Nitatamad na ko mag-journal! Haha nakakatamad mag-type. =P
Pero feel ko magkwento onti ngayon. Haha saya kase at last nakapag-swimming na ko! 1st ko this summer. Haha. :)
I spent the weekend with my officemates at Silang, Cavite. We stayed in my officemate's rest house there. Ang saya. Adventure pa yung pagpunta ko kase mag-isa lang ako nag-commute nung Saturday! Haha backpacker ang drama ko! =P Madami pa kasi akong inasikaso nung Sat morning kaya hindi ako nakasama nung Friday night. Kaya sumunod na lang ako nung Sat afternoon. Asteeeg feeling ko ang tapang ko! Haha enjoy! :) Ang saya nung weekend. Night swimming kahit malamig. 1-2-3-pass tournament. Pig-out. Camwhoring. Bonding. Sobrang saya and sobrang relaxing! Weee! :)
Then last night, balik Cavite na naman ako, sa Imus naman. Nag-organize kasi ng surprise party yung mom ni Jany kase (shet) graduate na si Jany ng Med!!! Gosh! At age 21, grad na sya ng med. 1 year of internship nlng tapos board exams na August next year. Ampf! Ang bunso ng tropa eh malapit na maging doctor. Grabe na 'to! I'm just so proud of our "baby." And there was another occasion to celebrate! Francis passed the ECE board exams! Yaaay! Congratulations to both of you (ayeeeee)!!! ^_^ And yey I was so damn happy to see my friends again! Flaire, Judy, Sane, Danilo, Dicky, Bit, Myx, Ige, Francis. Jusko antagal na yata nung last na bonding sessions namin. Nagpplan nga kami ng summer get-away kaso wala pa ding na-finalize. Haaay basta miss na miss ko sila! Ang sarap ng food na handa, ang saya din ng bonding! Saya saya talaga! Hehe! Ayos pa yung roadtrip pauwi sa van ni Ige. Trenta-trenta lang po... Singkwenta pag malayo... Hahaha! Nangolekta ng pang-gas! Hahaha ayos! Umalis kami ng Imus 12mn, then hinatid si Dicky sa Casimiro, then si Sane sa Pilar, then si Danilo sa Multinational Vill, P'que! Kamusta naman ng pabalik-balik na route! Road trip todo! Naihatid ako sa bahay, 2am na! Haha! Cool ang saya! Eto nga lang, bangag at puyat ako. Haha! Pero ok pa rin! Magpplano na ko ng next movie night namin. Shet namimiss ko na talagang gumimik with them! And we have to make a lakad on May 5 kase Physio Day yun! Anniv ng after-HS-grad-EK-adventure namin! It's been 6 years! OMG! And I'm so happy ang thankful na solid and bonded pa din kami. ^_^