Jun 22, 2006 14:55
una muna,
HAPPPY 18th BIRTDHAY CELINE & LARA!!! :) :) :)
lalagyan ko dapat ng picture neo galing sa fone ko kaso ako'y walang usb at nasa internet shop lamang.. ahihihihihi ^_^ kaya ayooon.
happy birthday!! :) namimiss ko na kayo <3
* * *
marami na akong dahilan para pumasok :) maraming dahilan para hindi na umalis sa LB.
sa wakas, meron akong magagaling na teacher.. humanities 1 & 2 :) sabi ko na nga ba eh, mas okay to sa science at math :P humanities- literature. ang teacher namen, babae, parang mam oblepias na mas kengkoy :P hum2- sir paul (na may halo daw sa P ;p) matanda na ata sha, parang si sir cipriano. angaling nea pramis.. pero super funny sha! haha XP dahil may sense ang mga sinasabi niya, hindi basta daldal ng daldal :P hehehehe.
"it's okay to remain here in the Philippines and remain poor. But I'll be proud to say that I'm teaching the greatest minds of the land." yan ang sabi niya.. kaya magti-teacher na ko :) sa pisay ;) haha XP
tas sa class, tinanong niya, "who do you think are the culprits of our booming population?"
classmate1: BOYS!
prof: mr. alex, do you agree w/ ms. yna?
classmate2: no sir, because we don't give birth.
classmate: but you're the one who gives us the sperm!
prof: I think girls are the culprits of our large population. Because you are all smashing (?) beauties. With beautiful women as roommates, who needs family planning?
hehehe. parang ganyan ;) ankulet :P
tapossss. ang yabang namin ni jasper e.. isa lang kasi block ng IE, so kami madalas magkasama at magkaklase.. shet may bago akong 'friend' na please lang tigilan niya na ko! :(( at andaming marianne sa math17 ko, di ako sanay!! magpapalit na ko ng pangalan >___<
may kahiya-hiya kaming ginawa ni jasper! haha XP naligaw kasi kami, nde namin alam yung econ room tas naghanap kami akala namin dun. tas mga nakalagay, "college secretary" or dean of blah, blah. tas nakakahiya talaga, mali! tas yung isa naman, office din. tas yung isa, nagtanong kami kung san second floor ng building na yun. as in saan yung hagdan, tas WALA PALANG SECOND FLOOR!! sheeet. nakakahiya talaga! haha XP tas okay. wala kaming econ >_< labo pare,. haha,
may cool dude dito haha!! =) pinagmumukha niyang tanga sarili niya. classmate ni jami sa math. tas naka-leather vest na may mga silver thingies, black cap, black pants at boots. shet, halatang freshman anu ba yon. wahahaha.
nga pala, enjoy ako sa math17. (omg marianne, ikaw ba yan?!) haha. e kasi ang cool nung teacher namin eh! parang si tonio!! hahaha =)) bagong graduate.. at talagang KABOSES at KAMUKHA ni tonio. i swear, tanungin niyo pa si jasper.. ayun :) sets ang lessons. bwahaha >:) may nagyayabang e. pag eto hiniritan namin ni jasper.. haha XP
tas sa block namen, walang cute. except si jasper. at ako. BWAHAHAHAHA!! =p dehh. pero walang masyadong madating. tsk.
madaming cute na upper years!! yiii <3 madalas tumambay :) kaya dinadaan ko parati, org pala sila eh.. cute kahit mas mahaba buhok niya saken mygash.
feeling ko bibigay na legs ko kakalakad. tsk. todo tipid kasi kami eh. may pinag-iipunan kasi ako :) kaya ayun. wahaha. excited ako bukas :) :)
ankuripot namin ni jami kanina.. haha. sa canteen kasi, bumili ako ng c2 na malaki atsaka yan-yan..
"magkano po?"
"60."
"60? six-zero?!"
"oo"
"magkano po ba tong c2?"
"25"
"etong yan-yan po?"
"35"
"ay ang mahal pala!" (sabay soli.. )
tas si jami naman,
"
magkano po tong hello panda?"
"35 din."
"e wag na lang po pala" (sabay soli rin.)
e nahiya ako dun sa babae kasi mukhang masungit. so sabi ko,
"etong hansel na lang po magkano?"
