Oct 09, 2009 00:21
Kanina nanuod kami ng sine ni Josh, my 6 year old brother, sa SM Marikina. Brownout nanaman kase sa lugar namin. (Bakit ba parang ang malas ng Marikina/Antipolo area lately?) Dahil walang mapanuod at kasama ko si Josh, nanuod na lang kami ng G-Force, isang pelikula tungkol sa apat na secret agent guinea pigs na marunong mag karate. (Tangina dapat bigyan ng Pulitzer ang nag sulat nun) But it was either that o The Flood, isang pelikula tungkol sa baha. (Hindi ko alam kung sinong kamote ang nag-isip na magandang ipalabas ang The Flood sa SM Marikina pero magaling siyang mang-asar)
Alam mong hindi ka dapat mag expect sa pelikulang papanuorin mo kung tungkol ito sa Guinea Pigs na nagsasalita. Hindi rin magandang senyales kung pag pasok mo sa sinehan, vacant yung karamihan ng upuan sa bandang gitna pero sa mga kaitaas-taasan o KKK (Kaitaastaasan, Kasuluksulukan, Kantu***) e puno ng activity. Dahil nakagenerators lang rin yung mall, wala ring aircon sa loob ng sine. Kaya medyo amoy kulob. Sabi ko kay Josh,
"Di mo ba naaamoy yun? Ang baho ah..."
Sabi niya sakin,
"... umutot ka nanaman ata e."
Mapanghusga ka, kapatid. Kapatid nga kitang talaga.