Aug 03, 2010 00:31
okie...konting disclaimer muna bago ako magsimula sa aking kwentuhan session:
1. may ibang events na hindi ko na maalala kung ano mismo yung date na nangyari yun...so medyo estimate lang yung iba.
2. hindi "in order" yung mga kwento ko. minsan magkkwento ako ng stuff na ng nangyari sa june tapos yung next post pwedeng nangyari nung may.
3. baka hindi na kasing detailed yung iba kong entries kasi nga medyo matagal na silang nangyari. pero that doesn't mean na hindi na magiging mahaba entries ko. lol
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
simulan natin ang kwento nung may dumalaw na manghuhula sa bahay Martes ng tanghali. pinatawag ng Tita ko dahil gusto nilang magpahula ng isa ko pang tita. suki na talaga yung Tita ko sa manghuhula na yun. since HS pa ata siya nagpapahula dun. anyway, eh ako kakain pa lang nung dumating yung manghuhula. so nung una medyo curious lang ako at wala naman akong balak magpahula. kasi sabi ni ma'am simpas masyado pa daw kaming bata para magpahula. nyahahaha. pero habang tumatagal lalo na talaga akong naiintriga to the point na iniwanan ko na yung pagkain ko at nakikinig na ako sa hula ng Tita ko. lol
kaya ayun nung natapos na yung dalawa kong Tita na magpahula hindi ko na talaga natiis at nagpahula na rin ako. nyahahahahaha
so tarot yung gamit nung manghuhula. una yata pinabunot ako ng tatlo tapos parami nang parami (parang increments of 2 ata) hanggang sa 13 ata. so kunwari bumunot ako ng tatlo nung una babasahin nya kung ano yung kapalaran ko from those three cards tapos sa round two lima naman tapos babasahin niya uli. basta ganun.
hindi ko na masyadong maalala yung sequence ng mga hula niya or hindi na masyadong accurate yung mga rounds ko kaya random ko na lang na isusulat dito based sa kung ano pa ang naaalala ko.
basta nung first round may nabunot ata akong the Devil. tapos sabi nga ni Ateng manghuhula meron daw manttraydor sakin or something like that. edi natakot naman ako. pero sabi niya malalaman daw namin mamaya kung sino yun sa susunod na round.
yung second round ang naaalala ko nahulaan nya yung tungkol kay Rich lol ang naaalala ko nilapit niya yung Wheel of Fortune card sakin at sabi niya meron daw kasi akong naging friend na naging super close pero hindi daw nag work out. so alam na. LOL believe it or not nung narinig ko yun naiyak talaga ako. kaya yung mga Tita ko naintriga sino naman kaya iyon at naiyak ang loka na ito lol eh may part pa sa round na yun na sinabi na yayaman daw ako. edi sabi ko sa mga Tita ko may kinalaman sa "mayaman" yung iniiyakan ko LOL alam na talaga xP
round three ang naalala ko pagka bukas na pagkabukas niya sa mga cards ko ang una nyang sinabi "ay mukhang sisikat ka pa" kasi ang naaalala ko puro green halos yung mga nakuha kong cards at may The Star akong nabunot. yung mga green kasi usually ang ibig sabihin daw nun growth at wealth or something to that effect. sabi niya naging tanga daw ako...dahil nag hold back yata ako in terms of my emotions or something about control (emotion-wise ata)...pero ang naging kapalit daw ng aking pagiging sawi sa pag-ibig ay ang pagiging sikat at mayaman lol not bad at all.
tapos may hula din siya sakin na marami nga daw dadaan na lalaki sa buhay ko pero boto daw si Ate kay "dignified person from head to toe" LOL tapos may lalaki daw na darating next year between Feb and Apr. pakiramdaman ko lang daw lol
tapos eventually lumabas na rin ang details tungkol sa aking "traitor". kasi wala nga naman daw bida na walang kontrabida. LOL kasi daw itong taong ito napagsabihan/mapagsasabihan ko daw ng mga problema ko. tapos na betray or ma bbetray daw ako in a sense na may napagsabihan siya ng mga chorva ko at pwede akong i-bring down. ang description babaeng maganda, petite, maliit, at maputi ata. eh haller lahat ng babae kong kaibigan swak sa definition!!! kaya sabi ko kay Ate ay huwag naman pwedeng best friend ko yun xP kaya sabi niya ingat ingat na lang next time kung ano ang ikkwento sa iba xP
tapos may hula din na magkakabuntis sa family. eh lumabas din yun sa isa kong Tita. ang nagiging suspetsa na nga ni Ate siya na daw yun kasi mukhang nakasulat din sa palad ni Tita. kaya nga sabi ni Ate kung ayaw pa daw niya eh kelangan na niyang mag pills.
tapos meron na namang death sa family. matandang lalaki daw na talagang may sakit na. eh yung dalawang kapatid ng lolo ko parehong may cancer din. kaya naisip namin isa sa kanila yun.
tapos palagi ngang lumalabs yung Star at yung mga green cards. talagang nakalinya na daw na yayaman ako. marami din daw opportunities na magbubukas sa akin to the point na ako na daw ang pipili kung saang trabaho ako papasok. kasi nga daw Achiever ako pero walang wala pa daw yung mga na aachieve ko ngayon sa pwede ko pang ma achieve. kumbaga marami pa daw ako makakamit sa buhay. yun nga lang nga daw talagang it takes a lot of work para makarating ako sa rurok lol
edi habang nangyayari ang lahat ng ito naiisip ko na shet puro naman fame and fortune ano naman kayang ending ng lovelife ko? edi nung last round na lumabas naman na nakalinya din daw na magkakapamilya din ako. :D
tapos nga pala meron pa siyang sinabi sakin na huwag ko daw gagamitin yung kayamanan ko sa paghihiganti. gamitin ko daw yun sa mabuti. tapos sabi din niya na marami daw akong katanungan tungkol sa family ko or sa life in general...like kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay...pero kahit daw ako hindi ko alam yung sagot. well tama naman siya pero wala akong masyadong napulot dun xP
tapos binasa din niya yung palad ko. pagkakitang pagkakita niya sa palad ko ang una nyang sinabi sakin: ay pautang na talaga. kasi nakasulat pati sa palad ko ang kayamanan. sabi niya kasi masinop naman ako sa pera tsaka kung gumagastos man ako good investment naman. yung hindi masyado sa luho. tapos parang may nakita siyang maliit ng X marka daw yun ng pagkabigo ko sa love. at talagang may ganun pa sabi ko kay Ate LOL
overall natuwa naman ako sa hula ko :D naging mas optimistic ako tungkol sa aking future. kasi take note straight out of grad ako nito at talagang hindi ko alam kung saang direksyon ko itatahak ang buhay ko xP so this gave me some hope...although it sounds too good to be true lol oh well libre lang mangarap at hindi naman masamang maging goal ko iyan sa buhay :D