shwank!

Apr 14, 2007 03:44

nagpunta kami ni tads kanina sa baywalk after namin lumabas sa office. biglaang lakad. mga 10:30 na kami naka alis. OT nanaman kasi...hay nag unwind lng.

kanina ang saya kasi nag dedebate kami ni tads. habang parehong bangag...ewan ko kung dahil b un sa ininom namin or dahil sa pagod sa trabaho...a cguro s kinain namin stuffed pandesal sa 7/11 kanina...hehehe

wala lang. ang saya kasi pag nakikipag usap sa kahit sino tapos parehon gumagana ang utak nyo at hindi lang puro...ummmmm...ehhh...teka....ano nga palang fave color mo?
ang saya kasi alam kong magkaiba kami ng opinions pero masaya ung marining un side nya or kung ano man ang tumatakbo sa utak nya...kahit na opposite dun sa pinapanigan mo. pag mahaba na ang usapan...sapakan nalang o kaya mag pendong-peace nlng kayo.

haaay...wala lang.

teka...ngayon ko lng narinig...ang tamad daw ng boses ko. parang laging lasing magsalita...totoo ba yun?

ano tingin nyo?

survey survey!

Previous post Next post
Up