Glaiza's 18th birthday ^_^
grabe nakakamiss mga tao :P mas maraming pictures sa multiply ko tas yung sa
multiply ni gla Ü sulit na sulit tong surprise party na to, sobrang saya naman kasi ni glaiza kaya ok! ^_^
so ayun. medyo late kami dahil kahit 6:30 yung nakalagay sa invitation, alam naming 8pm pa magsta-start XD tas sabay kami ni lily pumunta. ako, sina tita janet at family ko :O
tas basta, iba na itsura nung iba! tas dahil mahirap yung attire na kelangan, iba-iba ung suot ng mga tao, may formal, may casual etc :D (ang ganda ng mga la salle classmates ni gla ü) tas ayun, aliw na aliw ako sa reaction ni gla pagpasok niya, lalo nung nakita niya yung mga pisay people :D alam ko may idea na siya na may mangyayaring ganto, imposible rin kasing hindi man lang siya naghinala ;) pero di niya siguro inexpect na ganto kabongga :) sayang lang maraming di nakapunta, pero andami pa ring tao eh :D
masaya naman sa table namin :) leo, ivy, migs, kaye, aildrene, jenny, lily, ako. buti na lang nakapunta si jenny! tas ayun. kwento. kain. silay? :D
tas program. AKO ang opening prayer. omg >_< sobrang nanginginig talaga ko kahit binabasa ko pa, ang obvious na kinakabahan ako! kasi naman, anu ba, kung kami-kami lang, game ako. pero andun yung mga taga-pisay? mygad. nakakatakot yun pramis. di naman kasi ako nakita ng mga taga-pisay ever na humawak ng mic tas tumayo sa harap XD diba diba? kaya naweiweirdohan ako ng sobra :P sabi nga ng kapatid ko dapat ako na lang yung emcee (kasi di masyadong magaling yung bading na nakuha nila pramis) sabi ko ok lang, basta walang pisay na andun except na lang siguro kay glaiza, lily at jenny XD nakakahiya talaga to. huhu. kainis.
anyway. ayoon. dance. natawa naman ako dun sa first love thing. akala namin si vin yung dinedescribe, si chavez pala! hahaha laftrip eh :) nagkantiyawan na lang lahat XD tas nagulat ako na si alvin, pang-17 dun sa 18 tropical flowers. akala ko kasi siya or si marvee yung last dance. e natawag na si marvee, yun pala, si mike ang last dance ni gla ♥
nakakahiya din pala yung slide show dahil may picture kami dun ni gla na 3 years old pa lang ata ako? at kumakanta ako sa mic. kalbo pa ko nun. goodjob :P
marami akong nalamang kwento ^_^ si glaiza maraming utang na kwento samin pramis. may isang nagdrama saken, nakakairita. may pinagtataguan ako :P si kaye, sexy. yehesss. si migs, new haircut, mas bagay. si aildrene, namiss ko talaga :)
dun sa 18 toast, natapon ko pa yung champagne. nice one marianne. tas naluha kami ni lily and jenny. nakaka-touch kasi XD pero naiyak talaga si glaiza nung si kyla na yung nagsalita e. yung "ate glaiza, happy birthday. i am so proud..." blahblahblah (di ko na kasi narinig) yun pa lang sinasabi umiiyak na si ate gla :) si leo naman, kaisa-isang guy sa 18 toast, si mam simpas hyper eh. hehehe.
picture taking! yehey! ^_^ basta madami pang nangyari. pero medyo maaga kaming umuwi, kay lily ako sumabay. di na kami nakapag-sleepover. next time na lang, kela glaiza mismo :D masaya ko para kay gla. talagang-talaga. payag na kami hehehehe. ate e ♥ bagay pramis :D
nag-enjoy ako! maganda yung place. mahangin, sa rooftop kasi. buti na lang hindi aircon :P tas magaganda damit ng mga tao. masaya masaya. sinong next na magdedebut? gusto ko lang umattend, ayokong ako yung nakaupo sa may stage XD haha.
+ + + + + + + + +
pangasinan outing! hundred islands :)
pinoy big brother house \m/
ako yan, tulog talaga ko diyan XD di naman ako nag-swim talaga, andun lang ako sa gilid :P
sa boat :)
yung ibang pics, upload ko na lang sa multiply later ^_^ nagloloko pc at internet ko. waaaah T_T
masarap sa hundred islands :) ang gaganda ng view :) pati sand! haha. di nga lang ako nag-swim dahil hindi ako mahilig talaga sa beach ok. pictures lang habol ko. tas nag-contest pa kami ni mommy, pagandahan ng snow (sand :P) man :) hehehe. pero nasira siya huhuhu. anyway, yung food. thank you God hindi po ako allergic sa seafood. waaa ang sarap. shrimp, crabs na super laki at marami pang iba ♥ hihi. sayang di kami nakapagpareserve dun sa PBB house. 10k a day pala yun? nyar. haha. pero ok na dun, mukhang mas malakas tubig XD dun kasi sa pinag-stay-an namin, ang hina ng tubig T_T
ang sarap ng bakasyon. nakasimba na kami sa Manaoag, enjoy pa sa outing :) kawawa lang dun sa simbahan kasi maraming hinimatay. ang init naman kasi.
tas.. kung napansin neo, nagpa-bangs ako XD haha. di lang matino yung itsura bangs ko sa mga pics sa *taas* hehe. ganyan talaga pag walang lovelife, buhok mo pagtri-trip-an mo :) mga 1 month ago, nagparelax ako. tas last thursday, nagpagupit ako ng bangs.
*pag september na at wala pa kong lovelife, goodbye long hair. hehe.*