Nov 29, 2006 15:47
Haay.. medyo nakakabagot y'ung araw na ito.. Nakakaantok kasi y'ung 1st at 2nd subjects namin tapos wala pa kaming klase sa huling dalawang subjects namin: SCL 3(Social teachings of the church) at MATH 600 (Statistics) (-_-)zZz... sarap talagang tulugan... Nataon pa na ma"handle" kami ng mga prof na malagilay magturo at boses patay tsaka korning mag"joke".. (buti na lang at mahaba ang pasensya namin sa mga prof na gan'un)haay.. ewan ko ba.. tinatabangan ako ngayon sa pag-aaral. "cliche" na siguro itong sasabihin ko dahil alam k'ong maraming tao ang nagsasaloob ng ganitong damdamin ng tulad sa akin ngayon.. tingin ko kasi, walang direksyon ang buhay ko ngayon. Hindi ako masaya at kuntento sa nangyayari sa pangkasalukuyan ko'ng estado... parang walang kabuluhan. kahit nga nasa ikalawang antas na ako sa kolehiyo hindi ko pa rin nararamdaman na dalawang taon na lang ay aakyat na ako sa entablado upang kunin yung piraso ng papel na iyon na 4 na taon k'ong pinag/paghahandaan para l'ang mapatunayan ko sa lipunan na "HOY! May SILBI ako dahil TAPOS ako sa pag-aaral. In short, EDUKADO ako no!?" (haha.. natatawa ako kahit korni itong sinulat ko.. wala namang masama.. "Love your own" 'ika nga)
Ayokong sabihin ito pero minsan, may mga oras na naiinggit ako sa mga tao sa paligid ko. Kapag kasi nakakausap ko sila maririnig mo na may kumpiyansa sila sa sarili.. Alam talaga nila 'yung ginagawa nila at alam nila ku'ng ano ang kahihinatnan ng mga buhay nila lumipas ang 3 o 5 taon (meaning Kapag nakatapos na sila ng pag-aaral)Atsaka, 'eto y'un eh, GUSTO talaga nila y'ung kurso na kinukuha nila..
Kung papansinin mo kasi sa panahon ngayon, nawawalan na ng say2x o kabuluhan ang pagaaral sa "college", masyado na kasi'ng komersyalisado ngayon ang mga kursong ino"offer" ng mga pamantasan at kolehiyo dito sa 'Pinas. K'ung ano ang usong kurso at kung saan malaki ang demand at sahod at "practical", 'yun ang papatulan ng mga estudyante. Ang lagay tuloy, Parang mga "fads", kapag nauso ang maikli, lahat ng tao magsusuot ng maikli, kapag nauso 'yung mga nakatayo ang buhok, makikita mo na lahat mukhang mga bagong gising lang.. Tapos 'pag nalaos na iyon, tsaka mo lang mare"realize" na matapos y'ung panahong nauso y'un, nagmukha silang t&%$#.. hehe (^o^)Pero napapalayo na ako sa koneksyon n'un tungkol sa mga kurso ngayon sa kolehiyo.. wala lang.. nakakalungkot lang kasing isipin na dahil sa ku'ng ano ang demand ng lipunan eh dapat makisakay na rin tayo...
oops.. 4:10PM na pala dito sa relo ko.. duktungan ko na lang uli bukas.. usap tayo ah?