Sep 29, 2006 19:28
waw. para kong pumuntang baguio ngayon O_o 8am kami umalis ng lb, 2pm na ko dumating sa bahay T_T 6 hours! nyar.
wala kaming pasok kahapon. 9am pa lang wala nang kuryente. tas nakakatakot pramis ang lakas ng bagyo. e nakakabadtrip kasi wala kaming pagkain sa apartment! sheeeet. soooo. binalak naming lumabas, e di naman kaya! as in tinatangay ako ng hangin @_@ tas nakapayong nga ako basang-basa naman ako mula ulo hanggang paa ok. goodjob. so gutom na gutom kaming bumalik sa apartment XD tas umasa kaming may magdedeliver, tumawag kami sa jollibee, pero malamang hindi sila papayag. hindi raw pinapayagan ang mga riders nila na lumabas. huhuhu. ansarap pa naman ng pancake atsaka hot choco. howell.
natulog kami ng hanggang 1pm pero hindi ko na talaga kaya dahil gutom na ko. hahaha. so nung mejo humina yung ulan, lumabas kami. gash. tinatangay pa rin ako. pero mejo kaya na.. omg. sabog lahat sa labas. as in nagtumbahan na lahat ng halaman, puno, atsaka yung mga tables sa may beerhouse malapit samen. tas lumipad na rin yung yero nung parang maliit na bodega sa harap ng apartment >_< grabe. disaster. tas walang bukas na kainan! nakakaiyak. tumumba yung malaking sign ng burger machine! nakakatakot. as in pati pala mga poste nagtumbahan na >_< tas buti na lang, bukas ang jerucho's bakery :) maraming salamat sayo at napawi ang aming gutom :) haha. napakasarap ng mainit na pandesal pag gutom ka ;) so bumili na kami ng kape, noodles, tubig at maraming tinapay :D haha. in case wala na talaga kaming makainan. tas meron palang corned beef sa apartment, niluto ko. tas pinalaman namin sa tinapay. edi ayos. busog agad :)
tinapos ko na yung oedipus rex tas natulog na ko :)
maya-maya, tumawag sina jasper tsaka jami, gusto na daw nilang umuwi. kasi feeling daw nila wala nang pasok kinabukasan dahil sobrang nagtumbahan na daw lahat ng puno sa lb. hinihingi nila number ni gj. tas katangahan ko na naman, BJ pala, hindi GJ. tsktsktsk.
delayed lahat ng messages ko at low bat na ko O___O tas wala kaming tubig. walang liguan na to T_T huhuhuhu.
dapat uuwi na ko kaso ayaw pa ni nikki.. kasi dapat may long exam sha sa math17 atsaka hist2 the next day.. so di na rin ako sumama. tas di rin naman pala umuwi sina jasper at jami, so malamang di na rin ako uuwi. tas f na f ni nikki na may class kinabukasan, so iniwan nea ko sa apartment para kunin yung notebook nea sa classmate nea. e mga 5:30 pm yun, madilim na. natatakot na ko. kasi naman no, kakawala lang ng mga lola ko baka sabay-sabay silang dalawin ako >__< e wala kaming kandila so hindi na talaga ko makatiis kaya lumabas na ko.
e tanga kasi ako forever. hahahaha. wala nga palang kuryente. so inabutan ako ng dilim sa labas @____@ hindi ko alam kung dapat bang matuwa ako dahil maraming tao o matakot ako sa mga tao sa paligid ko. haha. tas grabe, buong lb pala walang kuryente! so pag walang dumadaan na mga jeep, talagang super dilim! so tumambay ako sa may burger machine kasi maraming tao :) e mukha pa rin akong timang. tinotopak fone ko. wala pa si nikki. so kumain ako ng saging kasi gutom na ko. hahaha. tas bumalik na kong apartment kasi naiiyak na ko at napaparanoid kasi feeling ko kikidnapin ako any time o may sumusunod saken.. o ewan. tas yung daan pala pabalik ng apartment namin, sobrang dilim! as in wala kang makita! shet. so inopen ko yung camera ng fone ko kasi may ilaw yun. tas natatakot ako baka may makasalubong akong white lady, black lady, o kapre o kung anu man >_< tas dahil binuksan ko ang camera ng fone ko, naubos ang baterya. ayan kasi eh. tsk. so nangapa ako sa dilim at nagtatatakbo. buti na lang may emergency light sa apartment. plus nakita ko kaagad yung guard. tas pagbalik ko sa room, andun na pala si nikki kanina pa >___< tsk. at may kandila kami. bigay nung may-ari. ohwell. mukha tuloy akong tanga sa labas. haha XD muntikan pa kong pumuntang robinson's para bumili ng food. tsaka baka may kuryente. haha. tas natempt pa ko umuwi kasi nakita ko sina dexter na umuwi eh T_T
pero ok na rin. natulog na kami pero di ako makatulog. feeling ko andun si lola >_< lowbat na ko. pero sabi nila
jami, papayag silang sumabay ako sa kanila pauwi tas pupuntahan nila ko sa apartment.
