MAGHANAP NG BAGONG MAKAKASAMA
Bahala ka na sa buhay mo anong ibig-sabihin noon! Huwag magigng masyadong clingy kay new friend, OK?
Nang makasakay na siya sa kotse ni Sir Junmyeon, di alam ni Kris kung anong pag-uusapan nila. Alangan namang tungkol sa trabaho, at masyadong boring iyon.
“Grabe, Sir, salamat ha. Pero parang sobra naman po ito,” sabi ni Kris tungkol sa makeover niya.
Ngumiti si Junmyeon. “How do you like the change?”
Napaisip si Kris. “Hmm, believe it or not, gusto ko siya. Hindi ako sanay na diretso ang buhok ko, at pantay ang makeup ko, pero gusto ko itsura ko. Pero natatakot lang ako kung anong ipapagawa mo sa akin bilang kapalit.”
“Di ba may deal tayo? Aayusin ko buhay mo, tutulungan mo akong ayusin ang SME.”
Di niya maiwasang mapansin ang folder ng kompanya na may panibagong kontrata.
“The master is paid, all expenses agreed to herein…” binasa ni Kris. “At paano mong napapayag si Jessica dito, hah?” Matagal na nilang nililigawan ang PR mogul na si Jessica Jung at ang kanyang mga kliente para mag-advertise sa kumpanya, pero ngayon lang nilang napapayag siya sa mga kondisyon nila.
“I have my ways,” sagot ni Junmyeon, sabay may misteryosong ngiti.
“Anong ways?”
“Sabihin natin… pareho kami ng gusto.” Ayan na naman ang ngiting di maintindihan ni Kris.
“Ano? Isa’t isa?” biro niya.
“No personal questions. That’s a rule,” nangbuntonghininga si Junmyeon. “Does that bother you, Kris?”
“Che. Gawa-gawa mo lang ata mga rules-rules na iyan.” Walang maisip sabihin si Kris, kaya bigla niyang nasabing, “Alam niyo, Sir, hinanap ko na kayo sa Google.”
“So what did you think of your findings?”
“Kebs lang, but I prefer the hard copy I have right here,” inamin ni Kris, kahit na alam niyang sobrang sabaw itong pakinggan.
“Did you enjoy yourself earlier?”
“Clubbing is not my style,” sagot ni Kris sabay irap. “Besides, di naman ako ang tipong babaeng nakakakuha ng kung sino-sinong lalaking gusto ko sa bar.”
“Huwag mong sabihing ako ang type mo?” tanong ni Sir Junmyeon, nakatingin sa kalye habang nagmamaneho. “Baka ako ang gusto mo maging boyfriend.”
Mabuti na lang at red light sila dahil hindi alam ni Kris kung paano niyang pipigilan ang lakas ng tawa. “OH MY GOD, SIR JUNMYEON. Grabe ang kapal ng fez mo!” sigaw ni Kris sa gitna ng mga tawa. Patuloy ang tawa niya habang halos mahulog sa upuan (buti na lang may seatbelt siya).
“Sorry. Ang dami kong tawa doon,” sabi niya nang kumalma siya.
“Halata nga,” banat ni Junmyeon. “Kris. Paano kitang matutulungan kung hindi mo sa akin sasabihin kung ano ang ideal type mo?”
“Hmm… Huwag kang tatawa ha?”
“Promise.”
“Ang gusto ko, marunong mag-gitara,” sagot ni Kris.
“So si Chanyeol?” tanong ni Junmyeon.
“Patapusin mo nga ako!” banat ni Kris, habang nararamdaman niya ang kilig pag iniisip niya ang tipong lalaking gusto niya. “Yung marunong gumawa ng sarili niyang kanta. Kumbaga, musikero at heart. Gagawa at gagawa lang siya ng kanta, habang hinihintay ang tamang salita, tamang melody… Naiinsipire siya sa paligid niya, tapos ang mga kantang iyon, pinapakita kung anong nilalaman ng kanyang puso at isip… Basta… Yung alam kong, siya na talaga. Ayee!”
Parang ang lalim ng iniisip ni Junmyeon nang matapos si Kris sa kanyang monologue. “Sir?! SIR!”
“Ay sorry Kris,” sabi ni Junmyeon nang nag-green na ang ilaw. “Iniisip ko lang ang mga magiging lakad natin sa mga susunod na araw. Pupunta tayong probinsiya.”
“Yung gitaristang nasa YouTube?” tanong ni Kris. “Pupuntahan mo iyon?
“Anong ako?” tanong ni Junmyeon, naka-ngiti na para bang may binabalak. “Kasama ka.”
“HAH?!” tanong ni Kris. “Bakit ako?”
“You’re the best person I’ve got who can talk to these people. Aminado ako, wala akong alam sa pakikitungo sa mga masa, Kris. You have that skill and charisma to talk to everyone. I need you with me,” sagot ni Junmyeon.
“Ang keso mo naman, Sir,” sabi ni Kris habang kunyaring nandidiri. Hindi niya maitangging may naramdaman siyang kilig sa puri ng boss niya.
Natuloy nga ang biyahe nila sa probinsiya, at nakilala nila ang prodiging gitaristang si Sungha Jung. Doon, nag inuman sila at sumayaw sa ilalalim ng ulan, at sa huli napapayag nilang maging pinakabagong trainee nila ang bata.
“Grabe! Sa sobrang saya ni Sungha, pumayag siyang maging trainee ng SME!” sabi Junmyeon sa biyaheng pabalik ng lungsod. “Baka madevelop ka kay Sungha-gitarista, musikero at heart… pero… sana naman hindi ka maging craddle robber.”
“Putangina,” banat ni Kri habang nakatingin sa bintana.
“Excuse me?”
“Wala. Iniisip ko lang anong sasabihin ko kung magkita kami ulit ni Chanyeol.”
“Sigurado ka bang naka-move on ka na diyan?”
“Oo ah!” sagot ni Kris, sabay turo sa puso niya. “Mas matibay na ‘to!”
“Sige, sinabi mo,” umiling si Junmyeon habang binilisan niya ang takbo ng kotse.
“PUNYETA KA CHANYEOL!” sigaw ni Kris sa bintana. “ANG PANGIT MO. AYOKO SAYO! PUTANGINA MO! MAMATAY KAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA”
Isang araw, nakita ni Kris na tumigil sila ni Junmyeon sa harap ng isang mansion. “At kaninong bahay ito, Sir?” tanong niya pagkababa nila ng kotse.
“Kailangan ka on your best behavior, lalo na sa harap ng pamilya ng lalaki,” bulong ni Junmyeon habang inaakbayan si Kris sa balakang na muntikan nang matapilok. “Smile.”
Nang makapasok sila sa loob, nakita ni Kris na parang palasyo ang bahay. “Hi Mom! Wala si Dad?” bati ni Junmyeon sa isang babaeng medyo matangkad maputing-maputi ang kutis. Nagtaka si Kris kung bakit hindi namana ni Junmyeon ang tangkad ng mga magulang.
“Hi Junmyeon, welcome home!” bati ng ina. “Your dad just left for Japan last night. And pray tell me who is this fine lady?”
Hinatak ni Junmyeon si Kris papalapit sa kanya sabay halik sa pisngi. “Mom, meet my girlfriend, Kris.”
“Oh my gosh! Girlfriend?” tanong ng ina ni Junmyeon na mukhang natutuwa.
“Girlfriend?” binulong ni Kris kay Junmyeon na habang lumalaki ang mata.
Nako, anong klaseng development ito? At kailan pa siya naging girlfriend ni Junmyeon? Fine. Guwapo si Junmyeon. Mabait kung gusto niya. Matalino. Passionate sa trabaho niya. Pero, bakit bigla na lang siya naging girlfriend? Eh hindi nga siya niligawan? So ano ‘to? Naging sila na hindi niya alam? Ika nga ng Facebook: It’s Complicated.
