Driving adventures

Sep 13, 2010 09:06

bilang wala akong masyadong ginagawa now that i don't have school to look forward to iba't ibang bagay ang inaatupag ko. driving around being one of them.

so if i feel like it or i'm feeling adventurous i'll drive the van that nobody drives around anymore dahil mas gusto na nila i-drive yung Prius (which is good on my part coz wala na akong ka-competition sa van :D). minsan dadalhin ko yung mga kapatid ko sa park or sa bubble tea place malapit sa school...oh kaya sa Red Mango or anywhere they want to go. tapos ngayong may school na sila ako nagsusundo sa kanila sa school. tapos minsan din mag ddrive ako sa grocery store or sa mall to shop. lol

ay tapos marami nga palang hindi nakakaalam sa inyo pero dito nakatira sakin si Myself sa NY temporarily :D nakakuha kasi siya ng work sa NJ (New Jersey hindi Nose Job LOL) so habang naghahanap pa siya ng apartment na mas malapit sa work niya dito muna siya tumitira sakin :D anyway so minsan we'll drive around to eat and do some quick runs sa supermarket kapag na-realize namin na we don't have enough ingredients para dun sa niluluto namin :P

tapos may one time din na naglakas-loob akong mag drive sa Belt Parkway late at night. galing kasi kami sa party sa Long Island at nung time na yun dalawang sasakyan dala namin kasi sumunod lang kami ng stepmom ko kina pader nun. so nung pauwi nag volunteer na akong i-drive yung van pauwi. sinundan ko lang si pader sa highway trying to keep up with him dahil 70mph ang takbo niya xP nakapag drive naman na ako dati up to 70mph pero gamay ko naman kasi yung highway na yun kaya ok lang ako. pero first time ko kasi sa Belt Parkway nung gabing yun so medyo kinabahan ako. pero buti naman nakauwi kami nang safe kaya happy ako. accomplishment yun para sakin.

tapos one time i got a call from a broker sa Long Island for a part-time job. eh kelangan talaga ng kotse to get there otherwise it will take me forever to get there. so he told me how to get there. mag Belt Parkway lang daw ako tapos it will become the Southern State Parkway. then blah blah blah i'll get there in 30-40 minutes (importante kung bakit kelangan ko i-mention yung pangalan ng mga highway. you'll see :P).

so for good measure nilalagay ko rin sa google maps ng aking iPhone (naks! :P nag trickle down lang yan from my pader pero kahit na iPhone 3GS pa rin yun ;P) yung destination ko para may reference ako just in case i get lost or i make a wrong turn. ang ayaw ko lang sa directions ng Google Maps is mas preferred niya ang local route kesa sa highway. ang ayaw ko kasi sa local is maraming stop lights tsaka minsan din maraming trucks and buses. eh haller siga kaya ng daan yun tsaka wala akong laban dun kapag nagkabanggaan kami kahit na nga ba van dala ko.

Case in Point: so the day before the interview pinuntahan ko yung area nung office ng broker para alam ko kung saan ako dadaan the next day at sure akong hindi ako maliligaw. sinunod ko muna yung instructions ng Google Maps. sure enough dun niya ako sa local pinadaan. at sure enough sangkatutak yung stop lights at yung trucks and buses. nakakaimbyerna. nakarating naman ako sa area safely, tapos i drove around din to check out the area. ang gaganda ng bahay. tapos ang laki din ng park nila. tahimik yung place tsaka mukhang mababait naman yung mga batang naglalaro sa daan so overall i like the neighborhood. so nung pauwi nako tinry ko naman yung directions na binigay sakin nung broker. puro naman highway. so natuwa naman ako dahil dire-diretso lang yung byahe. mas preferred ko talaga yung route na yun so from the job interview until now (yerp, I got the job :D kumikita na ako kahit papaano :D) yun na yung ginagamit kong way to get to work and back home :D

tamang tama yung timing ng pagkakatanggap ko sa part time na ito. kasi a week before this i got a parking ticket sa Woodside, yung parang Little Manila dito sa NY. katangahan lang talaga na hinaluan ng malas...tsaka i really got this feeling na the universe conspired to make this event happen (parang Paulo Coelho lang ah LOL). eto ang kwento:

ang task namin kasi for that day is to go to the Filipino stores to post some flyers for our apartment. naghahanap kasi kami ng tenants. so i scheduled for us to leave at 2PM. so 1PM pa lang sinasabi ko na sa mga kapatid ko na mag dress up kasi nga aalis kami. no one's moving. tapos nung maliligo na ako ng 1:30 sinabi ko sa kanila na i want them to be ready as soon as i go out of the shower. natapos akong maligo ng 1:50 at dun pa lang nagsimulang maligo yung makupad kong kapatid. great. behind schedule na ko right off the bat. so we ended up leaving the house at 2:30.

