Aug 15, 2007 16:58
tinatamad na talaga akong mag-journal. busy na din eh. pero ngayon, medyo walang magawa kaya eto paparamdam muna ko dito. errr tinatamad na ko mag-type. badtrip na araw 'to eh. 3 oras ba naman byahe mula samin hanggang makati! damn! baha kasi kaya ang traffic. halos kakarating ko lang, pero eto nag-lj agad. hahaha. :)
share ko lang...
nung sabado, halos patayin ko sarili ko sa mga ginawa ko. hahaha. ok, 1st stop, derma sa perps. medyo na-late ako ng gising kaya na-late din ako sa pila. buti hindi ako masyado matagal nag-antay. next stop, megamall to have lunch with kathleen. nakabalik na sya from japan. ayun so medyo na-late din ako sa meet-up namin. had lunch at chef donatello (?), kath's treat. hehe. tapos ni-claim ko na pala yung bagong gadget ko. weeeh! paid her half. hehe. 2-gives. haaay. na-miss ko sobra si kath. chikahan ever. sayang bitin yung time, kailangan nya kasing bumalik sa office. nag-OT kasi sya, eh strict sila sa lunch breaks. ayun. pagkahatid ko sa kanya sa sakayan, naligaw-ligaw pa ko sa megamall. harhar. di ko alam kung san ako lalabas. wahaha. nung sa wakas natunton ko na kung san ako dapat lumabas, punta na kong araneta. mineet ko si elyot sa gateway kasi nood kami ng dlsu-ust game. hehe. sobrang biglaang desisyon. at hindi ako nagsisisi. yey! great game! sobrang saya. hehe. dun pa kami naka-pwesto sa dlsu side kaya ang saya mang-asar. lol. astig talaga. after ng game, may lakad pa ko. sa alabang lang naman. nood kami rush hour 3, 8:25pm screening sa town. so 4-6pm yung game, kaya pa. damn nag-overtime! 7pm na ko nakaalis. waaah. nakakabaliw. dumating ako sa town, 8:20pm. gawd! gutom na gutom, ngarag at pagod! buti na lang laughtrip yung rush hour at hindi ako nakatulog. hehe. after ng movie, tambay sa giligan's. heart-to-heart talk with friends. haaay. tapos uwi na, around 2am na. pero hindi pa ako agad nakatulog. haha. syempre aliw pa ko sa bago kong gadget. yay! :) haaay masyang nakakapagod na sabado. :)
speaking of gadget, halos puno na sya ng movies & mp3s. at ang unang movie na pinanood ko ay, jaraaan... kung ako na lang sana. lol. na-realize ko na hindi ko pa pala sya napanood ng buo. ewan ko kung bakit, walang chance? hehe. tapos nung sunday ko lang din naalala na nakita ko pala sya sa veoh at di ko pa sya tapos i-dl. ayun, pagkatapos nilipat ko sa ZVM ko tapos pinanood ko nung gabi. hahahaha. affected ako? lol. iyak kung iyak. kahit hindi naman talaga nakakaiyak. pucha ang labo ko. hahaha. pero buti pinanood ko sya. madami akong na-realize. lol. wehehe! :)
sa music naman, ang kaadikan ko ngayon, balik-loob sa boybands. lol. grabe aliw sobra! nostalgia! hahaha! nakita ko yung cd ko ng mp3s ng 98 Degrees, halos naiyak ako. lol. lalo na nung pinanood ko yung mga music videos nila. shet. yung STILL pucha. nostalgia sobra! naalala ko pa nung nanood ako ng concert nila sa Folk Arts nung 3rd yr HS ako. grabe. hahaha. tapos nag-dl ako ng lahat ng albums ng 'NSync, BSB, Westlife & Blue. grabeeee. hahaha. na-miss ko sila sobra. eto nga pinapanood ko pa yung concert video ng 'NSync. damn. asan na ba mga mahal kong boybands?!?! haaay. nakaka-aliw. parang highschool lang ulit. hehehe. :)
oh well. ayun lang naman. gusto ko lang ipaalam na buhay pa naman ako. :)