Aug 28, 2006 20:42
pagkatapos ng isang matimtimang pag-iisip, inayawan ko yung alok sa king magsulat ng script para sa isang mikling pelikula na gagawin ng mga nursing students para sa isang klase nila. raket din yon, sayang din. kaya lang isang linggo lang ang binigay nila kaya di ko na tinanggap. kahit na ba mahaba-haba na rin ang isang linggo at kakayanin naman sana kung pipilitin lang. kaso 'di ko na nga tinanggap. ang 'di ko lang maiwasan na isipin ay kung ano kaya ang ini-isip ng kaibigan ko pagkatapos kong ayawan yung alok niya. pagkatapos niyang sabihing "kaya ikaw ang na-isip ko ay dahil alam kong kayang-kaya mo na iyon. ilagaw mo lahat ng mga nababasa mong da-best!"
gusto ko man sanang paunlakan yung alok at ipakita sa kaibigan ko na tama lang ang ginawa niyang pagtitiwala sa kakayanan ko e di ko pa rin ginawa. masyado akong natakot. pinangunahan ako ng takot na baka ganito, baka magkaganon. that's why i just ended up disappointing one of the few people who still believes in my capacities and capabilities. i just hope that i would still be given another chance to prove myself and what i could do. i also hope that if that chance would cross my path, i would grab and conquer it.