Aanhin pa ang damo.. kung sayo pa lang may tama na ko? :)

Feb 04, 2007 19:34


Ayown naman eh :) Solid. Hahahaha nakakatawa eh :))

* * *

Naka-decide na ko :D


Mas matinong listahan to kasi kahapon may topak ako eh :P

LB:

- nakakauwi ako sa oras na gusto ko nang hindi ako natatakot na may hahablot sakin basta na lang
- may sarili akong 'bahay' :)
- tahimik at mahal ko ang campus :D mahilig ako sa mga bundok at puno. dehh haha.
- may night life? (as if naman :P maganda lang lb pag gabi ^_^)
- ICEBAG ♥
- blocmates :)
- teachers na nakakaaliw. haha.
- MADALI ANG ENROLMENT ;)
- malamig? :D
- maraming boylet.  JOKE.
- nagagawa ko lahat ng gusto kong gawin?
- nakakapaglakad ako mag-isa at hindi ako mukhang tanga haha XD (anlaboooo)
- walang masyadong may kilala sakin, so wala akong pakialam sa tingin nila
- mura ang pamasahesa jeep at pagkain. kahit wala pang 20 may rice at ulam at libreng tubig :)
- uplb perspective. gusto ko sumali sa school paper! :D
- mga tao.. kahit di ko sila kilala, gusto ko sila. haha

Diliman:
- mas malapit
- pwede akong mag-uwian so di na ko madalas absent sa mga importanteng events hahahaha :)
- pisay friends ♥
- nicole
- pwedeng walang pasok pag wednesday \m/
- malapit sa mall? ;)
- makakatipid ako sa pamasahe
- sabi ng mga kamag-anak ko e. para namang ang selfish ko kung hindi ko susundin XD
- pag naka-dorm ako, or apartment o kung ano man, pwede kaming roommates ulit ni lily :D
- nandun mga ibang elementary friends ko :)
- dahil may bagay akong gustong patunayan at tingin ko dito ko yun magagawa
- ah basta.. KAILANGAN e :)

o ayan pantay na halos :) actually sa pisay friends pa lang, walang-wala na lahat nung listahan ko para sa LB e.. yehess naman ;) dehh. at least makikita ko sila kahit di na makakasama. ok  na rin :D

so ayun. oo lilipat ako.  ITRA-TRY ko lumipat.  Sana naman payagan ako ng uplb pleaaaaaase >_< may padesiyon-desisyon pa kong nalalaman diyan tapos hindi pala ko papayagan no?! Ampf.  Haha. Basta yun.. aayusin ko na ang mga dapat ayusin.  Pag pinayagan ako, eh di go :) Pag hindi, edi wala na kong magagawa.. Ibig sabihin ayaw ni God talaga na mapunta akong Diliman diba? Haha.

*Pero please sana payagan ako kasi if ever hindi, pakiramdam ko magmumukmok ako buong araw. haha*

* * *




RAMAYANA!! ♥ yan yung poster nila (trace college ata)  XD haha. sorry putol at malabo dahil sa fone ko lang yan galing >_< hiyang-hiya ako kunan yan kasi mukha akong timang sa may tapat ng lb square. ahahahaha.

waaa nakakamiss XD

* * *

boyfriend: uy sige alis na ko ha..

girlfriend:  san ka naman pupunta?

boyfriend:  SA PUSO MO :)

LAKAS! yun yun eh! :) hehehehe cutie :)

*si boyfriend at girlfriend ay mga totoong tao. at hindi ako si girlfriend ;) kaibigan ko ang dalawang to pero hindi talaga sila mag-boyfriend o kung ano man :)) haha. tawagan lang nila sa isa't-isa at ang cute cute nila kinikilig akooooo :D si girlfriend ay mukhang child star samantalang pang-matinee idol naman itong si boyfriend. hihi. cute sila na hindi nakakainis gaya ng ibang naglalambingan na couple. hihi^_^*

