bigla akong tinopak, so ginawa kong
friends only na lang ang LJ ko ^_^ haha, di ako marunong gumawa ng banner so kumuha na lang ako sa kung saan mang community XD kung gusto mong mag-volunteer gawan ako ng banner, header or layout, sesendan kita ng pic tas gawan mo ko. maraming salamat :) HAHA KAPAL.
***
hindi ako satisfied sa results ng election. well, wala pang ina-announce na nanalong senator, pero kahit na. naiinis ako sa mga ibang tumakbo (Richard Gomez, Cesar Montano, Victor Wood, etc.) ano bang iniisip nila?! kahit na alam ko namang hindi sila mananalo, sayang naman yung mga votes na napunta sa kanila na dapat sana dun sa mas matinong tao mapupunta. kahit mukhang konti lang yun, malaki pa rin yung magiging effect nun. sayang diba? masyado nilang iniisip na maliit na bagay lang ang politics, na enough na yung reason na "gusto naming tumulong sa sambayanang Pilipino" . pero pwede naman silang tumulong sa ibang way diba? since mayayaman naman sila (at ikaw Manny Pacquiao ang tinutukoy ko), edi mag-donate ka na lang ng pera at tumulong sa nangangailangan. wag na silang makigulo sa pulitika.
magulo ang politics. hahaba to ng sobra pag nagsalita pa ko XD iniisip ko kung pasukin ko kaya to sa future? haha. ang labo siguro nun. ayoko ngang lumalapit sa maraming tao eh -_-"
***
feeling ko talaga scripted ang PBB. hindi siguro yung BUONG show, pero diba.. medyo. pansin naman yung iba. lalo pag puro ka-dramahan na feeling mo teleserye na yung pinapanood mo! kelan lang, nainis ako kasi may wildcard na naman sila.. MALAMANG gusto nilang ipasok si Wendy. para kay Bruce. ano ba. gusto kasi gawan ng abs-cbn ng loveteam na naman sa PBB house. kim-gerald. bianca-zanjoe. alam mo yun? para may story? nakakairita minsan.
American Idol. seryoso bang natanggal si Melinda? hindi ako makapaniwala ok! ayoko tong season na 'to, at sa tingin ko si Melinda lang yung dapat maging american idol. tas natanggal siya? wth. ang boring siguro ng finals.
***
ang daldal ko sa entry na to. haha. tas may dream ako kanina na sobrang weird. may friend daw ako ni Gee-An ang name tas maganda siya eh. medyo chubby na maganda yung hair na maputi. pero hindi ko maalala yung mismong face. tas nagpunta kaming beach, nakagat siya ng something. tas basta dinala namin siya ni Tito Lean sa hospital, nahuli pa kami ng police dahil sa sobrang pagmamadali. hindi kami makahanap ng matinong clinic/ hospital so nag-stopover kami sa isang mall para magtanong. pero hindi natagalan nung Gee-An, namatay siya T_T
takot ako sa mga panaginip ko. madalas silang magkatotoo kasi. sino kaya yung Gee-An? :(
***
feeling ko hindi na ko papalabasin ng bahay simula ngayon hanggang first week ng june :(
[edit]
narealize ko na gusto talaga akong bigyan ni papa ng gift, ayaw lang ng tadhana. haha. at maganda ang taste ng mommy ko (OMG super ganda nung pink na sweater ♥ yayyyy) at nakakamatay pala ang mga centipede pag nakagat ka nila. muntik na ko kanina. huhu.
masaya lahat ng tao sa bahay ngayon. ewan, kaya masaya na rin ako :) sana laging ganto. promise. normal lang magkaroon ng problems, kaya dapat masaya pa rin ang buhay XD
atsaka dapat laging makikinig sa parents. at sa friends. mas alam nila ang dapat gawin dahil kung mag-isa lang ako magdadala ng problema, walang mangyayari :)
last na.. whatever paris hilton >:(