“I’m Heechul, Junmyeon’s mom,” bati nito habang inaakap si Kris.
“Welcome to the family!” may tili ng mga babaeng katabi ng mommy ni Junmyeon.
“Hi! I’m Bokyung, Junmyeon’s eldest ate! Nice to meet you!” bati ng pinakamatangkad sa kanila sabay beso kay Kris. Napansin ni Kris na parang ang gaan ng paa nito, parang sumasayaw ba kung kumilos.
“Ako naman si Taeyeon! Ang pangalawang ate dito!” bati ng pinakamaliit sa kanila. Magandang pakinggan ang boses nito, para bang kumakanta siya habang nagsasalita… Tulad ng boses ni Junmyeon, kung hindi siya naiinis o nang-iinis.
“Hyoyeon, ang huling ate,” bumeso rin ito tulad ng dalawang kapatid. Ito naman, mukhang magaan rin ang paa, pero mas may angas ang kilos kung ihahambing sa lambot ni Bokyung. “We’re glad you could join us for dinner!”
Medyo gustong tanungin ni Kris si Junmyeon kung anong nangyayari, pero sige… fine. Kunyaring girlfriend siya ni Junmyeon. At least, mas respectable siyang tingnan kaysa kay Chanyeol, at on paper, todo upgrade na ito mula sa kupal niyang ex.
Dinala ni Jumyeon si Kris sa isang grupo ng mga lalaki naman. Malamang mga kuya niya ito. “Hey, guys,” bati ni Junmyeon nang makalapit sila.
“Hi, I’m Jay,” bati ng panganay sa grupo, habang nakikipag-kamay kay Kris. “And these are our other brothers Jungmo, Jongwoon, Jonghyun. Guys, mag-hi naman kayo sa girlfriend ng bunso natin.”
Napansin ni Kris na parang halos pareho silang manamit na magkakapatid na lalaki, kasama doon si Junmyeon. “Alam mo Junmyeon, pag nagtabi kayo ng mga kuya mo, mukha kayong boy band… mukha kayong Dong Bang Shin Ki.”
“Basta ako si Yunho!” banat ni Junmyeon
“Sige, basta may moobs ka tulad ni Yunho,” banat ni Kris, na ikinatuwa ng mga kuya ni Junmyeon.
Habang nakikipag-asaran si Kris sa mga kuya ni Junmyeon, narinig ni Kris na sinasabi ni Heechul kina Bokyung at Taeyeon, “I like her. It’s about time Junmyeon dated someone with a sense of humor and a sharp tongue,” at nakita niyang sumasangayon ang mga ate niya.
“Why am I always the last to receive the news? Junmyeon! Come here!” may boses na nagsabi mula sa likuran nila. “”
Nang lumingon sila, nakita ni Kris na andoon na pala si Sir Siwon, nakasandal sa may pintuan.
“Chief!” bati ni Junmyeon sa lolo niya habang inaakap ito. “I’d like you to meet my girlfriend, Kris. She’s with SME, and has been employee of the month for three consecutive years.”
“Nice meeting you, Kris,” sabi ni Siwon nang inakap niya si Kris. “Ikaw ba ang nanapak sa apo kong pasaway on his first day?”
Tumawa si Kris nang maalala niya ang unang beses nagkita sila ni Junmyeon. “Opo, sir,” inamin niya, habang tumatawa. “Kasi naman po, may katigasan ng ulo, kaya, sinapak ko na.”
Pumalakpak si Siwon. “I like this girl already, Junmyeon. She tells the truth! I like her much better than Kyungsoo…Not that there’s anything wrong with Kyungsoo.”
Kyungsoo? Sino si Kyungsoo? Napaisip si Kris, at grabe acting ni Junmyeon. Sobrang convincing. Buong gabi, inasikaso siya, na para bang sila na talaga. Sa isang buwang nagkasama sila ni Junmyeon na nililibot ang bansa para sa iba’t-ibang talent, oo nga, nagkakamabutihan sila, at aaminin ni Kris, Junmyeon is growing on her, pero hindi siya sigurado kung mahal na niya ito. Ayaw niyang mag-feeling, pero kung makatingin sa kanya si Junmyeon, para bang siya na ang pinakamagandang babae sa mundo.
Binabasa ni Kris ang libro ni Siwon tungkol sa musika nang inalokan siya ng matanda ng isang bote ng beer. “Umiinom ka ba nito?” tinanong ni Siwon dito.
“Oo naman po, Sir Siwon,” sagot nito habang binuksan ang bote nila pareho.
“Just wanted to make sure. Kyungsoo wouldn’t even touch the stuff,” paliwanag ni Siwon.
“Sir, sino po si Kyungsoo?” tanong ni Kris. Buong gabi niyang naririnig ang pangalan na ‘yan. Kina Ma’am Heechul, Bokyung, Taeyeon, Hyoyeon, at ngayon kay Siwon. Ayaw naman niya tanungin si Junmyeon kasi “no personal questions” at mukhang sumasama ang araw kung babanggitin ang pangalan na ‘yon.
“Ex ni Junmyeon,” sagot ng matanda habang tumatagay. “Akala namin magpapakasal na sila, pero… nag-break last year.”
Hindi alam ni Kris kung anong mararamdaman sa paliwanag si Siwon. Kaya pala medyo bitter si Junmyeon pagdating sa true love.
“Anyway, may ganitong libro kami sa bahay,” sabi ni Kris, tungkol sa librong binabasa niya. “Pinamana ng mga magulang ko sa akin.”
“That book is as old as I am,” kuwento ni Siwon, tila nararamdaman ang pagka-awkward ni Kris sa napag-usapan nila. “I don’t think the music recommended in there is to your taste.”
Tumungo si Kris mula sa kanyang pagbabasa. “Hindi ho, Sir. I find all this very interesting. I honestly think that music-no matter what genre-never dies. People’s taste just change over the years. Like remember how back then, sugary girly pop ang in? Tapos ngayon, medyo dubstep? I won’t be surprised if indie-sounding music makes a comeback soon.”
Tumawa ulit si Siwon, sa ikinagulat ni Kris. “Alam mo, that’s exactly what Junmyeon said when we first suggested for him to take over the company. You two think in quite the same way…” sabi niya. “Anyway, what do you see in my youngest grandson?”
Hindi inaasahan ni Kris na tatanungin ni Siwon iyan sa kanya. Napanguya siya ng labi habang nag-iisip kung paano niya itong sasagutin with poise, eloquence, and dignity. Tumagay si Kris ng isang sip bago niya sinagot. Bahala na kung walang poise, basta honest!
“Hmm… passionate siya sa kung ano mang ginagawa niya. Malakas ang sense of commitment niya. Tipong, kung sinabi niyang magagawa niya ‘yon, gagawa at gagawa siya ng paraan para matupad ang pinangako niya,” sinimulan ni Kris, habang inuubos ang beer.
“Aminado ako, minsan, mahirap siyang pakitunguhan at mas madaling upakan, pero alam mong may magandang hangarin lang naman siya. Kahit hindi niya sinasabi sa’yo ang lahat, you can’t help but want to trust him. I don’t know how he does it, but yeah… I trust him even if I’m not completely sure where things are headed. Junmyeon can make people believe that he’s got everything under control… I guess that’s just some of the things I like about him, Sir.”
Bago pa man makasagot si Siwon, may narinig silang paparating. “Chief!” bati ni Junmyeon, na may bitbit na gitara. “Are you sure you’re not boring my girlfriend to death?”
Pabirong umirap si Kris. “Excuse you, Junmyeon, mas interesting ang lolo mo sa’yo, ‘no!”
“Aray,” kunyaring umiyak si Junymyeon habang pinapatong ang kamay sa puso. “Anyway, nilalasing niyo na itong Kris ko, at ‘di man lang kayo nagyayaya.” sabay turo sa beer.
