sabog. halo-halo. masaya. kinakabahan.

Mar 28, 2007 09:12

- eng 2 research paper.  march 26.
- eng 2 notecards.march 26.
- eng 2 writer's conference . march 19.
- TCG. march 15.
- letter para sa college sec (reasons for transferring blahblahblah) march 15.
- application form. march 23.
- math 4th long exam. march 22.
- math take home exam. march 26.
- chem lec 4th long exam. march 22.
- chem lab 3rd long exam. march 23.
- chem problem set. march 19.
- stat long quiz. march 21.
- stat pre-finals. march 23.
- comsci 3rd long exam. march 19?
- PE written exam. march 19.
- PE finals. march 14
- math final exam. march 27.
- comsci final exam. march 28.
- chem final exam. march 26.
- stat final exam. april 2.

STAT na lang!! yehey! \m/ unless magreremovals ako sa comsci or something. haha. comsci. nakakainis.

* * *

hindi na talaga ako lilipat. AYOKO NA. wala na kong ibang reason e.  atsaka sayang naman yung course ko kung hindi ko makukuha. prinoproblema ko lang kung pano sasabihin sa parents ko.  kasi ayoko na nga talaga. if ever, next year. pag napataas ko na yung mga grades ko at kaya ko nang i-balance ang mga subjects ko XD haha. pero kasi may ensci ako next sem tas paglilipat ako, ewan ang gulo na ng buhay ko O_O

nga pala, may laguna "accent" na ko hohohoho >:D

atsaka.. proud na ko na UPLB student ako :D sir charles kasi impluwensiya eh. pero tama lang yan. woohooo :D

so what kung uno ka, Repizo ka ba?

yun yun e. haha. sana talaga pumasa kaming LAHAT ng math. as in lahat. dahil mahal ko ang mga math classmates ko talaga <3 haha. ewan, siguro napapalitan na nila yung mga 'dati' kong kaibigan? kasi grabe, isang sem lang kami nagkasama, tas wala, lagi nila kong sinasamahan. nag-aaral kami (magandang impluwensiya yan :P) parati sa mcdo (hanggang magsara ;)) tas diretso mini stop para mag-aral ulet. HAHA adik mehn. tas masaya ako pag kasama ko sila. gusto ko yung sarili ko pag sila kasama ko. DRAMA T_T  pero deh seryoso. masaya talaga ko. nakakalimutan ko lahat ng pagod at kung anuano pa pag katawanan ko sila :)) .

gusto namin ng shirt! yung ala-sir repizo. yung tipong:

"Wag mong ipasa sakin ang isang bagay na hindi mo kayang iparamdam."

"Great things start from small beginnings." -milo woohoo!

"Matatanda na kayo.  Dapat alam niyo na yan.  Pano yan naging mahirap? Pang-kids nga e."

"Sana po matuto tayong makiramdam."

HAHA BASTA. laftrip :))

sabi ko nga kela bea, sobrang anti-social ako e. haha. o kaya naman.. basta.. gusto ko onting tao lang ang asa paligid ko.  pero ewan. ang baduy kasi ng mga yun e. corny. parang ako. haha. atsaka mga kasama kong iba? hala, inosente. woohoo. ewan ko lang si benj ^_^v pero basta masayang mahawa sa mga ka-nerd-ohan nila. ako nga daw weirdo e. sus. dahil hindi ako "na-gimik" o "na-labas"? HAHA.

sana classmates ko sila ulit next sem. hehe. kahit sila bea lang. sobrang sulit na yun :) grabe, nakakatuwa talaga. ayoko nang isipin yung mga ibang "kaibigan" ko e. walang pakialamanan? fine. kanya-kanyang buhay na naman to eh dibaaaaa :D

* * *

kakatapos lang ng mga exams! grabe medyo nakahinga na ko talaga. kasi nitong mga nakaraang araw, sobrang wala, halos walang tulog, puro aral, walang internet, tv or kahit ano pa man.

