(no subject)

Oct 02, 2006 18:24


may amazing akong experience kahapon :)

MAG-ISA akong nagcommute papauntang los baños! woohoo!! :D napakagaling.  1pm ako umalis tas dumating ako ng mga 5pm.. tas nung asa bus ako, yung katabi kong babae dinaldal ko. tas tinanong ko, "miss, kelan daw po magkakakuryente sa elbi?" sabi nea, "sa sunday".. so natuwa naman ako, sabi ko "ah, ngayon po?" tas sabi nea, "hindi, next sunday pa" so ako, parang, HUH?! next week pa? shet. gusto ko na umuwi! huhu. mejo mabilis na ang biyahe pero pagdating na naman sa may calamba, stranded kami >_< buti na lang mabait yung katabi ko kaya mejo hindi ako nainip.  ok lang naman pala magbiyahe mag-isa. except sa natakot talaga ko dun sa fx papuntang cubao kasi sobraaaaaang bilis niyang magpatakbo ng sasakyan T_____T e ako na lang yung mag-isang pasahero dun tas sinasabihan na yung driver nung 2 lalaki niyang kaibigan na wag niyang bilisan mashado. e ankulit bwiset. natakot tuloy ako. haaay.

tas actually mejo bad trip ako nung bago ko lumuwas. e kasi nga first time ko magbibiyahe mag-isa, tas andun ako sa mga lola ko. so lahat sila sabay-sabay nagsasalita na kesyo ingatan ko yung pera ko, celfone ko, bag, blahblahblahblah. oo alam ko di ako marunong mag-commute talaga. at sige oo na, childlike na (mas positive daw yun kesa sa childish sabi ni nikki. hehe ^_^) pero hello, 17 na ko. pano naman ako matututo kung hindi nila ako pababayaan? hindi lang nila alam, mas takot at mas paranoid ako kesa sa kanila. haha. pero no choice e, kung  hindi ko pag-aaralang mag-commute ng mag-isa, pano na ko? hahaha XD

tas pagdating ko sa gate ng apartment, eto ang una kong nakita:

CLASSES WILL RESUME ON OCTOBER 9, MONDAY NEXT WEEK

- DR. MARTE
USC COLLEGE SECRETARY

aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh. october 9?! parang antagal nga bago nagregister sakin yun eh.. tas talagang nilagay ko lang yung gamit ko sa room. nagulat nga si kuya nonoy at pumunta ko dun.. e pano naman, sabi ko na nung weekend pa e, nafi-feel ko na na walang pasok. tinext ko yung mga kaklase ko, baka kaya walang nagrereply kasi di sila nakapag-charge ng fones kasi nga brownout @_@ oh well. ayun. nawawala si nikki. tas nung nagkita kami dahil lumabas ako ng apartment kasi walang signal, bigla akong nag-aya na umuwi kami! haha. nagbaon lang ako ng onting damit dahil wala na ata akong damit sa bahay, kinuha yung cd ko ng mars tsaka gokusen tas lumayas na :D

umuwi na kami :) buti may mabait na mag-asawang pinatabi kami sa bus. at least di kami nakatayo ;)

wala man lang akong 30 minutes sa LB!! >_< P300 ay nawala sa loob ng 7 na oras. huhu. anu yun, parang namasyal lang ako? hahahaha. anlabo. natatawa ko sa sarili ko :))

1 WEEK WALANG PASOK!!!!!!
yipeeee :D

nyar. nagpuyat pa ko para tapusin yung powerpoint presentation para sa monday T_T

* * *

nung gabi, nanood ako ng mars, wala lang, ansaya :P namiss ko e ^_^ ang gwapo ni vic! hihi. tas nakakatawa talaga ko, kasi may cd ako ng concert ng f4 dati, (oo jologs ako ok :P so huwaaaat :D) so hinanap ko at pinanood ko tas nakakaaliw kasi alam ko pa yung lyrics nung ibang songs :P ang cuuuuuuuuute ^_^ parang gusto ko ulit manood ng meteor garden! haha. tas hindi yung dubbed. para masaya :) maganda yung dubbing ng abscbn ng meteor garden, pero mas feel ko yung totoong boses nila, tas para marinig rin yung totoong background music. hahaha. wala lang.. nakakatuwa eh.  pinagtatawanan na nga ko ni mommy e..

e bakit ba kasi? nasisiyahan naman ako weh ;)

isang linggo akong pwedeng maggaganto ;)

* * *

naisip ko lang, parang gusto kong magshift sa industrial psychology. una, interesado ako. pangalawa, P40,000 a day ang sweldo mo if ever. dahil sa consultation lang yun ahh :) hihihi. pero malamang hindi ako papayagan ng tatay ko >_< kahit na tingin ko mas gugustuhin ko yun course na yun. haaaaay. oh well. sabagay, baka bihira kasi ang nagiging successful dun? ewan. makapagresearch nga..

tas gusto pa ni papa, mag-pharmacy na lang daw kaya ko ng 5 years?! nyek. engineer na nga ko tas gusto pa nea ko sa pharmacy. ayoko nga. kahit mas mataas ang sweldo nun sa US. in demand na rin daw kasi. atsaka ako naman daw yung gagawa ng gamot, hindi ako yung magbebenta kasi nga 5 years ko shang i-ta-take. pero kahit na, ayoko ngang magtrabaho sa ibang bansa e. sabi rin ni papa, sa huli naman daw, nasasaken pa rin kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko.. onga naman :)

tsss. magwewelder na nga lang ako :P

* * *

haha. ang galing ko pala. dehhh. pero may pagka-manghuhula pala ko. woohooo.
magiging fortune teller na ko sa future :) hehe XD
pero seryoso, feeling ko ang galing ko dahil dun sa nagawa kong bagay na yun. buti pa sina papa naniniwala saken, si mommy hindi eh. haha. ipagyayabang ko ba kung hindi totoo mga pinagsasasabi ko? tsk. ah basta. ang galing :P

* * *

may isang bagyo pa ulet?! O_o

muni-muni, funny, memorable, mood: badtrip

Previous post Next post
Up