Jul 11, 2005 21:53
more than 1 week na ang lumipas. ganito pa rin ako. ang hirap magpanggap. nabubuhay na lang ako sa thought na at least man lang sa kanya may napatunayan ako. pero minsan pumapasok sa isip ko, bakit yun parin ang iniisip ko sa kabila ng lahat. lahat ng epekto nung gabing yon sa akin. may mga nadamay at napahamak pa na mga kaibigan ko dahil sa problema ko. hindi ko naman ginusto na pati sila ay madamay, pero hindi ko naman talaga gustong mangyari yun on the first place. pero nangyari. at eto parin ako.
hindi ko mapigilang maawa sa sarili ko. mali nga naman yun. ambigatbigat dalhin. stupid ka kasi jo. pagkatapos ng kaganapang yun siya pa rin iniisip mo. ikaw nanga nasaktan, ikaw pa ang mali.
isang malaking katangahan, alam ko. pero tinatanggap ko. antangatanga ko.
pero meron pa rin palang hustisya sa mundo. hindi ko pa nga lang nadadama.
ayoko nang magpanggap. sana nga panaginip nalang lahat ng naganap. eh hinde.
magiging ok pa kaya ako ng tuluyan? gusto ko...pagod nako eh.
ang emote ko. hehe.