Colgate

Aug 07, 2006 18:33

pucha. ang sakit ng ngipin ko. as in. pinacheck ko sa dentist kanina. sabi nya anti-biotic daw ako for 7 days, every 8 hours. tapos pagtapos nun, pa x-ray raw ako at chaka idedetermine kung root canal or byebye tooth.

f.u.c.k.

sobrang sakit nya na habang kumakain kami ni R kanina sa soup kitchen, napaiyak nalang ako sa awa sa sarili ko. pano gutom na gutom na gutom na ko talaga. since kahapon, puro sabaw nalang ang kinakain ko.

tapos late ang business. 6:18. di ko alam kung kasalanan ko pero mga pahina ko nalang ung hindi tapos. pagtingin ko sa oras past 6 na pala. hindi ako maka concentrate. ang sakit sakit ng ngipin ko. ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kasakit, kahit nung inoperahan ako sa impacted teeth ko dati di naman ganito.pero siguro dahil nasa bahay lang ako nun at parelax relax, tutulog kung dapuan ng antok. ngayon hindi ko naman pwede gawin yun.

waaaaah. gusto ko na umuwi. the whole day na kunot ung ulo ko. cranky ako. kung pwede lang uwi na ko sa mommy ko tonight at wag na pumasok bukas. kebs na sa storya tungkol sa t-shirt na di ko alam kung may bumibili pa. kebs na sa badminton na wala naman nagpupunta. kebs na kung mahirapan tong bago namin dahil mag-isa lang sha pag umalis ako. kebs na kung ma-bad trip si sir bert dahil di ko tatapusin ang araw. kebs na. masakit talaga.

leche. sana lahat ng masamang tao sumakit rin ang ipin.
Previous post Next post
Up