bakit madaya ang magmahal?

Mar 26, 2006 03:48

bakit madaya ang magmahal?

mharyaneBakit nagmamahal tayo kahit bawal?

Umiibig kahit di tayo ang mahal Kahit maghintay ng pagkatagal-tagal
Lahat man ng bagay atin pang isugal

Madama lang na mahalin.. at magmahal..
Kapag nagmamahal, lahat ibibigay

Kahit ano pa, maging ang iyong buhay

Gagawin ang lahat para wag maghiwalay

Di dapat magsawa, di dapat maumay
Panatilihin itong panghabambuhay

Kapag may mahal ka raw, ipaglaban mo
Pano yun kung di ikaw ang kanyang gusto?

Kahit di mo man lang alam kung paano

Matuto kang lumaban, wag kang sumuko

Pag kinaya mo, mahal mo ngang totoo
Ang pag-ibig, sadya nga namang madaya!

Talagang masasaktan ka’t madadapa
Kung sino pa’ng mga nambabalewala

Pag-ibig, kanilang natatamasa
Kelan tayo makukuntento’t sasaya?

>> project namin sa filipino.. ang funny nga eh.. kase kelangan, mei tugma at sukat.. so yun.. bwaha..

mood: emo, senti, mood: aww ♥

Previous post Next post
Up