so kanina, andami kong panaginip! napanaginipan ko nga sina julia atsaka moncie eh. may cheering daw :) hehe. tas may hearts na costume sila. wala lang ang cute :)nagising ako ng mga 7am para kunin ang relo ko. haha. tas natulog ako ulet. tas biglang maya-maya may tumatawag na ng pangalan ko. akala ko nananaginip na naman ako >_< tas ginising ako ni nikki. tinatawag daw ako ni godfrey! so ako naman, "huh? si godfrey?" tas ang kulet e, as in puro mariaaaaaaaaaanne. so sabi ko, "jm?" haha. sina jm nga! shet nakakahiya natutulog pa ko!! e tas andun na ko sa taas ng bed ngayon kasi palit na kami ni nikki. binuksan ko yung bintana sa taas tas sinilip nila ko at nakapajama pa ko O_O waaa nakakahiya >.< hinatid pala ni jm atsaka czar (?) si jami atsaka jasper kasi hindi nila alam yung apartment ko. tas sabi ko sandali lang dahil sila na nga gumising saken, e nakakahiya talaga. sabi nila jm maghihintay na lang sila sa tapat ng room namin kasi nga kwarto agad samin at walang sofa >_< so naupo sila dun. maligo muna daw ako tas hihintayin nila ko. sabi ko walang tubig. haha. so hindi na talaga ko naligo. sabi nila jasper ayos lang daw yun kaya nga daw kami uuwi kasi maliligo kami.. hahaha. tas ayun e di shempre nagmadali na ko.. buti ayos na gamit ko. tas nakakatawa kasi hinuhulaan nila yung ginagawa ko tas tama.. haha. sinilip nila yung room, e parang binagyo din. haha. ang tagal ko daw at nagbihis pa ko O_o di naman ako nagbihis talaga. pag umuuwi lang kasi, nagsasapatos talaga ko kasi nga, ayoko ng tinatapakan ang paa ko sa bus T_T tas naglakad kami, tas katangahan ko na naman, naiwan ko yung parehong fone ko! so bumalik pa ko, pabalik, mag-jeep na daw kami. hayy salamat. pero ako ang nagbayad! nyar. pero ayos lang. di ko na kaya maglakad. gutom na gutom na nga ako eh.. tas nakita namin si peter. tas may ginawa silang tawang-tawa ko. hahaha :))
tas sa bus, yeyy may buko pie na slices na P10 each! ^_^ no choice e. so kumain ako :) di masarap lasa nung isa. haha. tas buti nakaupo kami :)
omygashhhhh. sirang-sira ang laguna! as in lahat ng puno nagbagsakan and everything. gaaash. pati daw up. grabe talaga. tas may ipo-ipo pa ata kahapon? basta nakakatakot itsura =/ baha at putik at lahat. nakakaawa ang mga tao.. yung mga bata nga, gusto ko pagsabihan kasi naglulublob sila sa baha >___< eiiihh. what if magkasakit sila dun no? nakakatakot. pero actually, nakakaaliw sila panuorin kasi super nag-eenjoy sila. dapat nga vivideohan ko kasi baka maweirdohan saken sila jami :P hehehe. ang cute e. kung hindi lang sa baha at putik sila naglalaro.
hay pero grabe talaga. wala nang natirang billboards. disaster yung mga schools. ang lalim ng tubig. tumbahan na mga puno. ay basta. grabeeeeee. kaya from los baños to calamba, 2 hours! whoaaaa. O_O
tas kaya pala sarado slex kahapon eh. tsktsk. kalunos-lunos. tas nung malapit na kami sa magallanes, andun tv patrol. shempre kumaway daw ba. haha. dehhhh. kawawa kasi may super laking billboard na nahulog, tumama sa isang bus. green star ata. di ko sure kung galing laguna yun >__< sana walang nasaktan >.<
yun lang. bumaba kaming cubao. naghiwalay na kami nila jasper. sabay kami ni jami, sumakay sa hindi aircon na bus, andun si veronica. masaya pala sa di aircon na bus. f na f mo yung hangin :P eeky lang yung katabi kong lalaki. ewww. di kasi kami tabi ni jami :( ayaw akong bigyan ng discount kasi wala akong id at library card daw ang pinakita ko. hello! kahit na! mukha naman akong estudyante no! tapossssss. maaga ko bumaba kesa kay jami. umuwi ako mag-isa. sosyal :)
nyar 2pm na! pagod. whoooo. at pagdukot ko sa bag ko, dala ko pala ID ko. nice >___< tas di nakapagluto si mommy kasi nga di sha nakalabas kasi nga bumabagyo.. ayooon. napilitan ako magpadeliver sa
jollibee kasi kelangan ko ng rice. e P200 pala minimum. wooo.ayun. naiwan ako sa bahay. 9th day ni lola ngayon eh :( di ko pa sure kung pupunta ko dun. mag-isa kasi ako :( baka tawagan ko si lily para samahan ako :)
scary,
elbi