pampalipas oras.

Jul 11, 2006 16:12


dahil wala na kong class simula pa 2:30, nagpapalipas lang ako ng oras sa internet shop. inaantay ko kasing mag-5pm para mag-rosary sa st. therese chapel,. simula nung mawala si nanay, parang gusto ko na ring dumaan dun., total maganda naman ung place, tahimik. isa pa, pag asa apartment ako, di na rin naman ako nakakapag-rosary..

pero masama ako. dahil inaamin ko na inaantay ko ring dumating yung lokong yun -_-" araw araw naman kasi siyang nagsisimba. e baka magsimba sha ulet ngayon. di naman ako magsisimba ngayon, nagsimba na ko kahapon, 9th day simula nung mawala si nanay. e ayun.

ambilis naman maubos ng pera XD

* * *

kahapon, sinundo pala niya ko sa compass ohmagad!! nde kasi kami nagkaintindihan eh >_< akala ko diretsong hum na siya tas yun pala sinundo pa ko para sabay kaming pumasok. napakagaling tsk. pero ang cute nun ah :)

after class, lilibot muna sana ako.. kaso walkout ata sila, so nagkita kami. tas pumunta kaming st. therese para tingnan yung sked ng mass. tas 4pm pa lang tas pareho kaming gutom. eh tas nag-cra-crave siya sa fishball. hahaha. e tas ayaw niya dun sa kainan sa tabi ng chapel, gusto daw niya sa streets talaga. so naghanap kami -_-" eh wala, so nauwi kami sa chicken skin kasi nde pa nea yun natitikman. tapos tumambay kami sa lb square,, haha. tas after naming kumain, nakasalubong namin yung magfifishball, dirty ice cream at isaw XD okay ansama, late XP pero bumili pa rin siya ng fishball tas kumain ako ng isaw. yii. sarrrraaaap :P

tas "namasyal" muna kami dun sa may road na parang forest na maraming namamatay na palaka ;) tas sinabi ko kasi kay celine dati na mag-uupload na ko ng pics sa multiply, so naghahanap kami ng magandang picture-an :) tas nagpicture kaming dalawa ulet  kasi ampanget nung picture namin sa bakerhall. [may pic na ko ng mga PE groupmates ko kyot ü] e tas, ampanget pa rin nea XD dehhh hahahaha. actually gusto nga ata niyang kuhanan ko sha ng solo eh ;) sabi ko ibebenta ko kay jonel [classmate naming bading na type na type sha :P] wahahahaha.

sabi ko nga e, kung kami nga muntikan nang masagasaan dun, mga palaka pa kaya -_-"

tas nagkwentuhan kami. nashock talaga ko kasi sabi niya maporma daw sha. tas kinuwento niya mga sinusuot nea sa abra. whoa. gusto ko makita!! iniwan nea kasi dun eh :( tas dito kasi sobrang neat niyang magdamit. pero dun, kakaiba daw. meron shang sariling style. hehehehe :))

hay ewan. sabi nila boring daw pag yung tao kaparaehong-kapareho mong mag-isip at sobrang common ng interests niyo. pero actually, nakakatawa kasi ngayon lang ako nakahanap ng kasundo ko :P tas sabi ko sa kanya, comfortable talaga kong kasama sha kasi para talaga siyang si papa. as in! ang difference lang, artist sha, si papa ma-science/ math na tao eh O_O yun lang! hahahaha xp kaya astig. pareho daw kasi ng history mga tatay namin ;) tas tinanong ko kung naaasar ba siya dahil lagi ko shang sinasamahan..  sabi niya, "abnormal lang yung maiirita sayo no. ayus nga yung may kasama eh." okay so sa lahat ng may ayaw saken, abnormal kayo ;)

ayuuuun lang. wala lang  naman XP tas sa gitna ng mass, umuwi sha dahil inaantok daw talaga sha ;) tas dumaan muna shang adoration chapel bago umalis. kyot. at magkakaroon na sha ng fone. globe :P

tama na nga :P

* * *

di pa rin nagpapakita saken si nanay -_-"
wag na pala natatakot rin ako >_<

* * *

okay sana ang hum2 kung nde lang ako antuking bata ;)

galit ako sa reg nila. ayaw akong bigyan ng excuse slip kahit may excuse letter ako. kelangan pa daw ng DEATH CERTIFICATE! wtf. mag-iimbento ba kong namatayan ako?! shet naman gano katanga yun!! argggh. tas i-fax na lang daw! mag-isa niya! pati nga si papa naasar nung tinext ko eh. hahaha. pagdudahan ba naman daw kasi ako! ampf.

haha :)) naninigas na kamay ko, anlamig =/

layas muna ko ;)

mood: aww ♥

Previous post Next post
Up