* * *


  



cutie :D




sorry malabo XD




cute cute :D




nakatingin samin ni gla :P




jv, gla, ako :)




with lola ma'am :)

cute cute cute baby :) japanese siya (half ata? o 1/4?) ^_^ sabi ko sa kapatid ko, dapat eto kapatid ko since pareho kami ng mata. dehh. maputi lang to e. hehhehe. pero pramis gusto ko ampunin!

andun siya sa burol ni lolo dan eh :( at ang parents ng super cute na baby na to, ka-age lang namin ni glaiza!! OMG O_O haha. so mga 16 pa lang sila nag-sex na sila >:) hahahahaha.

SAYANG. sobrang batang parents. kawawa si baby :(

* * *




si anree :) sumali kasi siya sa IESO (IE org) e kung ano-ano pinapasuot sa kanila.  e anime yung theme nung araw na yan :) miaka siya. e nagkataon naka-ganyang ayos yung buhok ko tas nakita niya.  e ayun, ako naman tong mahilig mag-ayos ng buhok, ako nag-ayos ng buhok niya. hahaha. sobrang ganda at sexy ni anree pramis XD haha. ewan ko kung nababasa ni migs tong lj ko pero ha! pag nakita nya to.. bwahahahaha >:D maganda yan, malabo lang yung pic XD tas super iksi nung palda niya grabe. haha. nung sinukat ko saken maiksi na, e mas matangkad siya saken ng mga 3+ inches siguro.. soooo. X_X

so paglabas namin, mukha kaming mag-ate na ewan :)) naka-chinese rin ako kasi akala tuloy nung iba ako din sasali kasi mukha din akong naka-costume. funny :D

hay parang ayoko mag-org kung ganyan ipapagawa saken + uutus-usan ako >_< okay pa yung anime at harry potter costumes e.. pero yung formal atsaka atlantika (?) costumes at hip hop.. NO NO NO NO @_@

* * *

nakasalubong ko ang isang math classmate kanina at napalundag ng onti ang puso ko ♥ DEHH.
gwapo pala yun :) madalas ko lang siya makasalubong kailan lang at malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang nagsara nung electric fan na nakatapat sakin nung isang araw habang math at nanginginig ako sa lamig. ayaw ipasara ng mga katabi ko pero siya ay tumayo para lang i-off ang fan. kaya crush ko na siya :) hehe.

at si isa pang math crush, medyo naiiskoran ko na XD WOOOHOOO :D gogogogo :D dehh. isang time kasi nanghiram ako ng notebook niya (na mukhang scratch paper :P) tas kokopyahin ko lang sana yung final answer sa isang problem na di ko nakopya noon.  tapos bigla niyang tinuro sakin kahit di naman ako nagpapaturo! haha. pero ok na rin sobraaaa :) kasi kinilig ako. at ang bango niya promise :)) sana mas matanda na lang siya saken. huhu. bata kasi eh. waaaah.

* * *

LSS.
i miss you..
it's crazy to pretend that i don't think of you
the more this feeling just seems to grow and grow
... maybe you can come and tell me that you miss me too..

* * *

napanaginipan ko na naman siya kanina. ano bang nais ipahiwatig ng aking panaginip?
haha.

* * *

busy na naman this week. open house sa mga dorms :) (namiss ko tuloy open house sa pisay, madalas matapat yun one day before/after ng birthday ko eh :P) chem exam.  eng2 papers. math results O_O at kung ano-ano pa.

AYOKONG MAGPALIT NG UPUAN SA MATH SA UNIT 3 HUHUHUHU T____T
napapaligiran ako ng mga cute na guys plus andun si aimee at bea tapos waaaaaaaaa. ayaw.
haha.

i hate globe. ugh. SUN na tayo! dehhh. ang mahal naman kasi :( wala namang signal ang sun huhuhu. oh well.

sige na nga, sori madaldal XD

love ♥, *rl: elbi, =p, *rl: pisay, mood: aww ♥

Previous post Next post
Up