!!

Oct 05, 2006 23:40

masaya ako ngayon. nakita ko na yung mga gusto (aaaaaaaak nagkita na rin kami ni amanel!! yiii. ansaya ko! :) ) at mga dapat kong makita (except si furqaan >_<) ngayong araw na to :)

grabe talaga nakakatuwa :P

maaga akong umalis ng bahay. magkikita kasi kami nina jami atsaka jasper sa sm ng 9:30.. so nakasakay naman ako kaagad. sa bus na ko sumakay kasi mukhang walang dadaang fx. so ayun. nakatayo tuloy ako sa bus T_T huhu. 2 lang kaming nakatayo, ako at isang matandang guy. hmp. wala na talagang gentleman na natitira sa mundong to. wahaha :P andami namang pwedeng mag-alok saken ng seat, walang na-offer. sabagay pare-pareho lang naman kaming nagbabayad. o baka kasi dahil hindi lang ako maganda para alukin ng upuan? >_< o pareho

nakakainis na talaga yung bus na sinakyan ko. sabi ko sm, binaba ako before pa lang mag-mini stop! so anlayo tuloy ng kelangan kong lakarin!! grrr. e sa sobrang inis ko. kumain ako ng buko pie na P4.00 lang sa julie's bakeshop. (bihira akong kumain ng buko pie sa elbi ok ü) tas nasa balintawak pa lang daw kasi si jami.. tas tinext niya ko na andun na si jasper. so nagsimula na kong maglakad. tas nung asa overpass na ko, nakita ko si jami, naunahan pa ko! takte. ganun ba ko kabagal maglakad?!? sheeeeet. hahahaha XD tas ayun, tinawag ko si jami, nagkita kaming tatlo, diretso na ng UP. tas ayoooon. HAPPY NA :)

nakita ko na silang lahaaaaaaaaat :) grabe talaga. may dala nga akong camera, gusto ko silang picture.an lahat kaso nahihiya ako, mukha akong timang :P hehehe. nakadikit kasi sa wall ng apartment namin yung mga pics ng pisay friends ko.. hehehe :P e ayun. basta ansaya. nakakatuwa. at nakakainggit din ng sobra pramis. andun silang lahat eh! kahit san ako lumingon, may kakilala ako! nyar.

di ko na papahabain pa. basta masaya ako :) nakakwentuhan ko sila at lahat :) salamat nga pala celine dahil nag-cut ka para samahan ako :P at kay migs para sa special cheese turon ;)

nakita ko rin ibang holy friends ko. o diba ansaya :) yeyy.

kaso lang, may kakaiba akong feeling. na panget. alam na to ni ces eh, pero parang ambaba ng tingin kasi nung iba saken dahil lb ako? ewan. nakakairita kasi yung comment ng iba. pramis nakakapikon. so hindi ko na lang babanggitin :P ahehehe :))

masaya talaga ko as in. lalo na nung nakita ko si amanel, jenny, pia, sofia, kaye, etc. haha! sila kasi yung sobraaaaanhg tagal ko na na hindi nakikita eh >__< hehe ayun :) yiiiiiii :)

LILIPAT NA TALAGA KO. GUSTO KO. 
haha! kahit mag-nutrition na lang ako or whatever payagan lang ako lumipat :P dehh hehehe :))

maaga rin ako umalis. pero kasi dapat 4pm, kaso sabi ni migs hintayin ko sha ng hanggang 4:10 kasi ipapatikim niya sakin yung cheese turon. atsaka pinakilala pa niya ko kay zea ;) hihihi ^_^ ayown. tas hinatid nila ko (kaye, celine, migs) sa sakayan. pero before pala yun, dumating si sofia :) tapos si amanel! e gusto ko sumabay umuwi kay amanel since valenzuela naman sha, bulacan ako :) e kaso di pa naman daw sha uuwi, plus magkaiba kami ng sasakyang bus :( may org meeting kasi sha eh. grabe ampayat nea lalo! tumangkad kasi tas mejo mahaba na buhok. pero mukha pa ring bata :P hay namiss ko :) namiss ko silang lahat :) hay hay hay :)

grabe asenso na talaga ako ngayon. master commuter na. pwede na ko pabalik-balik ;) di pa ko pinagalitan kahit 6pm na ko nakarating ;) gabi yun ha :P asenso na talaga. yiiii :)

nakakatamad magkwento mashado. haha.

ps. sabi nga pala ni mariel, na ilagay ko daw sa lj :) na nung mga panahong naglayasan ang mga tao sa AS, siya lang ang hindi nang-iwan saken. hehe :D

HAPPY BIRTHDAY FRANCINE & FURQAAN!! :)

* * *

kung nababasa mo man to, e ano ngayon?! dehh.

hay hay hay.  ganun naman e. sabi ko nga isa sha sa pinunta ko talaga dun tas ganun lang? sabagay, ni hindi nga nagreply kagabi saken nung tinext ko eh..

tas natatawa pa ko. sabi nila, baka walang load.
halos 2 weeks walang load?

nawala yung fone.
bakit, dati nakikitext sha gamit fone ng tatay, nanay or kapatid niya ha.

nagbago ng number.
tapos hindi man lang nakarating saken?

anu ba. kahit namang anong reason ang sabihin nila para pagaanin yung loob ko, wala rin eh. ganun din ang labas nun. ayaw niya lang talaga. tapos. makulit rin lang kasi ako..

tas may nagsabi pa saken nung tinext ko sha kanina at sa wakas e nagreply din kahit pano, "di ka ba nahurt sa text niya?" malamang nahurt ako! pero alangan namang magwala ako dun sa may AS at mag-iiyak diba? haha. mukha kong timang nun. di ko rin pwedeng ihagis yung fone, di naman akin yun. di ko rin sha maaway kasi malay ko ba kung asan sha e ayaw ngang magpakita?! ampf. minsan na nga lang dumalaw dun, kahit sandaling oras di pa pwede. fine, busy. sige na nga. sabagay bat ba ko kasi nang-iistorbo. tsk.

hihihihi. ang tigas talaga kasi ng ulo ko forever XD dapat kasi nakikinig na lang ako sa mga kaibigan ko talaga :P whooo. at hahayaan ko na rin silang magdecide para saken. wenk. joke lang ;)

pero ayun. tama na. stop na. marunong din pala kong umiyak sa mga bagay na ganun. tas after nun, okay pinagtawanan ko na lang sarili ko. abnormal ka marianne. hahahaha :P

sige na ngaaaaaa. eeeeeewwwwww ang corny ko na :P
salamat celine & fria :) halos pareho lang kayo ng sinabi saken :) at least mejo gumaan na ang loob ko. hehehe^_^

* * *

ok alam ko na ampanget panget ko na. kaya nga nagdadalawang-isip akong pumunta kasi alam kong panget na ko talaga. haha! sabi ko nga kay celine kagabi wag na nea ko titingnan kasi yucky na yung itsura ko talaga. wahahaha. pagbalik ko jan sa up next sem, ha! maganda na ko. ulit :) deh joke =)) haha. magpapaganda na ko kala neo. hihihi ^__________^

salamat po sa napakasayang araw na to :) at buhay akong nakauwi sa bahay! yehey. Ü

* * *

isang tao lang talaga nakakapagpakalimot saken tungkol sa bagay na yun.

masaya, madrama, senti, mood: aww ♥

Previous post Next post
Up