“I’ll get you a beer. On one condition,” sagot ni Siwon habang kumukha ng bote mula sa cooler. “You have to play something for us.”
Lumaki ang mata ni Kris. “Marunong kang tumugtog?”
“Hindi mo sinabi sa girlfriend mo? All the more you have to play something for us!” Tumingin si Siwon ulit kay Kris. “He can also sing and play the piano. Dapat marinig mo silang magkakapatid kumanta. They’re all musically inclined, well, except Hyoyeon and Bokyung who are better dancers than singers, but still...”
Pinatong ni Junmyeon ang paa sa isang upuan ang nagsimulang tumugtog ng gitara. Lumaki mata ni Kris, habang ngumingiti si Junmyeon na para bang may inside joke na dapat ma-gets na niya. Hindi niya mapigilan ang tawa nang makilala niya ang tono ng kanta.
Ito yung kantang tinugtog ni Sungha noong pinuntahan nila ito sa bundok. At kuhang-kuha ni Junmyeon ang kanta. Kung sabagay, naalala ni Kris na sinabayan ni Junmyeon ng beat ang tugtog ni Sungha noon.
“What’s this and why weren’t we invited to this party?” tinanong ng boses ni Heechul na biglang dumating kasama ang ibang mga kapatid ni Junmyeon na lahat naghahanap ng mauupuan.
“Come on! Join us!” anyaya ni Siwon sa iba. “We’re having a concert!”
“Ang tagal na rin nating hindi narinig siyang tumugtog,” bati ni Jonghyun. Habang kumukuha ng maiinom ang iba, nagsimulang tumugtog si Junmyeon ulit.
“Gitna ng tabang at tamis
Kaya't hinagpis na hinahanap-hanap
Binabalik-balikan, inaasam-asam
Bawat hudyat ng lambing
Buka ng bibig, sayo'y hinihintay
Naghahandang lumipad, naghahandang bumitaw”
Pero ito ang unang pagkakataong narinig niyang kumanta si Junmyeon, at WOW LANG KUYA. Ang ganda ng boses!
“Medyo keso ang kanta… hindi ito ang normal style ni Junmyeon.,” bulong ni Taeyeon kay Kris.
“Pero in fair, maganda siya,” sagot ni Jungmo.
“Did he write this song for you, Kris?” tinanong ni Heechul.
“Ay, hindi po!” sagot ni Kris habang tumatawa. Asa pa siyang gagawan siya ng kanta ni Junmyeon.
“Is it a popular song?” tinanong ni Bokyung.
“Not yet, pero magiging popular siya soon,” sagot ni Kris.
“Araw-araw mayroong spark, may holding hands pasway-sway pa
Dahil kilala na kita, handa na ako kilalanin ka pa
Aahh Ahh Ahh Ahh Ahh Ahh
Mula oras ng paggising, hanggang pagidlip, hanggang pananaginip
Unaw kang nagsisilbing, nagbibigay gabay
Ako'y maligayang lubos, sa aking mundo ikaw ay naparito
May baon kang instant ngiti, may libre pang kaway”
“Yeeeeees!” hiyaw nilang lahat, at tumayo si Kris para sabayan si Junmyeon kumanta. Mukhang nagugustuhan ng buong pamilya ni Junmyeon ang kanta. Inakbayan niya si Junmyeon, at nagtinginan sila habang kumakanta habang ang buong pamilya ni Junmyeon ay nakikisabay sa paligid nila.
Ayaw niyang mahulog para kay Junmyeon. Masyadong mabilis para magmahal ulit, pero bakit ang daling magkagusto sa kanya? Aminado si Kris, halos lahat ng requirements niya sa isang lalaki, natupad ni Junmyeon-marunong mag-gitara, mahilig sa musika, kayang magpahiwatig ng nararamdaman sa pamamagitan ng isang kanta. Pero paano siyang nakakasigurong pareho sila ng nararamdaman? Ayaw niyang maniwala sa mga kumikinang mata ni Junmyeon na kung makatitig, akala mo si Kris lang ang babae sa mundo niya. May maliit na parte sa puso ni Kris na umaasang sana nga… maging sila ni Junmyeon balang araw.
“Paulit-ulit mang masdan maganda mong mukha
Di magsasawang mahulog ang loob
Dahil kilala na kita, handa na ako kilalanin ka pa
Dahil kasama na kita, ang nais ko lang makasama ka pa”
HUWAG MAGING ASSUMING
Hindi pa tapos ang lahat hanggang may label o nakataga sa bato
Hinatid ni Junmyeon si Kris pauwi, at naghihintay na sa labas ng bahay ang tatay niya. Mukhang gusto niyang patayin si Junmyeon, pero kilala ni Kris ang ama. Gagaguhin lang nito si Junmyeon hanggang sa makakaya niya.
“Good evening po, Sir,” bati ni Junmyeon. “Pasensya na po at ginabi na kami.”
Hindi nagsalita si Henry, pero nakikita ni Kris na mukhang natutuwa naman ito at may bagong kasama si Kris. Then again, ayaw niya kay Chanyeol dati… so siguro kahit sinong lalaki mas OK kaysa sa kupal na iyon.
“Anyway, good night,” bulong ni Junmyeon bago siyang panakaw na hinalikan sa labi at tumakbo sa kotse niya.
Naramdaman ni Kris ang mapang-asar na tingin ng ama.
“Papa, kung ano man ang sasabihin mo, huwag na,” sabi niya, habang pinipigil ang ngiti.
Nagising si Kris sa tunog ng phone niya. Kinuha niyag phone mula sa night table, at nakita niya na galing kay Junmyeon ang mensahe. Gabing-gabi na, ha. Anong emergency kaya ito?
Sir Junmyeon > Me
Gising ka pa ba?
Huh? Anong ganap na naman ito? Mukha namang hindi matter of life and death ito, pero bakit siya ginugulo? Nako, anong sasabihin niya kay Sir Junmyeon? Nadedevelop na siya, pero boss pa rin niya ito.
Me > Sir Junmyeon
Tulog na sana, pero nagising ako sa text mo. Bakit? Anong nangyari?!
Tumagilid si Kris habang naghinihintay ang sagot nang biglang pumasok si Yixing.
“Anong meron at gising ka pa ng ganitong oras, Ate?”
“Nagising ako sa text ni Sir Junmyeon,” reklamo ni Kris habang humihigab.
“May emergency ba?”
“Ewan ko nga eh…” sagot ni Kris, kinakamot ang ulo. Di pa rin siya sanay sa blonde na kulay nito. Buti na lang hindi siya pinatay ng magulang niya dahil dito. Biglang tumunog ulit ang phone niya. “Oh ayan. Nagreply na. Tingnan mo nga…”
Binasa ni Yixing ang mensahe. “OH MY GOD ATE! OH MY GOD. ANG HABA NG HAIR MO!”
“Hah? Ano? Bakit?”
“Look oh!” sagot ng kapatid na halos ibato ang telepono sa kanya.
Sir Junmyeon > Me
Ah wala naman. I just wanted to know kung puwede kang tawagan. Let you hear this song I’ve been working on. ^___^
OH EM GEE. Di niya alam kung kikiligin siya or not. Kahit si Chanyeol, hindi paririnig sa kanya ang mga kantang sinusulat. Pero hindi, dapat cool pa rin siya. Di siya dapat pa-easy.
“OH MY GOD ATE!” tili ni Yixing. “I’M LIKE SO KILIG FOR YOU!”
“Tumigil ka nga diyan,” utos ni Kris, kinakagat ang labi para pigilin ang kilig. “Gabing-gabi na. Magising pa sina Mama at Papa dahil sa’yo.”
“So ano sasagutin mo?”