yung unang store na pinuntahan namin yung mga kapatid ko yung pinagpaskil ko ng flyer kasi walang parking so i have to stay inside the van. yung sa second store na pinuntahan namin ayoko silang samahan kasi baka mapagastos ako. eh yung makupad kong kapatid nagrerebelde bakit ayaw ko daw silang samahan. nung sinabi ko yung reasons ko sabi niya there is such a thing as saying no daw. basta ang kulit. smart ass na gustong i-argue his way out para hindi nya gawin yung pinapagawa mo sa kanya. yun ang palagi niyang style. eh ayoko talagang pumasok. so sabi ko we're all just gonna sit there and wait until someone moves and does the job. so eventually nanalo din ako. bwahahahahaha >:)

kaya lang nung nasa third store na kami i decided to go with them kasi gusto ko ring mag grocery shop nang konti. so i parked at this open spot na feel na feel ko pang ang swerte ko at nakuha ko. the funny thing is i stared at the sign that says no standing or something like that. i just stared at it. hindi ko naman binasa na no standing pala siya from 4-7PM. eh hindi ko rin sure kung anong oras kami nakarating dun siguro mga 4:05 or something like that. so pumasok kami sa isang store saglit. as in nandun lang kami siguro for one minute. tapos pagkalabas na pagkalabas namin sa store may nakita akong pulis malapit sa kotse. shet alam ko nang magkakaticket ako. so nilapitan ko yung police at tinanong kung pwede kaming mag park dun. tapos tinanong niya kung nasan kotse ko. tapos tinuro ko yung kotse na tiniticket-an niya. tapos bigla siyang napailing na may tingin bang gustong sabihin na "gosh if only you're a minute early you could have gotten away with it." so he has no choice but to hand me the ticket. tapos sabi rin niya na i have to move it anyway kasi tow zone din pala yun xP mas mahal din yun so minove ko na yung car.

medyo shaken ako sa nangyari but at the same time medyo curious kasi nga unang ticket ko yun. medyo excited din kasi ika nga ng lolo ko you're not a real driver until you get into an accident or got a ticket. buti na lang yung latter yung nangyari sakin so you know it could have been worse. yun na lang ang konswelo ko sa sarili ko. tsaka imagine niyo yun ang daming what if's. what if umalis kami on time? what if hindi nakipag argue sakin kapatid ko? what if i stayed in the van instead na sinamahan ko yung mga kapatid ko sa store? to think na that was the only time na sinamahan ko sila xP what if may mas nauna saking makakuha nung spot na yun? if only i was a minute earlier this never could have happened. i don't know for some reason i feel that it's meant to happen. na kahit anong plano ang gawin mo sa buhay there will always be these things that you cannot control at talagang mapapadpad ka sa situation that you never really planned on happening. it just made me believe in destiny or fate even more. hay naku dahil sa isang parking ticket nagiging philosophical/deep ako. hanubayan xP

so when all was said and done it all boils down to "how the hell am i going to pay for this?!?!" kasi hindi naman babayaran ni pader yun kasi yun ang sort of agreement namin. kapag nakakuha ako ng ticket he will not pay for it. si mader mukhang ayaw din akong bigyan ng pera. hingin ko daw kay pader since nangyari yung ticket when i was running errands for pader. ehhh gusto ko rin talaga ako ang magbayad ng ticket kaya lang i am so broke. ubos na halos ang savings ko. kaya *eto na naman si destiny* at swerteng nakakuha ako ng trabaho.

soooo ayun since thursday i've been working at this real estate brokerage company. mababait naman boss ko tsaka yung mga kasama ko sa trabaho. para lang kaming isang malaking family. for some reason kahit na two days pa lang akong nagttrabaho dun i feel at home. us working at the basement of my bosses' home helps i think LOLZ. and the best thing about my job: my salaray is tax free!!! nyahahaha so walang kaltas pera ko :D

kaya lang na-ddis-orient pa rin ako minsan kapag nagddrive ako. diba ang typical highway may north bound at south bound. yun highway naman na ginagamit ko east bound at west bound. so kapag nagpupunta ako sa work sa east bound ako ng highway at pauwi sa west. ngayon palaging na-sstuck sa utak ko na i'm always going east...kahit na uuwi na ako. like one time nung umuwi ako from the job interview i was looking for Southern State Parkway East when I should be looking for West. nalagpasan ko yung entrance going to the parkway and i ended up in the ghetto section of the neighborhood. buti na lang may Google Maps ako at nahanap ko naman kung nasan yung parkway eventually.

kaya lang last night my phone failed me. i worked for 8 hours kasi so by the time tapos na work ko malapit nang mag empty bat phone ko. tapos medyo umaambon pa nun kaya medyo kinakabahan ako kasi baka madulas yung daan tapos gabi na so medyo mas mahirap makita yung mga kotse. unconsciously na naman i took the entrance going to the East. tapos narealize ko lang yung mistake ko 6 exits later (so i was driving to the wrong direction for some 10 minutes) so i went out of the parkway trying not to panic and assuring myself that i have google maps so i will find my way back. nung huminto na ako to google where i am and how to get home...BIGLANG NAMATAY PHONE KO HUHUHUHUHU. so medyo panic mode na ako na halos gusto ko nang umiyak coz i feel so disconnected from the world. so una muna i tried to find the entrance to the West bound by myself. like i tried to drive around the area. no luck. tapos naisip kong magpunta na lang ng gas station to ask for directions. swerte naman at may malapit na gas station na bukas pa. so tinanong ko si manong...na medyo kinakabahan pa rin ako sa directions niya kasi ang una ba namang tinanong sakin "Do you speak Spanish? or just English?" so parang shet does he know his English. lol so for good measure i followed his instruction for a while tapos nung may nakita akong gas station along the way nagtanong din ako dun. tama naman pala yung direction na binigay sakin ni manong so nakahinga na ako nang maluwag. tsaka sure na akong nasa tamang direction ako kasi meron nang sign yung parkway na nagsasabing "New York" so i knew talaga na pabalik na ako ng Queens and not going deeper into Long Island.

so ayun ang aking nerve wracking kwento. marami pa akong kwento tungkol sa pag-ddrive ko kaya lang masyado na tong mahaba. next time na lang yung ibang kwento. ikkwento ko yung time na ninakaw ko yung bagong lease na kotse ni pader tsaka yung pagbisita ko sa friend ko sa Brooklyn. sounds exciting!!! :P

Previous post Next post
Up