na po ang order ninyo. Enjoy your meal.”

Nasa harap ko ang pangakong order ko. Ang kay Ryosuke naman ay iba na, nag-iba na rin kaya ang feelings niya para sa akin?

“A - Actually, masama pakiramdam ko. I have to go.” Tumayo ako at umalis. Nararamdaman ko na lang na hawak niya ang kamay ko habang tinatawag pangalan ko.

“Mirai, gusto mo dalhin kita sa ospital?” alok niya.

“Wag na. Taxi!”

“Teka, bakit ka magtataxi? Ihahatid na kita pauwi.”

“Wag na Ryosuke. Bitiwan mo na lang ako, nacoconstrict blood vessels ko.”

“Mirai ano ba ang problema?”

“Wala.”

“Wag kang magsinungaling sa akin Mirai. May nagawa ba akong masama?”

Tumahimik kaming dalawa. Umalis na lang si manong taxi driver nang nakatunganga pa rin kaming dalawa.

“Mirai, ano ba kasalanan ko sa iyo?”

“Hindi mo ba talaga natatandaan?”

“Natatandaan? Wala naman akong ginawang masama di ba?”

“Siguro nga, para sa iyo wala na iyon ngayon. Pero pinanghawakan ko ang salita mo Ryosuke.”

“Hindi kita maintindihan.”

“Sabi mo noon, kalian man ay hindi ka magsasawa sa akin so hindi ka rin magsasawang umorder ng same food everytime na nagce-celebrate tayo ng anniversary at monthsary natin sa lugar na iyon.”

Natigilan si Ryosuke.

“So, tama ba ako? Nagsawa ka na ba?”

Katahimikan.

fan of: shida mirai, fan of: ryosuke yamada, ♥ : yamashi, filipino fic, fanfic

Previous post Next post
Up