Driving experience

Mar 04, 2010 14:54

na realize ko lang na never pa akong nagkwento ng aking driving experience simula nung nakuha ko yung lisensya ko a while back...at may interesting din kasing nangyari kagabi kaya ikkwento ko na!

well simula nung nakuha ko yung lisensya ko at nagkaroon ako ng night class ginagamit ko na yung family van para pumunta ng school...tapos hinihiram din kapag natripang magsimba...at para mag grocery sa asian supermarket or do some errands. so hindi ko talaga siya ginagamit daily...mga once or twice a week lang. tsaka short distances lang. hindi ako masyadong gumagamit ng expressway.

soooooo last night nagkaroon kami ng dance practice. eh 8:30 PM pa yung start. so since late na siya nagstart i figured late na rin siya matatapos so hiniram ko yung van. of course may konting chuva pa kasi bakit daw aalis pako ng bahay eh 8PM na blah blah blah...oh well nahiram ko naman yung van so no biggie.

fast forward to the end of practice. edi tinanong ko yung mga tao sa PARE if anyone needs a ride...yung dalawa kong freshmen friends kelangan ng ride so we tried to figure out the logistics before we went off. yung isa walang problema dahil local lang ang route namin...eh yung isa kelangan kong mag drive sa I-495...expressway siya na dinadaanan ng mga truck. eh i hate trucks. kasi malaki sila at may blind spots sila and blah blah blah. so natakot naman ako. kaya lang late na gusto ko rin silang ihatid so nag compromise na lang kami na we'll take the local route to her house. so ayan game na.

na drop off ko yung isa naming friend nang walang problema. i just dropped her off sa gas station dahil malapit naman na yung bahay niya dun. eh katabi na ng gas station yung highway. eh since naisip ko na baka abutin kami ng 10 years kung maglolocal kami nilakasan ko na lang yung loob ko at pumasok na kami sa highway. iniisip ko naman late na at wala nang masyadong sasakyan so i guess we'll be fine.

so during the trip i had to change lanes. eh ang tinurong technique sakin ni mama mas okay daw kung hahayaan mo munang may makalagpas na kotse sayo bago ka magbago ng lanes (i don't know if you understood that. basta ganun). edi yun naman ginawa ko. ang katangahan ko lang hindi ko napansin na may kasunod pala yung kotseng lumagpas sakin. so nagalanganin yung kotse na kasunod nun. so in short muntikan na akong bumangga. yun lang yun. lol

buti na lang nakapag brake yung kotse na yun at nakasingit ako dun sa lane. kaya ayun medyo ok naman xP

tapos muntikan pakong lumagpas dun sa exit namin. LOL pero buti na lang nakaliko kami bago ko completely nalagpasan xP

thank God naidrop ko naman yung friend ko nang maayos. *phew* ang tanging challenge na lang ay kung paano ako makakauwi nang mag isa xP buti na lang medyo matino ang memory ko kasi naidrop off na namin ni rich yung friend naming yun nung huling party...so naalala ko pa kung san siya dumaan at kung paano kami nakauwi. buti na lang =D kaya ayun nakauwi din naman ako nang maayos. no tickets, no accidents or anything. =D

medyo walang kwenta yung kwento pero kasi ito yung first time na naghatid ako ng friend na ganun ka layo. at yun din yung pinakamahabang drive ko sa highway. very surreal. nakakarelax talagang mag drive. hopefully talaga makahanap ako ng matinong trabaho para makabili nako ng kotse ko. yun na muna papasok nako sa class ko. vavash!

Previous post Next post
Up