Pansol outing #1 (baka magkaron pa kasi ng #2, #3, #4.... :P)

Mar 31, 2007 11:55

hmm. bago kwento.. naiinggit ako sa mga tapos na second sem!! HUHU T_T

peroooo.. mataas comsci finals ko! yayy! \m/ akala ko talaga proproblemahin ko yun. huwaaaw :D at buti na lang hindi siya prereq ng kahit anong subject :P wala na kong comsci ever! hohohoho >:D

ANYWAY.

march 29, 2007

4:30 pm : di pa rin ako nagpapaalam kela papa. kasi mataas pride ko. HAHA. galit pa kasi sila sakin dahil 2am nga ako umuwi last tuesday (err.. wednesday na pala yun) tas 7am finals ko sa comsci! haha. e mataas naman ako e! wahaha. so ayun. pinipilit ako nila benj pumunta. pumunta kong carabao park (ng naka-pambahay) kasi feel na feel kong hindi ako makakasama.

5:00 pm : di ako nakatiis. nagpaalam. at alam kong di rin ako matitiis ni papa dahil nagalit siya sakin at napaiyak niya ko. joke. haha. pumayag after mga 10000000 na tanong sa text. unang tanong : "ilan kayong babae?" haha. funny. diba nila gets na walang magkakainteres sa anak nila?!?! HAHA. ayun. pinayagan. :) sabi ko na eh :)

6:00 pm : papunta nang pansol! haha. inantay ko sila sa harap ng apartment. ayown. jeep :)

6:45 pm : asa pansol na! haha. ang joke ni benj eh. walking distance daw! e nag-tricycle kami tas whoaaaa. ang layo. as in sa dulo pa!  haha. okay naman yung place, solo namin ung pool. malaki yung room, maganda view. wala nga lang saksakan. wala akong bat. pati camera ko, walang charge battery. good job -_-"

7-8:30pm : kwento kwento. kain.  123 pass :) haha laftrip. parating na si sir so pupuntahan ni benj. e gusto ko siya kulitin dahil hindi sumama si arvin at jomuel (huhu dehhh) so sinamahan ko siya sunduin si sir sa may max's.  at NAGLAKAD lang kami >_< pero in fairness, kahit sobrang nakakatakot maglakad dun dahil sa mga talahib whatsoever, natutuwa akong kasama si benj di ako natatakot :D

9:00 pm: sa harap ng max's. kwentuhan. humabol si sammy. after 15 minutes, dumating na rin si sir. naka-cap. at shorts. at sandals. nakakatawa. di ako sanay XD nagtext sina bea. nagswiswimming na daw sila. huhu. late kami.

10-11:30pm: swimming!!! >:D ang kulet e.  tas may ginagawa sina sir yung parang nangtatarget ka sa tubig..arrrgh di ko maexplain pano! tas sabi ko ang tanga ko naman di ko yun kayang gawin. tas narinig ni sir dahil ang babaw daw na bagay ginagawa kong malaki. haha. so tinarget na nila ko huhuhuhu. pero pinagtiyagaan ko talaga yun matutunan buong gabi! haha :) tas yun. swimswim. si sir ang galing!! woohoo idol :) lalo na yung freestyle-backfloat thing. haha ankuleet parang bata. ang ingay pa.nabulabog na lahat haha. tas si benj nakakatawa yung 'marina' at shark something style niya. haha. wala bonding with bea, todj, reine, etc. haha. nung maginaw na at nangangatog na ko. la na, ahon na, diretso shower.

12-2:00 am: nagswiswim pa sila. e naka-shower na ko so pumunta na lang ako sa may gilid ng pool :) dugtungan ng kanta. hehehe. tas yung game ng gluon na magsasabi ng word tas magsasabi ka ng word related dun tas basta after ilang rounds, ibabalik mo :) cute :) wala kaming mapiga kay adrian.  haha. wala kaming tubig! or kahit softdrinks man lang XD tas triny namin ni bea atsaka charlene lumabas, backout kami agad e. salubungin daw ba kami ng 3 aso >_< tas sina kuya whoever sa baba nagooffer samahan kami, nononono. ayaw.

