Mar 09, 2007 21:51
tuesday:
nanood kami ni nikki ng you got me! ahahaha. tumakas ako sa mga magulang ko. natapos na kasi yung madugong exam sa chem at comsci so.. dahil lusaw ang utak namin, nanood na lang kami sa napakagandang sinehan sa olivarez :D
nagandahan ako dun sa movie! siyempre, jologs ako eh :) tapos may part dun na medyo naiyak ako kasi.. err.. secret? haha. isang tao lang siguro yung makakarelate kung bakit kasi siya lang may alam XD siya yun. hihi. pero ayos lang, sus, i don't care na >:D deh.
may ginawa pala kong sobrang nakakaguilty. shet. haha. bukod sa tumakas ako sa parents ko. hmm. kasi 7:50pm pa yung movie, eh 6pm kami andun so naglibot muna kami. naghahanap ako ng isusuot sana para sa 'launch' tas may nakita akong magandang dress. tas nung finifit ko, nahatak ko yung isang button!!! omg talaga! as in nasira ko yung damit huhuhuhu T_T_T malay ko bang hindi yun matibay. ayan tuloy! tsk.
pero mabait si God kahit masama ako sa araw na to. di ako pumasok ng eng2 pero wala na naman si sir, so kahit pang-apat ko na atang pag-cut to, wala pa rin akong kahit isang absent sa class niya. tapos tumakas ako sa parents ko, di ako nahuli. tapos nasira ko yung dress, hindi napansin nung saleslady. haay. ang sama ko.
10pm na kami umuwi >_<
wednesday
swerte naman ako ngayong araw na to :)
close na talaga kami ni sir charles. joke. binigyan pa niya ko ng sticker na: observe silence. brains at work. haha ang cute ni sir nakakaaliw XD
sir charles: kung gusto mong mag-shift sa math, tutulungan ka namin ni rj.
ako: ay sir napakagaling ko po kasi sa math e diba.. wow.
sir: e kaya nga tutulungan kita..
O_O si sir rj, teacher ko ng math 17. ay sige lang. math na course. WOW TALAGA. hehe.
tas nagkukulitan kami ni anne kung papasok akong comsci lec. pano naman walang attendance dun! plus, wala ka talagang matututunan pramis O_O sayang lang ang 50 minutes na iuupo mo dun. minsan nagtitictactoe na lang kami ni jasper XD e nung araw na yun, naguilty ako.. so pumasok ako. wala pa atang half ng lecture class yung pumasok! so nagpabonus si sir! :) goodjob. at may bonus ulit sa monday :) wow talaga amazing hehe.
umuulan ngayong araw na to kaya masaya :) tas ang kulet eh, magpahatid daw ba saken. sayang hehe. pero cute siya talaga. bawal nga lang..
may nakakatawa pala kong ginawa kaninang math. kasi naman yung 'econ barkada' na parating nagsmo-smoke sa labas ng classroom namin, pumasok sa room tas ang gulo nila! e nairita ko. tas naapakan nila yung bag ko at parang wala silang nakita or kung ano man! tas akala ko kilala ko sila so SUMIGAW AKO ng sobrang taray! hahahahaha =)) as in kung pano ko sinigawan yung kapatid ko. tas bigla silang nanahimik lahat! SHET LAFRTIP TALAGA :)) bagay pala saken yung ganun kasungit. joke. at least sineseryoso >:D nagulat talaga saken sila james e. after non tawa ko ng tawa kasi nakakatawa talaga mga reaction nila eh. wenk ;)
tas wala rin akong pe. yehey. ^_^
thursday:
nag-decide akong pumasok ng eng2, tas as usual, wala siya. so nag-date na lang kami ni adrian. joke. si adrian, math classmate ko din. e natutuwa talaga ko sa kanya kasi feeling ko wala siyang gender (di ko alam kung pano ieexplain! haha) so ayun. lunch. math. tas magkikita kami para manood nung required eng2 play ni sir vargas.. :)
6:30 pm ang usapan namin ni adrian sa dl umali. e na-late ako (as usual haha) nakatulog kasi ako. anyway. pagpunta ko dun, wala pa si adrian at ang daming tao! huhuhuhu T_T tas hindi siya nagrereply! tas nagkita kami ni arvin ♥ ehhh.. tinanong ko kung nakita niya si adrian. hindi daw. tas tinext ko si nikki na wala pa si adrian. tas sabi ko, kung wala pa si adrian, kay arvin ako sasama. haha. e mga 10 minutes na kong nag-iikot wala pa si adrian. so naglakas-loob akong lapitan ulit si arvin, wala naman daw siyang kasama eh. ISKORERA <3 tas ang gentleman niya woohoo. at cute.
