May 02, 2008 13:11
May mga tao na sadyang ganyan talaga. Hindi mo mawari. Kung minsan di mo akalain na yung masungit sa inyo yun pa yung nakaka-intindi sa inyo rather than mabait at akala mong nakaka-intindi sa iyo yun pala'y labas lang lahat ng sinasabi mo sa kabilang tenga niya o di kaya'y siya pa mismo magtratraydor sa iyo. May mga advice sa iyo na akala mo na napaka-experiensyado na niya, pero yun pala hindi pa nangyayari sa kanya or sa mga iba pa niyang mga kaibigan. Barkada ... siyempre masaya pero pagtagal ng panahon sa tingin mo barkada tutulong sa iyo pag-ikaw ay sobrang nagipit siyempre hindi di ba. Pamilya mo tutulong sa iyo. Sa respeto ... depende sa taong nakakakilala sa iyo. Hindi lahat ugali lahat ng tao pare-pareho di ba. Manhid .. maraming ganyang tao at marami pang klase iyan. Mga nagtatanga-tangahan, mga akala mong walang paki-elam sa mundo, mga hindi alam ang katagang responsibilidad,mga ganung tipong tao. Promises? Gawin mo. Kung hindi kaya huwag mong ipaasa sabihin kaagad sa kanya. Hindi mo yung isisi sa ibang bagay di ba. Gawan mo ng paraan.
Eto lang tanging mai-advice ko sa iyo. Kung mas minahal mo pa ang pangbabarkada mo kaysa pamilya mo at hindi mo isinasaayos yung mga responsibilidad mo sa sarili mo. Ikaw rin baka huli na ang lahat at magsisi ka sa huli .
manhid,
di mo akalain