tabuk :)

Dec 26, 2006 19:04


merry christmas! :) yii. kwento <3

december 23

HAPPY BIRTHDAY TITO DEREK! ^_^

mga 6am kami umalis sa bahay tas 6:30pm kami dumating sa tabuk! huwaw O_o 12 + hours na biyahe! nyar. pero di ako masyadong nahilo, in fairness. siguro sanay na ko sa mahabang biyahe. wenk ;)

breakfast sa jollibee. nakakahiya ako ok? e sa gutom na e! ako lang talaga yung nag-order ng heavy breakfast. as in yung may rice, pancake, corned beef, egg, sausage at coke. YAK. nagugutom na kasi ako talaga T_T tas nde na ko dapat magla-lunch. ehhh. napilitan. pero onti lang kinain ko kasi nde ako nasarapan XD

mahabang storya. tas ayun. asa bahay na. SA WAKAS :) sobraaaaang lamiiiiiiiiiiiiiiig O_o

hati na pala yung malaking kubo sa tatlo >_<

pagod ang mga tao kaya natulog sila kaagad. ako hindi pa. naaya ko pa si tita cora atsaka kapatid kong manuod ng movie, world trade center. di ako naiyak kasi medyo nakabasa na ko ng reviews nung movie so inexpect ko na maiiyak ako, pero hindi eh. pero maganda ha.

dala ko si tweety ♥

december 24

maaga gumising para magsimba.  malamig talaga. at kagaya ni cessyyy,  ILOCANO yung mass! hahaha. okaaaaaaay. proud ako talaga dahil ilocano ako. at SOBRANG PINAGSISISIHAN ko na hindi ko tinuloy yung pag-aaral ko mag-ilocano. hindi naman to yung unang beses na nagsimba ko na ilocano yung mass. maraming beses na. trinatranslate samin nila papa. pero nahihiya ako talaga. gusto ko mag-aral mag-ilocano talaga! napapahiya ako every time may kumakausap saken ng ilocano tas sinasabi ko hindi ako marunong. dapat kasi sa tabuk na lang ako eh. ilocano atsaka english. di marunong magtagalog. joke. mahirap ata yun. ah basta. konti lang alam ko. anyat ti nagan mo? ay wow O_o hahahahaha.

tas pumunta kami ng quezon! medyo hindi ko magets kung bat gusto ng mga lola ko dun. fine malaki yung farm at lahat peroooo. anliit nung bahay as in! tas malayo (medyo) yung cr tas basta, walang kuryente kasi farm! may generator pero.. ah basta. di ko ata kayang mabuhay dun :( pero yun, kasi yung bahay sa tabuk, pinagawa ni papa tsaka mga kapatid niya. modern, nagagandahan ako, parang doll house. haha. maliit lang pero cute :) yung mga katabing bahay di kasi ganun e, kasi bago nga lang. yung mga tita ko namili. pero ayaw nila dun. sabagay, exercise kasi nila yung sa farm e. ang layooooooooo ng lalakarin nila. kesa sa bahay na nakatanga lang sila tsaka nanonood ng tv (pero mas gusto ko yun XD)

may mga pictures sa multiply ko pero mas maraming pictures ng bundok kesa mga tao :P (err. nagloloko multiply ko.hmp.)


 
  
 


tas may bata dun na may down syndrome :( kawawa naman siya. pero at least nag-aaral. :) tas nanood kami manghuli ng hito atsaka tilapia! haha. panoorin :) cutie. (oops. ayaw. di ko ma-upload, next time na nga lang haha :P)

nakauwi kami before 6. naligo. nagbihis. mass ulit. ang cute nung green na sweater (?) na bigay saken ni tita cora. haha. pero kakulay ko yung curtain atsaka sofa nila lola. hohohoho.




nicolas family :)

pag-uwi, magic sing! yeah. kinakantsawan ako nila papa kasi daw inaasar ko kapatid ko pero di naman ako kumakanta. edi kumanta ako! (shucks nakakahiya) o ano ngayon! kumakanta naman ako ha XD haha. wellwellwell. ewaaaaaan :))

NAUNA SIYANG MAGTEXT!! ♥ ♥ ang saya ko naman. hayy. ok na ko :)

after, nanood kami ng prison break. marathond dapat e, tas tinulugan nila ko! hoho. ang gwapo nung guy! hihi. tas nagtawagan na sila tita. tas yung isa kong tita, nung asa australia (?) siya, NAKAUSAP NIYA NG MATAGAL yung guy na yun! O_o ack. naiinggit eh. hahaha :))

tulog.

december 25

walang ginagawa.  dvd marathon ulet. one tree hill!!!!!!! ♥
nyar. gusto ko ng lucas!!!! :( hehehe. ang gwapo ni chad omg O_o

game knb. tsk. kung ako yung babae, may P1M na kong iuuwi para sa christmas. 
sayang. silent night atsaka jingle bells pa yung di niya nakuha :(

kainkainkain. :) sarrrrraaaaap.

grey's anatomy naman :) tinulugan na naman ako >_<

NAGREPLY ♥

december 26

maaga gumising. 6:45 dumating sa bahay ng 4pm. ok na rin! mabilis ang biyahe :) tas may nakakatawang nangyare. hahahaha.

kasi magkatext na kami ni celine,
cessyyy. tas sabi niya nasa biyahe siya. e ako rin. tas basta, para paikliin, asa NUEVA VIZCAYA kaming dalawa! as in same place. ah basta. mahabang story kasi. dapat magkikita kami, pero di natuloy. haha. pero may isang time na asa harap namin yung sasakyan nila ces! HAHAHAA. tas ayun, nauna na kami. nakakatawa talaga pramis ;)) pang-movie nga daw eh :P

pagod. hihi.

yun lang :)

holiday: christmas, *rl: pictures

Previous post Next post
Up