ang cute cute niya diba? :) si AJ. nakasabay ko siya sa bus pauwi, galing din siya sa laguna tas nung una, katapat namin siya. tas inaasar ko, yung tinitingnan ko, tinataasan ko ng kilay (hobby ko yun pag may nakita akong bata na nakatingin saken hahaha :D). sabi ko ansungit nung bata, tanong pa ng tanong sa mommy niya kung malapit na sila bumaba. tas akala ko tinitingnan niya yung mga ilaw sa labas, yun pala sa window siya nakatingin (at dun ako nakaupo), kasi nakikita niya yung reflection niya. haha XD tas nung asa magallanes na, marami nang bumaba. so lumipat sila ng upuan. dun sa harap namin. asa harap ko siya tas ayun, kinulit ko na :) mabait pala. marunong din magsmile :) nung una kasi ang sungit eh. hehe. tas inaliw ko yung sarili ko sa kanya kasi walang ibang marinig sa news kundi tungkol kay manny T_T sabi niya AJ daw name niya, 4 years old from bernardo (?) laguna. bababa daw siya sa cubao :) tas inaabot niya yung kamay niya sa may gilid. ang cute talaga pramis :) nauntog na nga ko sa may window para makita siya eh. haha. dun lang kami sa gilid nag-uusap. tas hiniram ko fone ni nikki pinicture-an ko ♥ medyo madilim nga lang. hehehe.
ang daldal niya grabe! kung ano ano kinukwento niya saken. tas gusto daw niya bumili ng laruan, yung digi card, marami daw siya nun, bibigyan niya ako :) tas gusto daw niya ng computer kaso wala pa silang pera, naubos na daw. napagsabihan tuloy ng nanay niya kasi ang daldal daw pano naman pati financial problem nila kinuwento niya saken @_@ haha. pero sabi ko sa nanay niya ayos lang XD basta cute. tas pinag-uusapan namin yung mga animals kasi nakakita daw siya ng mga ganun (feeling ko tuloy kagagaling lang niya ng zoo :P) hehe. natawa ko dun sa kwento niyang "whale killer" na kumakain daw ng tinapay :P hehe.
tas pareho kaming bumaba sa bus stop pero magkaiba ng terminal. magkaibang directions. tas tinawag ko siya, nag bye ako. tas kinalabit ako ni nikki, "marianne, nagfla-flying kiss sayo o!" tas pagtingin ko, nakatingin siya tas nag-flying kiss ♥ awwwww :) :) sabi ni nikki hindi daw niya ni"release" yung kiss hangga't di ako tumitingin ♥
grabe super saya ko nun. kasi normally, takot saken ang mga bata kasi masungit ako. hahahaha XD tas alaskador kasi ako sa mga bata kaya ayaw ata nila saken kahit sobrang nag-eenjoy ako. pero madalas akong magpaiyak e, lalo mga cute na bata >:) ahahaha. pero si aj, wala lang, ambait.
haaay, magkita sana kami ulet :) :)
♥