Me > Sir Junmyeon
Sir, OK lang if bukas na lang? I mean… antok na rin ako at hindi ako makakabigay ng magandang input. Sorry :x Matutulog na ako ulit, Sir. Good night! ^-^
“Tingin mo?” tanong ni Kris bago pindutin ang “send.”
Pinag-aralan ni Yixing ang text. “Wow, Ate. Pakipot much? Pero sige, tama lang iyan. Huwag mong ipakita na interested ka. Keep him hanging, ika nga.”
Nang napadala ni Kris ang text, sabi ni Yixing. “Ate, kung mag-reply man siya ulit, huwag ka na magreply. Total, nag-goodnight ka na!”
Nang pumasok si Kris sa opisina sa susunod na araw, sigawan ang unang-una niyang narinig.
“Anyare?” tanong niya kay Minseok.
“Kanina pang galit na galit si Sir Junmyeon,” bulong ng kaibigan. Inabot ni Minseok ang phone niya kay Kris. Instagram post ni Kai na may photo niyang nasa harapan ng Hilton Hotel. “Just arrived for the presscon later. #newlife #music #dance #kai #beginagain #loveofmylife”
“Hala? At ano ito?” bulong ni Kris.
“CAN ANYONE TELL ME WHAT THIS PRESS CONFERENCE IS ALL ABOUT?!” sigaw ni Junmyeon.
Nagtinginan lang silang lahat. “Sir, baka naman press con tungkol sa love life niya,” bulong ni Kris. “Hashtag ‘Love of my life’ nga, di ba?”
Nagmura si Junmyeon. “Hindi. I’m sure may kinalaman si Sehun dito.”
“Hindi ba nagcommit na siya sa atin?”
Imbis na huminahon si Junmyeon, lalong uminit ang ulo nito. “Paano kang nakakasiguro? You don’t even know what commitment means,” sigaw nito. “Ang ibig sabihin noon may pirmahang naganap! Eh so far, wala pa!”
“Kaya pa ‘yan,” idiniin ni Kris. “Hindi pa huli ang lahat. Kakausapin ko siya. Makikinig iyon sa akin. Pagbalik, naka-pirma na ang kontrata niya sa atin. Ako bahala.”
Umalis si Kris sa opisina, nagdadasal na sana nga tama siya at tama ang mga hinala niya.
“The modular life system is a system kung saan nakahati ang iba’t-ibang aspekto ng buhay mo sa sa iba’t-ibang modules,” sabi ng taxi driver ng taxing nasakyan ni Kris. “Bale ganito ‘yan. Meron kang main world, at yung mga ibang aspekto ng buhay mo tulad ng pamilya, trabaho, kaibigan, at lalong lalo na ang pag-ibig, ay dapat magkakahiwalay. Kasi pagnagkanda leche-leche ang mga ‘yan, magkakagulo ang main world mo, at magkakagulo iyan lahat.”
“Kuya? Anong sinasabi mo? Puwedeng bilisan mo na lang?”
Nang makarating siya sa presscon, narinig na niya ang tinig ni Kai.
“My contract with SME will be expiring soon, so I’ve decided to sign under my new boyfriend Oh Sehun’s agency,” paliwanag nito.
Kaya pala guwapong-guwapo si Kai these days at mukhang masaya na ulit. Nakahanap na siya ng panibagong papi. Pero Lord naman, sa lahat ng lalaki sa mundo, bakit si Sehun pa?!
“We will also be managing his concepts, tours, promotions, and other projects,” patuloy ni Sehun, habang hinahawakan ang kamay ni Kai. “Of course, we will also allow artists to have more input in the material that they will promote. Like for instance, Kai here will get to have some creative license on his comeback albums…”
Parang narinig na ni Kris ang mga salitang iyan mula sa ibang tao...
“And SME is OK with this,” tanong ng isang reporter, “given that Kai is their tentpole artist?”
“Soojung, maliit ang industriya, lahat kami magkakakilala. I mean, we don’t want to burn bridges, di ba?” sagot ni Sehun. “In fact, I see Mr. Junmyeon Kim right there at the back! Hi Kuya Junmyeon! Come join us!”
Lumingon si Kris at nakita niyang hinabol pala siya ni Junmyeon. Sumimangot lang ito bago nag-walk out.
“I guess he’s not hungry?” biro ni Sehun, at tumawa ang ibang tao. Ang kapal ng mukha niya. Mas gugustuhin na lang ni Kris manahimik, pero nang makita niyang medyo mukhang na-guilty sina Kai at Taemin nang makita siya, hindi na niya napigilan ang sarili niya.
“HOY SIR SEHUN! Ang kapal din ng mukha mo ‘no? Ang galing mong traydor!” sinigaw niya habang pasugod sa makeshift stage sa harapan. “Wala ka naman sa posisyon mong ‘yan kung hindi dahil sa SME. Huwag mong sabihing gusto mo ang music kasi wala namang alam talaga! Wala kang paki! At gusto ko lang ipaalam sa lahat na ninakaw lang niya ang mga idea ni Junmyeon. Tapos ngayon, pipiratahin mo sa amin si Kai? Anong klase ‘yan? Tara. Halika dito! Lumaban ka nang maayos. Bring it, bitch!”
Biglang lumitaw si Junmyeon sa harapan niya. “Tama na, Kris, halika,” sabi niya habang kinakaladkad si Kris palabas ng kuwarto.
“Hindi pa ako tapos, Junmyeon!” sagot niya habang sinusubukang makawala sa kapit nito.
“Ikaw naman, Kai, paano kang nakakasigurong mahal ka talaga ni Sehun? Paano kang nakakasigurong hindi ka lang ginagamit niyan? Ni wala nga iyang alam sa music at dance, na passion mo! Pag nakuha na niya ang gusto niya sa’yo? Ano? Malamang iiwanan ka niyan! Kung ang kompanyang halos nagbigay ng career sa kanya, kaya niyang pagtaksilan, paano pa kaya ang taong ngayon ipinapangako niyang mamahalin? Feeling ko nga, hindi niya alam anong ibig sabihin ng true love eh!”
“Tama na, Kris!” giit ni Junmyeon habang kinakaladkad siya palabas ng kuwarto.
“At iyang fur jacket mo, Sir Sehun, hindi bagay! Mas bagay sa’yo AHAS! At kayo lahat dito, huwag kayong maniwala sa demonyong iyan!”
Naglakad sila ni Junmyeon palabas ng hotel at patungo sa parking lot.
“Mapapatay ko ang buwisit na ‘yon,” bulong ni Kris habang naglalakad. “Traydor.”
“Balik ka na sa office,” utos ni Junmyeon bago niya bin uksan ang pintuan ng kotse niya at tinanggal ang blazer niya.
“Junmyeon, huwag mo sabihin ayos lang sa’yo ang ginawa ni Sir Sehun. Eh kanina lang, ikaw ang inis na inis sa loob!”
“Pero what you did was even worse,” tugon ni Junmyeon. “You didn’t make the situation any better, besides making Taemin and Kai feel bad.”
“Pasensya na! Nadala ako ng galit ko!” sigaw ni Kris. “Pero hindi mo ba narinig ang sinasabi niya tungkol sa sa’yo kanina? Halos insultohin ka na, na hindi naman totoo ang mga sinasabi nila.”
“You didn’t have to defend me,” sagot nito nang pumasok sa kotse.
Pinigilan ni Kris na isara ni Junmyeon ang pintuan ng kotse niya. “Junmyeon, hindi. Laban nating dalawa ito. Nangako akong tutulungan kitang isalba ang SME, di ba? Gusto ko malaman mo na andito lang ako para sa’yo, kahit ano mangyari. May commitment ako sa’yo, di ba?.”
“Ano?” tanong ni Junmyeon, tila lalong nainis. “Commitment? Andoon ka na? Saan mo naman napulot iyon?”
“Excuse me?” Hindi makapaniwala si Kris sa naririnig niya. “Sino sa atin ang nagpakilala sa isa sa kanyang pamilya bilang girlfriend niya?!”