"5"
"o sige po etong c2 at hansel na lang"
BWAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!! nakakahiya kami :P pero tama lang. gusto ko wala pang 100 per day gagastusin ko ;)
buti na lang may mga classmate ako na kakilala ko na. kaklase ko si jasper sa maraming subjects, si gj sa hist2, si jm sa hum2.. ayooon. tas nagkita kami ni desa kanina tas ni veronica at ingram kahapon :P
sa socsci1, yung unang subject na pinag-absent-an ko,, buti na lang nde kelangan ng excuse slip, total 1st day lang naman daw nun at walang formal classes. mabait si ms. yb [yellow bell :)] tas may game pa kami para makabonding yung classmates namin. parang ung human bingo na ginagawa sa pisay pero ang mangyayari, may mga description dun tas bahala ka na makipagkilala sa classmates mo tas ikaw na ang bahala kung san mo gustong ilagay ang pangalan nila :) sabi ni mam, pretty daw ako. apkors. :) HAHAHA!! =)) sabi ko mahiyain ako. joke. hindi ko nga sinabi na pisay ako eh. baka sabihin nila mahangin ako.. dehhh. hahaha XP at eto ang binigay ng ilan saken :)
1 "gimikera" [huwaaat?! di nga ako lumalabas eh!]
1 "mind and heart"
1 "mukhang mahiyain" [woohoo >:)]
1 "University Scholar" type [o diba? ;) sosyal.]
1 "friend ko na 'to"
1 "hmm. mabait."
2 "wanna hear your voice" [ayiii. hahaha! XP]
2 "killer smile" [i know i know ;)]
3 "mesmerizing eyes" [oh yeah.ü]
HAHAHA! magagandang impressions yan! hehehe :P tas may isa kong classmate, ivan. napansin ko agad. cute eh. haha XP pero mukhang di ko ka-age. tas nung inintroduce nea sarili niya, sobrang kalog =D nakakatawa class namin sa socsci i swear. madaming fc ;) hehehe. kaya cute. tas nung tinanong ko sha, "ano pong name mo?"
"ivan. pero pwede mo bang isulat jan 'AYBAN?'"
"ayban?"
"oo, A-Y-B-A-N"
"ah sige po. chem eng ka po diba?"
"opo."
"madami po akong classmate na chem eng e. nung highschool. i mean, classmates ko nung highschool na andito ngayon."
"ah ok ok"
"anong year ka po?"
"ako? freshman lang po ako."
"SERYOSOSO?!"
"oo naman :)"
pero hindi pala talaga :) shet ang cute. sabi ko nga eh, mag-eenjoy ako sa socsci 1 :P
kaya ayan, napag-iisip na ko kung gusto ko pa lumipat. pagod ako dito pero masaya. maganda apartment ko. maganda sked ko. matino teachers ko. NAKAKAPAG-COMMUTE NA KO MAG-ISA! masaya ko sa mga ginagawa ko eh. at nag-aaral ako.. naghahapit talaga kami ni jasper.. gusto niyang mag-diliman dahil nandun si tin malamang :) :) pero ako, ewan ko e. sino bang babalikan ko dun? joke. pero kasi sa totoo lang, dito, ansaya ko.. kasi parang antalino ko dito eh. hindi sa sinasabi kong napakatalino ko at napakabobo ng mga taong LB, wala akong sinasabing ganun. pero kasi, wala akong kasabayang mga pisay! so yung confidence ko e mejo tumataas. di gaya sa pisay na parang wala lang ako XP so yun , nakakapagrecite, nagagawa ko mga gusto ko.. ganun. ay ewan ko. basta mag-aaral na lang ako para makakuha ng talagang matataas na grades. namiss ko yung feeling na yun ng apat na taon eh T_T kaya mag-aaral ako. dahil lilipat ako next year or para sa kung saang reason, basta mag-aaral pa rin ako. yehesssssss.
talagang sinuswerte ako ngayon ahhh :) antagal ko na naghahanap ng hello kitty wrapper dito.. nakagawian ko na kasi na since first year, binabalutan ko na ang aking corona notebooks ng hello kitty wrapper [btw, pangit na ang corona ngayon].. e isa lang naman hiwalay na notebook ko dahil naka-binder ako :P so ayun. tas may nakita ako! pink! at nag-iisa lang sha :P tapos. katabi nun ang internet shop na to. na supra bilis ang internet. whoa. nanonood ako ng HYD :) yehey! :) la lang <3
at naghahapit ako talaga XP omygash. hahaha =]
nyak sori ang haba na. wala lang :) happy eh. sobra :)
happy birthday ulet friends! :) libre.ü
funny