"Kamusta naman ang buhay buhay~?" Vol.1 No.2 (katawa na to!)

Sep 04, 2007 04:40


Eto na naman po tayo sa isa na namang hindi kapanapanabik at natubigang apoy ng baga na balita tungkol sa..... akin!

1. HAIRERETTE. Naiingit ako sa officemate kong nagpa-curl ng hair! Sa December, pag mahaba na ulit ang buhok ko, papa ganon ko din. Pero... lately, feeling ko pagnagpahaba na ko ng hair, hindi na kelangan magpakulot - kasi parang kusa na syang gumugulo everyday. Kahit ngayong maiksi na ang hair ko! Pam, bawal na magpagupit, except 1/2 inch trim!

2. COPPER. Hay, eto na naman ako tumatakbo sa iba't ibang malls para sa new campaign roll-out namin. Syempre ako na naman lahat nag-isip ~_~ Hay talaga, abangan na lang po ang New Levi's® Copper ulit sa inyong mga suking Levi's® na tindahan ngayong September >_<. Napagod ako dito... kasi minadali ko lahat :/ Ganon talaga pag mali sa oras ang pagdadagdag ng trabaho sayo!

3. MAMA. Si Mama, hingi ng hingi ng pera. Ala na nga akong pera dahil madami na syang hiningi. Di naman ako nagdadamot. Ala lang talaga na akong pera. Sana lang maintindihan nya. Nalulungkot tuloy ako.

4. SALARY. Nakausap ko na si Sir Ronnie nung isang linggo tungkol sa pagtaas ng sahod ko. Wala pa daw syang maibigay na sagot. Nasa status daw kasi ng company, ng brand, ng performance ng individual - oo nga nandon na. Eh, 8 months na yung sinasabi kong raise eh! From Probationary to Regular. Wala naman kinalaman yun sa current performance ko. Dahil 8 months na ang nakakalipas. Hay talaga... pag ang kompanya nanghihingi sayo, sundot ka agad! Pero pag ikaw na humingi... patay na talaga!

5. HEADACHE. Super sakit ng ulo ko since Saturday pa. Well ngayon, minsan na lang. Ano kaya to? Yan din ang dahilan kaya ako absent kahapon. Para naman akong tanga, nagbabad ako sa computer. Eh hindi talaga mawawala ang sakit ng ulo mo nyan Pam!

6. BIODOME. Gumawa ako ng isang magarbong Biodome sa Sims 2. Tapos... nilagyan ko na lahat ng furnishings at plant-ma-thingums. Tapos... ni-save ko. Tapos...nagtest ako ng sims sa loob ng biodome. Tapos... tinanggal ko sila. Tapos... sinama nila lahat ng furnishings - pero hindi na-add sa kanila ang amount ng total furnishings. Kamusta naman yun >_< uulitin ko na naman mamaya tuloy pif!

7. RAGNAROK ONLINE. Miss ko na mag-RO. Hindi ko alam bakit di pa rin ako nag-RO ngayon.

8. RISING FORCE ONLINE. Yehey, pagkatapos ng roll-out ko sa work, pwede ko na ulit atupagin to, yahoo!

Yun lang po~

Previous post Next post
Up