“Hindi ba ang sinabi ko sa’yo ‘don’t assume anything?’” Halos idura na ni Junmyeon ang kanyang sinasabi. “Sanay na silang nagpapakilala ako ng mga babae sa kanila, so don’t feel special.”
“Pero noong hinalikan mo ako, at noong gusto mong iparinig sa akin ang kantang ginawa mo,” bulong ni Kris, na halos naiiyak. “Alam kong kahit hindi ako mag-assume, totoo iyon.”
“How can you tell?” tanong ni Junmyeon. “It was just a test! Everything was a test.”
Tangina talaga oh. “So practical exam, ganoon?”
“Oo,” sagot ni Junmyeon. “Di ba sabi mo gusto mong matuto para hindi ka na iiyak?”
“Ang sama mo palang teacher,” bulong ni Kris, halos naiiyak na.
Lumabas si Junmyeon sa kotse niya at tumayo sa harapan ni Kris. “Ngayon, puntahan mo si Chanyeol, at bawiin mo LAHAT ng binigay mo. Lalo na ito,” sabay turo sa puso ni Kris.
“I’ll text you when I need you,” sabi ni Junmyeon nang nakapasok sa kotse ulit at umalis.
“You make breaking hearts look so easy.”
PAG NAGKITA KAYO NG EX MO, HUWAG MO PANSININ UNLESS KAILANGAN
Kung ano pa ang masabi mo sa kanya in public
Napagnilay-nilayan rin ni Kris ang lahat. Tama nga naman si Junmyeon. Hindi pa naman siyang nagsasabing ‘I love you’ o ‘Will you be my girlfriend?’ Malabo ang puro gawa lang. Kailangan may salita rin pala. Hindi siya makapaniwala na nahulog na naman siya nang hindi oras. At least, ngayon alam na niya where she stands. Hindi na complicated ang lahat.
Habang inaayos niya ang mga report sa desk ni Junmyeon, pumasok ang taong nasa isip niya.
“Kris,” bulong nito, mukhang may gustong sabihin. Hindi na kailangan marinig ni Kris ang bullshit niya, kung kaya’t uunahan na niya.
“Nandito na laaht ng mga progress reports ng SME na kailangan mo,” sabi niyang, pilit pinapanatiling kalmado ang boses niya. “Tumawag na rin ang warehouse, ibabalik na nila ang mga CD na hindi na benta for the past three years. At gusto na rin nilang malaman kung for disposal na ba ‘yon.”
Paalis na sana si Kris ng kuwarto kung hindi nagsalita si Junmyeon.
“Miss Wu… I’m glad you’re back,” bati ni Junmyeon. “Akala ko, mag-reresign ka na after what happened.”
Seryoso ba siya? Is that all he can come up with? Nasaan na ang angas at yabang niya? For once in her life, nagpapasalamat si Kris sa kanyang “chronic bitch face” kung tawagin ni Minseok.
Grabe naman. May sense of professionalism naman siya. Mahal niya trabaho niya, at total, part naman ng deal nila iyon, di ba? May mga chismis na ring nalulugi ang kompanya, at kung ngayon pa siya aalis… might as well abangan na lang niyang ma-bankrupt ang kompanya bago siya lumipat.
“Masyado naman kayong assuming, Sir,” sabi niya, sabay irap. “Hindi naman po ako ganoong ka-sensitive. Besides, ang pangit pa tingnan sa resume niya na umalis ako sa kompanya dahil sa’yo. At least ngayon, alam na natin kung ano ang kailangan natin sa isa’t isa. Hindi ko pa kasi nababawi ang iPad ko eh. Excuse me.”
“Kris, I…”
Umirap ulit si Kris habang binuksan ang pintuan. “May deal tayo hindi ba? At hindi pa tapos iyon. So kung may kailangan ka, text mo lang ako. Ok?”
“Panay ang labas niyo ni Sir Junmyeon ah,” bati ni Minseok nang pauwi na sila.
Ugh, mukhang napansin na rin ng iba nilang kasama sa SME. “Trabaho lang ‘yan, Minseok.”
“Sigurado ka?” tanong ng kaibigan. “Eh, ano ‘yang nagpapaganda ka para sa kanya? Tingnan mo, nagpa-blonde ka na ngayon!”
“Maybe next time ko na lang ‘yan sasagutin,” buntonghininga ni Kris. “Pero for now, no personal questions please.”
“Aba, ang taray!” biro ni Minseok.
“Che, Minseok!” sagot ni Kris habang tumatawa. At biglang narinig niya ang phone niya. Si Junmyeon ang tumatawag. Sana naman tungkol sa trabaho ang usapan at wala siya sa mood makipag-usap sa kanya.
“Kris, mag-usap tayo…”
“Kris…”
“Kris…”
Dalawang boses ang narinig niya. Ang boses ni Junmyeon mula sa telepono niya, at isa pa. Siniko siya ni Minseok at nakita nilang may naglalakad na naka-crutches, may bandage sa ulo, at maraming pasa sa katawan papunta sa kanila. Hindi inaasahan ni Kris na Makita ang taong ito ulit.
“Chanyeol?!”
“Kris, I’m really sorry,” sabi ni Chanyeol sa pinakakawawang boses na narinig ni Kris mula sa kanya. “Sorry sa lahat ng nagawa ko sa’yo. ALam ko hindi ako deserving, pero sana patawarin mo ako. Kung ito ang karma ko, tatanggapin ko, pero Kris please… Sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.”
Sa puntong ito, napansin ni Kris na nakalabas na rin ng gusali si Junmyeon at ngayon, magkatabi sila ni Chanyeol. Grabe naman ang irony nito. Ang dalawang lalaking kinaiinisan ni Kris, nagsama. Heto na… Heto na ang pagkakataong pinakahihintay niya.
“PAKSHET KA. PUTANGINA MO RIN ANO, CHANYEOL.” Sumugod siya sa kinatatayuan ng dalawa, at sabay sundot sa dibdib ni Chanyeol.
“Alam mo, ang tagal kong iniisip kung anong sasabihin ko sa’yo kung sakaling dumating ang araw na ‘to. Pero, sa totoo lang, di pa pala sapat lahat ng hinanda ko ngayong kaharap na kita.” sinimulan ni Kris.
Ito na ang kanyang pagkakataong sabihin kay Chanyeol lahat ng nararamdaman niyang inis at galit na kinikimkim sa mga nakaraang buwan. Huminga siyang malalim bago siyang patuloy nagsalita.
“Ang manloloko, di na tinatablhan ng salitang ‘tangina.’ OO JUNMYEON, IKAW DIN. Ganyan naman kayong mga lalaki eh. Pa-yummy, papogi, at higit sa lahat paasang mga kupal. Heto naman ako, pa-victim. Tapos pag nakuha niyo na gusto niyo, mang-iiwan kayo sa ere. WOW. Ang galing niyo rin ano?
Palibhasa kayo, wala kayong pakialam sa mga nararamdaman ng iba. Akala niyo ayos lang ‘yan sa taong iiwanan niyo. Hindi lahat ng tao, madaling mag-move on. Hindi niyo man lang naisip na baka ang taong iniwan, eh, binigay na sa inyo ang pagmamahal na feeling niyang nararapat para sa inyo. Dahil may tiwala ako na minahal niyo rin ako minsan sa mga walang kuwenta niyong mga buhay.
Pero wala na akong magagawa. Winasak niyo na ako. Ang kaya ko na lang gawin ay magdasal na sana makuha niyo ang karma niyo. At sana rin maramdaman niyo ang sakit na binigay niyo sa akin. Kung marunong lang akong mangkulam, matagal ko nang ginawa! Tutusok ako ng karayom sa puso mo nang paulit-ulit!