oo tama. tambay sa mcdo. mga hanggang 10pm hanggang walisin (literal haha) na kami paalis ng mga waiter. ginagawa kasi naming library. tas mini stop hanggang... ewan. kinabukasan. nerd na ko hohoho. yak joke lang ewan.  kaya ayan tuloy, si arvin (hindi ko crush :D) na-ospital! kamusta naman yun, kumain kami ni bea sa papu's.. siya, KFC, tas siya tong na-ospital! GOOD JOB -_-" buti di kami nahawa XD

los baños doctor's hospital = creepy.

last sunday, 11am-11pm kami sa mcdo. gumagawa ng math take home exam. magandang gawain yan friends. hehe.

finals:
chem = okay lang, medyo nadalian ako. ATA :) to think na umiiyak na ko ng mga 11pm dahil halos wala pa kong naaral, finals na the next day! math kasi e. huhuhuhu T_T so hanggang mga 3am ako nag-aral, tas 7am exam. wow sige lang goodluck.

math= pinagdadasal ko. :) kinakabahan ako dahil nadalian ako e. weird yun.

comsci = madali. kelangan ko ng score na min e 72% para.. pumasa. oo pumasa. walangya. 90% standing ko sa lab. tas biglang lec, WHOA. sana kasi may tinuturo siya no! di ko alam kung san niya napulot grade ko!!!!!!!!!!!!! asar na asar talaga ko. susugurin ko siya pag ako bumagsak. T_T

* * *

hayy pagod.

pero..

"Ano marianne? Mamaya pa ako makakalabas at medyo magpapahinga muna ako.  Kung manlilibre man ako eh mamaya pa, ayun ay kung pupwede pa kayo. Hehehe! :-)"

-Sir Charles Repizo

windang O_O haha. uyy tama spelling ng pangalan ko :D hehe.

siyempre hanggang pepsi lang ako >_< marianne = kj HAHA.
si sir pa nagbayad lahat! kamusta naman yun?! textmates na kami ni sir, ka"inuman" pa namin (kahit di rin siya uminom) hihihihihi ^_^ bangag ok.

KANTAHAN! si steph adik eh :D funny. tas lumang songs pa! as in yung tipong burn, stay, torn, etc. 90's! woohoo. enjoy sobra kahit di ako tomador :D basta ang kulet.

tas si benj pa may secret na sinabi na alam ko na naman :D awww naawaa ako sa kanya :(

aimee.benj.todj.rain.raymond.carlo.peter.jasper.bea.james.helen.steph.sir charles. madami din pala kami ;)

2am ako umuwi!! magandang gawain ng batang babae yan pramis. kaya umiyak ako kagabi. kasi napagalitan ako dahil may 7am comsci exam ako. woohoo. sa mismong araw na yun (ngayon.) naguilty talaga ako e. pero bakit ba? ngayon nga lang ako nagpahinga e! dire-diretsong aral aral aral. tas papauwiin nila ko ng 9pm?! JOKE BA YUN? LB to ok? hindi to kagaya sa bulacan na may hahatak sakin pag naglakad ako mag-isa. dito nga buong araw may tao sa labas e. ANO BAAAAAAAAA. paranoid kasi mga magulang ko sobra.

hinatid naman ako ni sir eh ♥ at ni benj, aimee, jasper, bea. o diba. siyempre pinagka-interesan ko pa teacher no? baket, 3 years lang naman difference ng age namin ha? HAHA. joke lang. taken pa siya. wenk ;)

buti sumama ako kagabi, kahit di ako uminom, sobrang okay na, sulit. saya pa nila kadaldalan. haha. kahit na napipikon na ko kay papa. LAGI DAW AKONG HINDI SUMUSUNOD. talaga lang?! SHIT. ayoko umuwi pramis.

so ayun. yak ang drama na naman.  magiging nerd na ko sa buong college life ko. ^_^ di ako mag-oorg kasi ayoko nga haha.. yun lang or.. magpapagupit ako ng sobrang iksi, kukulayan ng pink buhok ko. magpapaka-anorexic.  ibabagsak ko lahat ng subjects ko. iinom. magyoyosi. magdra-drugs. in short, magrerebelde ako. pero di ko kaya. haha. so magiging nerd na lang ako :)

NICE.

