Feb 17, 2008 23:24
hindi ko alam kung bakit parang lahat kayo kelangan ng kalinga
talaga bang ganyan na ang mga tipikal na problema pagdating ng sa inyong edad?
siguro nga seryoso na kayo sa mga buhay nyo
gusto nyo ng lumagay sa tahimik ngunit may mga hadlang
ang ilan sa inyo sinasabing, hindi payag ang pamilya ng kabilang partida
mayroon namang iba, "parang hindi pa ako handa"
lagi akong nakakatanggap ng mga balita na parang hindi nyo na kaya
ako naman nag-iisip, bakit naman? gayong nung una ako pa ang naiinggit sa inyo
pero alam ko naman na malalagpasan niyo ang mga pagsubok na yan
at maghahanda na rin ako dahil alam kong darating din ako sa puntong pinagdaraanan nyo ngayon