Anyway, MGA PUTANGINA NIYO! BUWISIT! YOU SON OF A BITCH! Huwag ka nang magpakita sa akin ulit! Punyeta ka, gago.”
Mukhang sasagot pa si Chanyeol, pero sawa na si Kris sa kung ano man ang lalabas sa bunganga nito. “Tara, Minseok,” sabi niya sa kaibigan niyang inaawat pala siya. “Iwanan na natin itong mga kupal na ito.”
REMOVE ALL EVIDENCE OF THE OLD RELATIONSHIP
Kung isusuko mo ang ibang bagay o ibang tao, huwag mong isusuko ang sarili mo
Pinatawag silang lahat sa opisina noong araw na iyon at dadating daw si Sir Siwon. Malamang, may importanteng sasabihin. Andoon din sina Sir Kibum at Junmyeon.
“You probably know by now that nalulugi na ang SME. Sad to say that its liabilities exceed its assets,” sabi ni Siwon noong nakarating na lahat ng empleyado ng kompanya. “I assume you already know what I'm going to say this afternoon. We are closing down SM Entertainment.”
Hindi alam ni Kris kung paano siya kikilos at ngayong wala na siyang trabaho. Tatlong taon pa lang siya diyan, kaya alam niyang marami pang entertainment agency ang puwede niyang pasukan. Pero paano ang mga iba tulad nina Miss Yoona at Sir Ryeowook na ang tatagal na sa SME-mga dating artist na naging choreographer at voice instructor nang tumanda na sila.
“But only the Accounting Department can stay until two weeks after to fix their books,” sabi ni Kibum. “Of course, all employees will get their back pay.”
Kahit na akap nila ni Minseok si Miss Yoona na halos lumupasay sa sahis na kakaiyak, hindi pa rin maisip ni Kris na talagang nagyayari ito… Siguro dapat isipin niya ulit ang offer ng JYP noong sinubukan nilang piratahin siya dati.
Nakatayo si Kris sa may balkonahe, at nakita niyang naninigarilyo si Jumyeon. Di niya ala mkung gusto niyang kausapin ito o hindi. Nang lumingon siya, nakita niyang paparating si Siwon. Di niya alam kung ano pa ang masasabi niya sa matandang nagging parang lolo na rin nilang mga empleyado sa kompanya.
“Junmyeon!” tawag ni Siwon sa apo.
Nang makita ni Junmyeon ang lolo niya, tumingin siya bago tinapon ang sigarilyo at dinaanan lang ang lolo pabalik sa loob.
“Junmyeon! Huwag kang bastos!” sabi ni Siwon, na kahit si Kris nagulat sa kinauupuan niya. “Huwag mo akong talikuran.”
Humarap si Junmyeon sa lolo niya. “Ano pa ba ang sasabihin ko? Nakapagpasya ka na di ba?”
“Ano…?”
“You know what, I get it. You gave me SME because you knew whatever happens it would fail. Might as well give it to the guy who screws up everything in the first place!” sagot ni Junmyeon, na mukhang halos maiiyak na.
“Hindi.” Hindi makapaniwala si Siwon na naririnig niya
“Tapos hahayaan mo ako to deal with it on my own?! Come on!” sinigaw ni Junmyeon, tila wala nang pakialam kung sino pa ang makarinig sa kanila. “Iyon lang naman iyon, di ba? Chief? Funny! Because it’s beginning to sound like Kyungsoo all over again!”
Nakita ni Kris na nakasimangot na si Siwon. “For god’s sake, Junmyeon! This is NOTHING to do with Kyungsoo!”
“Hindi ba?”
“No!” sumigaw si Siwon. Ito na ata ang unang pagkakataong nakita ni Kris na galit ang matanda. “Junmyeon, it’s about you!” sabay turo sa apo.
Habang nagmumura si Junmyeon, patuloy lang ang sermon ni Siwon. “You have to move on! Kyungsoo is out of the picture. Tell me Junmyeon, what’s wrong with failure?”
“Chief, pagod na ako!” sumigaw si Junmyeon habang umiiyak. “Paulit-ulit ko na lang pinagdadaanan. What’s the point of even trying again?!” tanong ni Junmyeon bago nang tuluyang nag-walk out.
Hinihintay ni Kris si Chanyeol sa lugar na kung saan sila dapat magkita. Sana naman, mabawi na ni Kris ang iPad niya.
Always remember the four Rs of moving on
.
First R: Return of Stuff. Magkita kayo hindi para sa inyong final MOMOL. Magkita kayo para magsaulian ng gamit. Lahat ng investments, material o emotional, ibalik mo na sa kanya! Nang sa gayon, lahat ng memories, masaya o mapait, ay mas madaling kalimutan.
“Oh, ayan,” sabi ni Kris, habang ibinabalik ang isang maliit na kahong naglalaman ng mga concert ticket na ibinigay sa kanya ni Chanyeol at iilang mga maliliit na bagay na nakuha niya. “Iyan na lahat ng ibinigay mo sa akin sa isang taong nagging tayo.”
Hindi pa rin niyang maiwasang ihambing ang mga mumurahing bagay na ito, kumpara sa iPad na kinuha sa kanya ni Chanyeol.
“Heto, may mixtape akong ginawa para sa’yo, Kris,” sabi ni Chanyeol. “Sana mapasikat ng SME ang mga kanta… at sana magustuhan mo rin.”
Sinubukang hawakan ni Chanyeol ang mga kamay niya, pero hindi na talaga kaya ni Kris na isikmura ito.
Second R: Reverse Bittering. Mag-isip ka ng mga bagay na pangit sa kanya. Mga bagay na aayawan mo siya.
Hindi alam ni Kris kung anong nagustuhan sa kanya ni Chanyeol, at lalong hindi niya maintindihan kung bakit siya pumatol dito.
“Chanyeol, minahal mo ba talaga ako?”
Biglang nag-ring ang phone ni Chanyeol. Wow lang. Masyadong maganda ang timing nito. Grabe lang.
“Teka lang. Kailangan ko itong sagutin.”
Tumayo si Chanyeol nang walang tulong sa crutches at sinagot ang telepono. So hindi pala injured ang tao. Lumaki ang mata niya at marahil napansin na rin ito ni Chanyeol. Nagpanggap siyang nasaktan siya, pero huli na. Boking na boking na ang acting niya.
Binawi ni Kris ang iPad habang paalis na siya sa restaurant.
“Hoy, Kris!” sigaw ni Chanyeol. “Ibalik mo ‘yang iPad ko! Di pa ako nanalo sa Flappy Bird!”
Itinaas ni Kris ang iPad na hawak niya. “Ito ba?” Hindi siya nagdalawang isip na ihampas ang halatang pekeng gadget sa mukha ni Chanyeol.
“iPad mini mo mukha mo,” bulong niya binato ang iPad sa sofang hinihigaan ngayon ni Chanyeol.
“Oh, ano, Kuya Youngwoon? Ate Jungsoo? Tara? Inom tayo?” tinanong niya sa mga dating katrabaho sa SME/kaibigan na sinamahan siya diyan habang papalabas sila ng lugar.
MAGLASING
Alagaan mo lang ang iyong atay, at huwag kang gagawa ng eksena, please!
Naka-ilang shot na rin si Junmyeon sa bar, at wala na siyang pakialam kung gaano siyang kawasak. Una, nagkanda-leche ang kompanya, tapos… dumagdag pa ang balitang ikakasal si Kyungsoo sa iba.
“Kanina pa kita pinagmamasdan,” bati sa kanya ng isang boses. Tiningnan ni Junmyeon nang maigi ang katabi. Matalim ang cheekbones nito at mukhang may binabalak na biro. Pakiramdam niyang nakita na niya ito dati, kaya lang, hindi lang niya maalala kung saan. “Ang pangit ng mukha mo. You have the face of a broken heart.”
“Kilala ba kita?” tanong ni Junmyeon. Wala siya sa mood makipagbiruan.