3:00 am: sira pala yung videoke!!  so di kami nakakanta :'( fone na lang ni sir gamit namin. huhu. kwentuhan. tas inantok na mga tao. nakipagkwentuhan si jasper. nambwisit sina sammy. pagbalik ko sa room, wala na kong higaan!!! sheeeeeeeeeeeet. e ako pa naman yung hindi nakakatulog ng less than 3 ang unan. so wala, no choice. sa labas na lang.  si benj ayaw matulog. tas nung matutulog na ko, kung san-san ko triny, wala talagang comfortable na lugar! tumayo si sammy para ako na yung humiga sa place niya, nahulugan niya ng telepono sa ulo si bea, hindi man lang nagising! ang sarap ng tulog nilang lahat pramis. tas nung humiga ako sa place ni sammy, nasipa naman ako ni aves ng mga 3 beses, so wala, suko na ko.

5:00 am:  nag-try ako umiglip. di ko kaya T_T as in pinagtatatawanan na ko nila jasper atsaka sammy kung san san kasi ako nagsususuot tas wala. sumandal na lang ako sa may terrace, nahilo lang ako. sabi ko kay benj, tawagin na lang ako pag sunrise na. di pa ko nakakapikit, tinawag na ko!

5:30 am: wala pa palang sunrise T_T pero umakyat na rin ako sa rooftop kasi maliwanag na. FIRST TIME KO DI NATULOG NG GABI!!! as in kahit isang oras hindi! woohooo asenso :)) tas sa rooftop, omg omg ang ganda ng view!!!!! :D as in bundok talaga and everything ♥

mga 6:00 am:  hinanda na ni benj camera niya dahil bwisit yung saken walang bat.  FIRST TIME KONG NAKAKITA NG SUNRISE! :) :) ♥ ang ganda pramis. sunset kasi nakakasawa na. e ako nde naabutan ng sunrise eh. haha. so ayun. pretty pretty.

6:30 am : bumaba kami para gisingin SANA sila. pero sabi ko wag na dahil pagod. e biglang nirefill yung pool ng sobrang ingay na machine, nagising na sila before 7am! tas pinapa-guilty ko sila ng sobra dahil sabi ko hindi ako natulog dahil wala akong higaan! haha nakakatawa e. pagkaalis nila, kami nila sir, higa agad. pero weird, di ako inaantok.

7:00 am : picture picture :) malungkot kami ni mommy bea. wala si daddy jojo eh :( huhu. wala rin son-in-law niya. haha ang kapal ko e. so mommy bea, kuya arvin, ate marianne atsaka baby todj lang andun :( haay. sana may next time :) anyway.  ayaw akong bentahan ng chuckie.

8:00 am : balik LB na. mainit na ulo ko. wala ba naman tulog. atsaka ayun, pinagkakatuwaan nila ko. ganun ba ko kapangit para malait? >_< kainis. di na ko makausap ng matino. haha. diretso kami mcdo kasma si sir. kain breakfast, pancake sakin, as usual.  after kumain, hiwa-hiwalay na rin.  hinihintay namin stat results. tas since pareho kaming taga-agapita ni sir, hinatid niya ko sa apartment!! OMG nakakatakot mehn XD buhat-buhat pa niya yung hello kitty bag ko!! nakakakakilabot na ewan. hmp. si sir kasi e, bakit 20 years old lang siya?! dedz ako sa girlfriend neto eh T_T haha joke lang :))

so ayun. marianne. bea. todj. reine. charlene. jasper. sammy. benj. carlo. aves. adrian. sir charles. haha. sayang madalian kasi eh. mas marami pa sigurong nakasama. next sem. sana pwede pa ♥

basta first time kong nakakita ng sunrise talaga ♥ sana makuha ko agad kay benj yung picture! at first time ko ngang di natulog. except pag-uwi ng apartment. tulog na! yehey.

la lang masaya :)

* * * * *

pag-uwi, SERMON :( hmp. pinayagan ako tas biglang sermon naman aabutan ko?! WTF. puro daw lakad inatupag ko! HUHHHHHHH. 2 weeks ngang PURO ARAL talaga ginawa ko diyan lang ako napahinga!! hmp hmp hmp. kainis.

pramis kelangan 1.0 ko sa stat finals. HAHAHAHA ASA. walang nakakauno dun ever >_< tsk. pramis. hahapitin ko to. haaay.

elbi: pansol outing, happiness, lj: first

Previous post Next post
Up