humahangos palapit ang kunsintedora kong boss sa work station ko kinikilig at abot batok ang ngiti habang kasalukuyang seryosong seryoso ako sa aking trabaho (seryoso talaga?!) sabik nyang ibinalita na magrerearrange ng work stations. ''eh anu naman ngayun?'' at agad nya akong hinatak ng halos makaladkad nako patungo sa kanyang lamesa at tinuro ang screen ng kanyang computer (exag lang) at napako ang aking tingin sa isang napakalaking kalokohan. Magkatabi ng pwesto ang aming team at ang team ng aking iniirog sa opisina (irog talaga) na kamakailan lang ay nalaman kong may asawa't anak pala. O kay saklap naman lalu na't umaasa pa naman akong ika'y may pagtingin din sa akin yun pala'y tahong ang iyong paboritong kainin. (cue alanis gow ibirit mo!) Oh isn't this ironic. Don't you think? A lil too ironic...
Post from mobile portal
m.livejournal.com