Naglabas ng calling card ang lalaki. “Jongdae Kim. Taxi Driver. Singer. Actor,” pakilala nito sabay kindat. “Better than your all-time faves.”
“And…?”
“At higit sa lahat, taga-bigay payo sa mga wasak ang puso. May I?” sabay turo ni Jongdae sa phone ni Junmyeon.
“Go lang,” buntonghininga ni Junmyeon.
“Gusto mo siyang balikan?” sabi ni Jongdae, tinitingnan ang huling tweet ni Kyungsoo.
Umiling si Junmyeon.
“Aaah, gusto mo siyang kalimutan.”
Tumagay ulit si Junmyeon. “Alam ko nang may mali, mula noong sinabi niya sa aking kailangan naming mag-usap,” kinwento niya. “I knew na gusto niyang ibalik ang singsing at ayaw na niya akong pakasalan. Malamang, wala siyang sinabi. Inunahan ko na siya.”
Hindi makapaniwala si Junmyeon na sinasabi niya ito sa isang taong hindi niya kilala. “She was relieved,” hindi pa rin siya makapaniwala. “So I checked up on her, and I read her tweets… sabi niya ‘Finally he left…’ at ngayon may ibang lalaki na siya.”
“Aray,” bulong ni Jongdae, akala mo siya ang nasaktan. “Alat niyan, pare.”
“Iniwasan kong masaktan, kaya ako na ang nanakit.”
“Wise iyang ginawa mo, pero hindi iyon wise dito,” sabay turo ni Jongdae sa puso ni Junmyeon. “Someone wise once said, ‘kung hindi mutual ang feeling, puwes gawin mong mutual.’ Kung ayaw niya sa’yo, dapat, ayawan mo rin siya!”
May napansin si Junmyeon na pumasok sa club.
“Uy! Tingnan mo yung blonde na kapapasok lang! Chicks, pare!”
Third R: Rebound. Humanap ka ng kapalit. Kung gaanong ka-kontrobersiyal ang technique na ito, ay ganoon rin siyang ka-effective.
Pumasok si Kris sa club kasabay ni Youngwoon at Jungsoo. Di nga niya alam bakit siya pumayag mang-third wheel sa date nila. Oh well, nangako nga naman ang mag-asawang ‘to na ipapakilala nila si Kris sa mga papable na lalaki. Since nag-CR si Jungsoo, sila ni Youngwoon ang nautusang kumuha ng table nila.
“Kriiiiiiis,” may narinig siyang boses na di niya inaasahang marinig. Lalong di niya inaasahang makakita ng isang wasak na Junmyeon sa harapan niya.
“Kris,” bati nito sabay akbay sa kanya. “Ang ganda natin tonight ah. I should be proud of myself. I turned you into that… But you… turned me into this.”
Hindi alam ni Kris kung paanong kikilos. Natatakot siya sa lasing na side ni Junmyeon. By instinct, nagtago siya sa likod ni Youngwoon.
“Sir Junmyeon,” babala ni Youngwoon. Mas malaking tao si Youngwoon kay Junmyeon, kaya, kung umabot sa sapakan ito… madaling mananalo si Youngwoon.
“Tell me, Kris,” tanong ni Junmyeon, masyadong iniinvade na ang personal space ni Kris. “OK ka na? Umiiyak ka pa ba? Ano?” Halos hipuin na ni Junmyeon si Kris at hindi makawala si Kris sa kapit niya.
“Sir Junmyeon,” babala ni Youngwoon, habang tinutulungan si Kris. “Binabastos mo na ang bata.”
“Bakit ka ba nangingialam?” Tumawa si Junmyeon. “Don’t tell me, binigay mo virginity mo ditto kay Youngwoon? Alam ba ni Jungsoo ito?”
The fuck? Hindi na kaya ni Kris pakinggan ang mga pinagsasabi ni Junmyeon. Mas kupal pa pala siya kay Chanyeol kung wasak. Mas gugustuhin sanang mag-walk out na lang ni Kris para wala nang gulo, kung hindi sinampal ng bagong dating na Jungsoo si Junmyeon.
Aatake n asana si Junmyeon kung hindi siya inunahan ni Youngwoon. “Saktan mo asawa ko, ako makakaharap mo,” bulong ni Youngwoon bago niya sinuntok si Junmyeon.
Siyempre, hindi magpapatalo si Junmyeon at tumira rin siya. Sumisigaw sina Kris at Jungsoo na tigilan nila ang gulo. Habang nakatumba si Junmyeon, dumaan si Jongae, nagaayos lang ng sleeves ng polo bago tulungang tumayo si Junmyeon. Humarap siya, at bigla na lang rin siyang sinapak ni Yunho.
“TANGINA MO! HALIKA RITO!” sinigaw ni Junmyeon habang inaawat nina Kris at Jaejoong si Yunho. “Babasagin ko iyang mukha mo!”
Nang makaalis na silang lahat at kumalma na ulit ang buong club, umahon si Jongdae sa lugar na pinagtataguan. Hawak-hawak niya ang kanyang duguang ilong at tinanong si Junmyeon,
“Pare, iyong totoo… Kanino ka ba may problema? Sa girl sa past? O itong girl sa present?”
MATUTONG MAHALIN ANG SARILI MO (ULIT)
Paano kang mamahalin ng ibang tao kung hindi mo kayang masikmura ang sarili mo?
Fourth R: Revenge. Revenge sa past wasak self mo. Sabi nga nila, the best revenge is to live happily.
Mahirap ang mag-move on, pero kakayanin din ni Kris. Nagpapaka-abala lang siyang naghahanap ng panibagong trabaho. Naghihintay na lang siya ng sagot mula sa YG and JYP. Sa tingin niya, isa sa mga iyon, kukunin siya. Tapos, may mga offer pa ang Woolim at WM kung sakaling walang patutunguhan ang dalawang naunang agency.
Habang papalabas siya sa kanyang final interview, may taong naghihintay sa kanya sa labas. “Kris!” bati niya. Medyo naiilang pa rin siya dahil sa nangyari sa club, at naiinis pa rin siya sa kinilos ni Junmyeon doon.
“Ano ba?” tinanong niya.
“Gusto ko sanang humingi ng tawad for all I’ve done,” sabi ni Junmyeon. “Sinaktan ko ang iisang taong hindi dapat masaktan. Imbis na inayos kita, lalo kong sinira ang buhay mo. Pinasaya mo ako ulit. You made me a better person. I think I’m falling in love with you, Kris.”
Maganda ito pakinggan, pero alam ni Kris na hindi pa rin siya handang magmahal ulit. “Tama na ‘yang love na ‘yan, Junmyeon. Naka-quota na ako,” inamin niya, habang umaasang sapat na ito para sumuko si Junmyeon.
“Akala ko naniniwala ka sa true love? Huwag kang tumulad sa akin, Kris,” halos nagmakaawa si Junmyeon. “Gago, kupal, at higit sa lahat bitter.”
Kahit di man niya aminin sa sarili niya, naniniwala pa rin siya sa true love, kahit anong mangyari. Umaasa pa rin siyang may magmamahal sa kanya for who she is, kahit anong mangyari.
“Junmyeon, may kailangan akong sabihin sa’yo,” inamin ni Kris. “If may isang bagay kang naituro sa akin, iyon ay unahin kong mahalin ang sarili ko. Paano kong makukumbinsi ang ibang tao na mahalin ako kung di ko kilala at mahal ang sarili ko?
Tapos, sa kaso natin, kinailangan mo pa akong pagandahin para lang mahalin mo ako. Minahal mo ba ako noong pangit ako? Malamang hindi. Kinailangan mo akong ayusan ayon sa standards mo muna. Pinilit mo akong baguhin ang ilang aspekto ng sarili ko, hindi lang para sa kompanya, kung hindi para sa’yo nang hindi mo namamalayan.
