Mirai Vs. Destiny

May 25, 2010 17:23

Pang-ookray[A/N]: Kasi wala pa akong gift sa YamaShi, so ito na lang. Ginawa nung sumasakit ang ulo ko kaya hindi masyadong ginamitan ng utak ika nga. Hahahaha!



Birthday ni Ryosuke ngayon.

So?

Ayun nga ang loko at nakikipaglandian na naman kay Yuri. At ang baklang bubuwit naman, parang nasa heaven. Upakan ko kaya yun para matauhan. Ako, eto nagre-rewrite ng notes ko sa Chemistry kasi ang bilis maglecture ng majonda naming teacher. Pumangit tuloy and handwriting ko. Pati kaya siya upakan ko na rin. Yung beaten into a pulp, parang Tropicana or Minute Maid.

Anyways, ayun nga ang Ryosuke sa labas. Nag-greet na ako ng happy birthday sa kanya kasi kinulit ako ng kinulit. Tapos nagdemand pa ng gift eh wala akong pera ngayon kasi bumili ako ng bagong Ipanema flip-flops. Ang mahal naman pala ng tsinelas na yun. At ako namang gaga, mataas ang pride binili talaga kesa mapahiya ako. Kaya nga wala akong gift.

Nang matapos na ako, pinuntahan ko siya. Nakalingkis pa rin ang echoserang ahas sa katawan ng nobyo ko. Tiningnan ko siya ng masama. Tumawa ang gagang Yuri, dumukot ng something sa bulsa niya, at binigay kay Ryosuke na pangiti-ngiti pa. Isang maliit na box na kulay pink ang regalo ata ni Yuri.

“Buksan mo na Yama-chan.”

“Ano ba ito?”

“Buksan mo nga para malaman mo.” Paglalandi pa ng bakla.

Binuksan naman ni tabachingching. Kuwintas ang laman. Parang nanggaling pa ata sa bangketa. Yuck. Well, at least ang bakla may regalo para sa boyfriend ko. Eh ako, parang pulubi. At eto, mas masho-shock kayo sa next na nagbigay ng regalo.

“Yuma?!” bulalas ni Ryosuke.

Ano ba naman ang ginagawa niya dito sa paaralan namin??? At may dala pa itong malaking box na nakabalot naman sa blue na wrapper. Sinasadya ba talaga ni Destiny na ipamukha sa akin na dukha ako ngayong araw na ito? Imbyerna ako! Pero teka, don’t tell me na nandito ang NYC boys para mag-greet kay Ryosuke?!

“Yuma, anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok sa inyo?” tanong ni Ryosuke.

Ngumiti muna siya sa akin at bumaling kay Ryosuke. Ang ganda pala ng mata ng patpat na ito. Nakakatakam. Eew. Ang landi ko, para na akong si Yuri. Harhar.

“Napadaan lang kasi ako. Happy birthday nga pala.”

Ngumiti ng pagkalapad-lapad si Ryosuke at sinimulang buksan ang box. Shet, alam nyo ba kung ano ang nasa loob? Isang Fedora hat lang naman. Ay wait, dalawa pala. Nakastack lang. At talaga lang ha, ipamukha mo pa sa akin Destiny na poor ako. Isa na lang magwawala na ako.

“Salamat Yuma!”

“Sige, mauna na ako. Me pupuntahan pa kasi ako.” at ayun, umalis na si mata-pusa.

“Yama-chan, eto naman ang sa akin!” hiyaw ni Yuto. Hindi na ito nakabalot. Isang strawberry shortcake.

Anak ng tipaklong ka naman Destiny eh, humirit ka pa! Sige, oo na. Wala na akong gift para sa baboy na irog ko. Eh ano kaya  kung virginity na lang gift ko, oh di ba bongga, makaka-save pa ako! Pero eeew ha. Hindi ito pwedeng pang-birthday lang, dapat pang-kasal ito. And if ever that happens, humanda siya, wiwindangin ko anatomy niya. Hahahahaha!

Tinangay ni Ryosuke ang cake sabay hawak sa kamay ko. Hinila niya ako ng pagkalakas-lakas na halos maputol kamay ko. Oo na, OA na ako. Dinala niya ako sa malayo, pero hindi masyado malayo na mag-eenjoy ang mga malalanding utak ninyo. Doon lang sa malapit sa hagdan. Hinarap niya ako at itinaas niya ang cake.

“Happy birthday sa atin.” Ngiti niya.

“Bukas pa birthday ko ugok.”

“Pero ganoon na rin yun.”

“Pasensya ka na wala man lang akong regalo para sa iyo.” Sambit ko na namumula ang mukhang parang strawberry.

“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko na kailangan ng regalo. Ikaw pa lang, masaya na ako.”

Ayun, namula na ng tuluyan ang mukha ko. Kulang na lang pati buhok ko pula na. “Walang hiya ka talaga.”

“I love you.”

“I love you-hin mo mukha mo.” At ayun, hinalikan na niya ako.

“Pwede na yung pang birthday gift.”

“Wala na akong utang.” Dagdag ko pa.

Tumango siya.

“Eh ikaw naman may utang sa akin. Ahahahaha!”

“Loka-loka. Bumalik na nga tayo dun at baka magsisimula na klase natin.”

“Kiss mo na muna ako ulit.” Ay gaga. Hahahaha.

“Pakipot ka pa kanina.”

At tinawanan na lang naming ang katangahan namin.


fan of: shida mirai, fan of: ryosuke yamada, ♥ : yamashi, yamachii, fan of: nakayama yuma, fanfic

Previous post Next post
Up