Best.Subway.Ride.Ever.

Nov 16, 2009 10:44

kung masugid (yak ang deep) kayong tagabasa ng mga entries ko, mapapansin niyo na kapag nagsusulat ako tungkol sa subway/bus system dito eh puro horror stories ang kinukwento ko. mga nadedelay na tren, namimiss ko yung stop ko, etc.

well, this time iba naman.

for once in my life, nagkaroon ako ng masayang experience sa subway, courtesy of PARE =D

kahapon kasi nagpunta kaming NYU for the Mr. Philippines man-geant :P since imposible ang parking sa manhattan, at kung meron man ay bonggang bongga sa mahal, kelangan talaga naming mag subway.

eh last time na nag subway kami napaka epic fail. stupid weekend service. kaya this time we made sure talaga na makakarating kami sa NYU nang walang aberya. chineck na talaga namin kung hihinto sa station na bababaan namin yung train. :P

habang hinihintay naming dumating yung train naglaro kami ng game. alam nyo yung extreme tos-tos pik na nilalaro natin? yung sa simula magkadikit yung paa nung naglalaro tapos every time nananalo yung isa he/she will move one step backward tapos yung natalo mag sstretch hanggang ma touch niya uli yung paa ng isa? so ayun nilalaro namin siya sa subway. nakakatawa talaga parati yung part na malapit nang matalo yung isa to the point na kelangan na talaga niyang magsplit para lang ma touch yung paa nung isa. talagang umeeffort pa yung iba eh. tsaka makikita mo talaga kung sino ang flexible at hindi lol

tapos nung nasa train na kami naglaro uli ng games to kill time. yung isang game yung madalas nating laruin nung HS...signs ata ang tawag natin dun. yung mag iisip ka ng sign for yourself tapos para i-call out mo yung ibang tao gagawin mo yung sign mo, papalakpak ka, tapos gagawin mo yung sign nung tao na gusto mong tawagin. i used to be a pro at this, pero medyo rusty na ako nyahahahah.

tapos yung isang game naman ang tawag nila dun ABC game. so each letter may hand symbol siya. kapag A your hands are together, parang nagdadasal lang. kapag B parang naka reverse L yung form ng hands mo...perpendicular yung hands mo. ayun. tapos kapag C naka palms up yung kamay mo, parang kapag naka Our Father (bakit ang religious ng mga description ko? lol). tapos kapag D palms down naman...parang nagpapainit ng kamay sa bonfire lol

tapos one person will randomly call out a letter. tapos ikaw bahala ka kung anong letter ang gusto mong gawin. kapag yung sinabi niyang letter at yung hand symbol na ginawa mo eh nag match, sasampalin niya yung kamay mo depende kung anong letter yung sinabi niya. so kung A isang sampal sa both hands + isang extra sampal sa isang hand, kapag B 2 + 1, C 3 +1, D 4 + 1. matatapos yung turn ng person na yun na magsabi ng letter kapag walang gumawa ng letter na sinabi niya.

so by the end of this game parang ketchup na sa pula ang karamihan ng mga kamay nila. ang lakas pa namang manampal ng ibang boys. you definitely don't want to be their boyfriends coz they know how to hurt. lol

kaya sa buong subway trip ang ingay ingay namin dahil tawa lang kami ng tawa at mura ng mura kapag natatalo kami lol yung ibang pasahero pinapanood lang kami at naaaliw sa games namin. lalo na yung sampalan part. kasi minsan talagang ang lulutong ng mga sampal, napapa cringe and at the same time napapatawa na lang yung mga nanonood.

so pretty much yun din yung ginawa namin nung pauwi na. sobrang umiksi yung 40 minutes-1 hours train ride kasi we're having too much fun playing our games. i've never laughed this hard in the subway. fun fun fun fun fun experience =D

Previous post Next post
Up