Paano ako makakasiguro kung totoong mahal mo ako? Na hindi lang ako rebound kay Kyungsoo?
Alam mo… maybe next time na lang natin ito pag-usapan. Mahuhuli na ako sa interview ko sa Woolim!”
Nang naghiwalay sila ni Junmyeon, alam ni Kris na hindi siya ang huling pagkakataon niya sa true love. Dadating at dadating rin iyon, basta magtiwala lang siya sa sarili niya. Pero ngayon, sarili niya ang aatupagin niya, para pagdating ng “The One” na talaga, handang-handa na siya at hindi na siya magkakamali ulit.
Tiningnan ni Junmyeon ang paalis na si Kris. Gusto niya sanang habulin pero alam niyang lalong maiinis lang si Kris sa kanya kung ipilit niya ang sarili niya ngayon. Timing lang ‘yan talaga. Naalala niya ang sinabi ng lolo at tatay niya noong nakaraang gabi.
“Natalo ka? Eh di natalo ka. But we have to cut our losses. Accept the shame, and then stand up. If you don't, you might miss out on better opportunities, better people, and a better relationship.”
Alam niyang he screwed up big time kay Kris. Subalit ngayon, wala na iyon. Lumayo na siya, at kailangan niyang humanap ng tamang pagkakataon. Napaupo siya sa hagdanan nang nakita niya ang taxi ni Jongdae. “Apir!” bati ni Jongdae habang tinatabihan siya sa hagdanan. “Anong ginagawa mo?”
“Panibagong kanta… tungkol sa unrequited love. May maipapayo ka ba?”
“Ay… Madali lang ‘yan,” sagot ni Jongdae. “Heto ang mga top reasons kung bakit hindi ka crush ng crush mo:
1. Napapangitan sila sa’yo
2. Masama ugali mo
3. Hindi nila gusto mga trip mong TV show
4. Sabi ng mga horoscope niyo, di daw kayo bagay
5. Wala ka sa radar niya at di ka niya napapansin
6. Isa sa inyo, may syota na
7. Kung wala namang may syota, may crush siyang iba”
"Why don’t you love me, the way I love you?” kanta ni Junmyeon.
Tumingin si Jongdae sa mga mata ni Junmyeon at sinabing, “Kasi ginago mo siya.”
EPILOGO:
MAGHANAP KA NG TAONG MAMAHALIN KA NANG LUBUSAN AND FOR KEEPS
Matagal bago ito mangyari for most people, pero, go, push lang.
Kauuwi lang ni Kris sa bahay mula sa trabaho niya sa FNC Entertainment. Project-based lang muna ito, pero puwede na rin. At least, may oras si Kris para sa sarili niya. Nakita niyang bumababa si Junmyeon sa isang taxi, kasama ng lalaking kasama niya sa club noong nagkasapakan sila ni Youngwoon.
“Kung ma-busted ka, pasa mo na lang siya sa akin,” bulong ng taxi driver kay Junmyeon.
“Asa ka pa!” sagot ni Junmyeon dito.
Hindi muna nagpakita si Kris, at gusto niyang malaman anong sasabihin ni Junmyeon sa mga kapatid at magulang.
“Yixing,” sabi ni Junmyeon sa kapatid na kalalabas lang para sagutin ang gate. “Andyan ba ang ate mo?”
Umirap si Yixing. “Wala si Ate. At kahit andito siya, hindi siya magpapakita sa’yo! So umalis ka na bago ka pa makita nina Mama at Papa”
“Yixing, please,” sabi ni Junmyeon.
“Junmyeon. Tama na.” sabi ni Kris.
“Kris, please,” sabi ni Junmyeon. “May kailangan akong aminin sa’yo.
That night I kissed you, I really wanted you to be my girlfriend. I really wanted that kiss. I wanted you to be my girlfriend, not just that night, but for as long as it can last. I was real that night. Hindi iyon test. Hindi ko lang nasabi iyon dahil sa galit ko kay Sehun.
Kris, gusto kita halikan ngayon para maramdaman mo kung gaano kitang kamahal.
I love you, Kris.”
Maganda lahat ito, pero may mga bagay na kailangan niyang linawin.
“Paano kung paiiyakin mo ako ulit?”
“Pupunasan ko luha mo.”
“Paano kung hindi happy ending?”
“Magsisimula tayo nang paulit-ulit hanggang makuha natin ang happy ending na ‘yon.”
“Paano kung sabihin kong gusto kitang halikan ngayon, pero nahihiya lang ako?”
“Puwes, sasabihin ko na ang babaeng katulad mo ay hindi dapat ikahiya,” sagot ni Junmyeon. “Kung ayos lang po iyon sa inyo, Tito Henry at Tita Zhou Mi.”
Tumawa si Henry habang tinanong ni Zhou Mi, “Bakit? Nag- “I love you too ka na ba?”
“Ayeeeeee!” humiyaw si Yixing at ang mga magulang ni Kris. At kahit ang taxi driver na si Jongdae, humihiyaw na rin habang inaabot kay Junmyeon ang kanyang gitara.
“Keribells na ‘yan, Mudra at Papi,” siniko ni Yixing ang mga magulang.
Tumingin si Kris sa mga magulang, tapos tumingin ulit kay Junmyeon. Aminado siyang type na type niya si Junmyeon, at napapamahal na siya dito. Masaya siya kung kasama niya ito, at kaya siyang pahalagahan ng lalaki. “Sasabihin ko pa lang sana… Kung OK lang sa inyo ni Papa.”
“Sige na nga,” sabi ng nanay habang ngumingiti.
Lumapit si Kris kay Junmyeon, magaan ang pakiramdam niya sa puso at isipan. Ang tagal mula nang maging ganito siyang kasaya. “Junmyeon Kim, I love you too!”
“KISS!” nagsigawan sina Yixing, Jongdae, at ang mga kapitbahay na naki-usi.
Nagkalapit ang mga mukha nila, pero imbis na halikan siya ni Junmyeon, nagsimula itong tumugtog ng kantang ginawa niya.
“Muling lalapit
Ang liwanag sa paligid
At ang tinig
Na sa akin nagsasabing
Hindi mapipigil ang mundo
Papatunayan ang pangako”
“Hindi mo ba ako hahalikan?” tanong ni Kris.
“Wait lang,” ngiti ni Junmyeon habang tinutuloy ang kanta.
“Dahil kailangan ka
Kailangang pakita natin tayo'y iba
At kahit pa
Hindi papigil sa mundo
At sa umagang darating
Lahat ay aking kakayanin
At kahit pa ikaw lang at ako”
At sa wakas, nagkatagpo na rin ang mga labi nila. Di inaasahan ni Kris na ganitong kasarap pala ang tamis ng true love’s kiss.
“Bahala na kung tawagin kang tanga. Pero kung in love ka, eh di in love! Wala ka nang magagawa kung hindi sundin ang tibok ng iyong heart.” sabi ni Jongdae mula sa ibabaw ng puno habang pinanonood sina Kris at Junmyeon.
“Guys, masaya pa ang life-pero mas masaya kung may ka-MOMOL ka, tulad nina Kris at Junmyeon!” sabi ni Jongdae sa mga batang katabi niya. “Pero, ang pinakamahalaga, kung matatanggap ng mga pangit na tulad mo, na deserving kayong makakuha ng happy ending.
Kung sakaling masawi ka ngayon, hindi ibig sabihin noon, sawi ka forever.
Always remember, ang puso ialay sa laban-kapalit ay tagumpay.”
-30-
Notes:
- Di ko alam anong hinithit ko noong sinusulat ko ito
- Maraming salamat kina
yurishika,
daeseol,
onyu, at
justangel para sa tulong, beta, paghawak ng kamay, at pakikinig sa mga reklamo ko
- Special mention kay
aore86 para sa "Hindi facial wash ang Safeguard" line ni Baekhyun.