(buntong hininga...)

Feb 10, 2008 22:15

minsan nakakawalng gana na magtiwala sa bansa natin. minsan nakakapagod na umasa na magbabago din ang sistema. pero pinaala-ala sakin kanina nung binasa ko sa family devotion namin na hindi dapat panghinaan ng loob dahil hindi pa rin tayo kinakalimutan ng panginoon. mahirap umasa sa isang bagay na parang wala ka namang nakikitang pagbabago.

alam ko ang pakiramdam nito dahil minsan na akong sumuko noon. pero naisip ko kaya ako sumuko ay dahil sa maling tao ko binigay ang hope na un. umaasa ako na magbabago siya para sakin at gagawin nya un. ngunit hindi, hinding hindi mo pwedeng asahan ang ibang tao na magbago para sa iyo. kailangan munang tingnan mo ang sarili mo at baka hindi naman sa kanya ang may mali. baka may mga bagay ka pang kailangang matutunan na magisa.

ganun din sa bansa natin. hindi natin pwedeng isisi nalang ang lahat sa ibang tao. sa mga corrupt na lider ng bansa natin, sa mga officials na lantarang winawaldas ang atin salapi. hindi lang sila ang may pagkakamali...ang lahat ng ito ay bunga ng maling sistema. sistemang lahat ng pilipino ay kasama.

di kaya na hindi lang sila ang may mali? baka sa atin din mismo naguumpisa ang lahat ng problemang ito.

maling sistema

Previous post Next post
Up