dumating si adrian mga ilang minutes before 7 ^_^ nakita niya ko pagbaba niya, buti na lang. tas swerte namin kasi nakapila na si arvin sa medyo harap sooo. sure seats na to ^^ at cute pala si alfred ngayon. pero sila na ata nung isang eng2 classmate ko XD
tas naghahanap kami ng upuan, wala! tas naka-reserve para sa ibang schools! tas basta ang gulo mehn. tas natawa ako kay arvin tsaka adrian kasi sinabi nila na yung ticket namin, pang-sure seats (mas mahal na bayad) HAHA. so nakaupo kami. adrian-ako-arvin. good job ♥
MAGANDA YUNG PLAY ^_^ go sir joey, mahal kita :) super funny. pero marami ring serious. ang galing ni sir kahit na mukha siyang di umaarte, normal at natural na natural XD pero yung role niya dun, di ko ma-imagine ever na papayag siya sa ganun. sana dun na lang siya sa play na sinulat niya umarte. pero okay na okay na rin :)
3 parts yung play. yung una, inocentes. di ko talaga maexplain, basta dito kami pinakanatawa. lalo na dun sa dalawang bed na parang weighing scale.ang cool :D ang bango nga pala ni arvin ♥ sobra. hahahaha.
yung second, nalimutan ko title. dun si sir joey. tungkol sa aids. madaming mura at kung anoanong nakaktakot na salita XD yung third, asylum, yun yung gawa ni sir. ang ganda! ang creepy nung start, yung lahat naka-black and everything, tapos may binaba silang TOTOONG KABAONG! sheeet. nakakatakot. tas yung stage, lahat naman naka-white, asa mental hospital/ dorm na setting. disturbing. pero ang galing mygash. haha.
di ako makapag-concentrate kasi sa iba ako nagcoconcentate ♥ kainis naman nagdala ako ng camera, walang battery!! ugh. tas ang haba ng pila sa cr at walang flush! O_O akala nila arvin di na daw ako babalik. hehe.
tas after non, daldalan. shet ang cute ni arvin di ko to kinakaya XD tas kumain muna kaming tatlo sa mcdo. tas nag-order sila ng burger mcdo meal, si adrian ata cheeseburger. tas ako BIG MAC! sorry naman, di pa ko kumakain! e 11pm na haha. nakakahiya. dalawang lalake pa kasama ko. pero sabi naman ni arvin, gusto daw niya yung mga babaeng hindi ginugutom ang sarili nila. it turns him on daw :) HAHA.
ANYWAY. new dorm si adrian, tas ihahatid naman ako ni arvin sa apartment ♥_♥ ang daldal niya pero hindi nakakainis na daldal. tas naiilang lang ako pag nagkwekwento siya sa school nila, tas idudugtong niya sa 'normal' school nila kasi yung saken daw di normal T_T bakit siya ganun huhuhu. ayun, tas daldalan.
sa harap ng apartment, paalis, nakipag-appear siya sakin! medyo matagal. AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH^_^ sobrang kilig ok. haha. di pa rin ako over hanggang ngayon. waaah.
singit na kwento tungkol kay nicole :) sa pisay kasi, wala naman kaming ginagawang kung ano man. as in kahit holding hands nga hindi eh. how sad. HAHA JOKE. hehe. pero every time hinahatid niya ko sa dorm, lagi kaming nag-aappear. hehe la lang. hanggang appear lang. mabait kami eh. WAHAHAHA. naalala ko lang.
siguro naman hindi dahil medyo magkahawig si nicole at si arvin at inappear-an rin ako ni arvin, kaya ko siya gusto? ewan. huhu.
friday:
walang nangyari. di ko pa nabibigay sa ceat yung letter :( nagdadalawang isip ako.
love virgo: a good goal for you when it comes to romantic matters is a simple one: friends first. it will free you up to be yourself, without wild expectations.
nagiging close na kami. weee. dapat lang yan. tama to para saken :) pero wala kasi akong pag-asa dun e. pero nadidistract ako pag andiyan siya hahaha. la lang nakakatawa. at nag-appear na naman kami kanina. hoho ang babaw. at least may pamalit na ko. hindi na siya. hmp. di pa rin ako galit. :)
kasama ko si gla kanina. hehe ang kulet eh :P may ikwekwento pa ko dapat kaso, wala sobrang daldal na XD bukas. dehh. haha. sorry naman ang haba XD
love ♥,
*rl: elbi,
happiness,
lalala ♥: twenty-one,
elbi: karehasan / karahasan