* * *
di kami nakapag-usap last thursday :( pero nakipagshake-hands siya saken last friday (naawa dahil siya uuwi na tas ako may chem atsaka stat exam pa huhu), at well.. maganda ang kamay niya haha ♥

"don't tell me like niya ko?"

kapal. mag-isa mo. wag mo na kong agawan. akin siya. DEH HAHA.

di ko alam kung makakapalan ba ko, matatawa, o sasapakin siya sa hirit niya na yun. oo na, siya na ang maganda, cute, nakakatawa at lahat na.  sana talaga maganda ko! argghh. sorry naman, wala na si nanay, wala nang nagsasabi saking maganda ko XD

anyway, sa taong yan. naasar ako pag humihirit siya. oo alam ko crush ka ni arvin. SO? isa ka lang sa crush niya. marami pang iba. ibig sabihin, may pag-asa pa ko :) HAHAHAHA LAKAS!

pero before mag-math finals, talagang tinawag pa ko ni arvin para mag-goodluck. weeeee ♥ sana talaga pumasa ako pramis. ^_^

"Mariane, gud morning... Tapos k n b s take home exam?  Wla p rn aq s 1.b.  Hehe hav a nyc day!ü"

tsk. mali spelling ng marianne. haha. yan lang ang matinong text niya saken ever XD ahahaha. okay lang yun, basta nakakausap, ok na :) waaa di ko na siya makikita T_T next sem pa. hmphmp.

pero basta. lovelife. panira ng buhay. at friendship. haynako. mga tao, pinagpapalit ako para sa mga boyfriends/ girlfriends nila. HMP FINE. tapos hindi naman sila magkakatuluyan sa future. tsktsk saklap.

haha. bitter? ;) deh. iba na lang talaga tingin ko sa mga bagay-bagay ngayon :(

* * *

hehe. andaming naka-LJ cut (yun ba tawag? haha) hindi naman kasi kayo magiging interesado sa buhay ko eh XD pero last na drama para sa post na to: may na-realize talaga kong kadayaan. haha deh joke. ewan. naasar lang talaga ako kasi may mga bagay na pinaghirapan ko, pero ibang tao ang nakakakuha. yung tipong para saken dapat, mas tamang saken mapunta, pero hindi, napapasa sa iba. ang bigat sa loob e. masakit pramis.

tapos yung ipagdukdukan pa talaga sa mukha mo yun? ********* MO. galit na ko. mauubos na pasensiya ko sayo. buti di mo to mababasa. pero basta. shet. mapapatay na kita sa sobrang kaasaran. sa susunod, matuto kang ayus-ayusin buhay mo. oo diskarte tama. pero mandaya? ibang bagay yun.

HAAAAAY.

* * *

singit na kwento. nasira yung dvd player ko na wala pang 1 month. HAHA. nabagsak ko ata? tas may 1-month warranty, so sinoli ko. tapos ngayon, pinapabayaran nila ng additonal P600 dahil pinagawa daw! WTF! warranty nga e! ano ba, joke ba yun? -__-"

haha. kelangan ko ng pera $_$

* * *

anyway. nagplaplano kaming math 36-GW mag-pansol!! woohooooooooooooooo :) sana payagan ako kahit na lam kong galit sila saken :( haha. babawian ko na lang :D

bigla ko tuloy na-feel na ayoko muna magbakasyon..

love ♥, muni-muni, quotes: i love, mood: emo, happiness, elbi

Previous post Next post
Up