nalulungkot ako ng sobra :(

Aug 08, 2006 15:23

grabe, nagiging masyado akong malungkutin nitong mga nakaraang araw. actually, wala naman talagang problema e. parang ginagawan ko lang ng problema ang sarili ko.

pero basta, nalulungkot talaga ko :( tsk. ewan ko ba, feeling ko inabandona na ko ng lahat ng tao. ahaha yak andrama..

pero seryoso. nakakalungkot talaga dito..

gustong-gusto ko na umuwi.. parang ang tagal ko na dito.

miss na miss ko na mga tao at ang bahay namin. huhu. tinawagan ko kapatid ko tas pumipiyok na sha omaygad. nagbibinata na nga ata talaga. tas nabubulok na ko ditoooooooo.

si lily nga, kapitbahay ko lang, ilang months na kami nde nagkikita.. ano ba yan. gusto ko na rin makita si glaiza at jenny. lalo si amanel. at makipag-usap ulet sa mga pisay people. shet. tas hindi pa nagrereply sakin ang mga "kaibigan" ko sa hindi ko malamang kadahilanan. aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh.

sunduin niyo na ko please?

mood: emo

Previous post Next post
Up