madami ang namamatay sa maling akala..

Mar 29, 2006 19:54

PUTANGINA.

ayos ha.. pagkatapos ng mahabang panahon.. biglang rant nalang ako dito sa lj. punyeta.

ang dami ko pang gagawin.. sobrang dami pa.. pero tangina.. biglang may nangyari, kaya ito.. napagpasyahan kong magsulat muna dito.

haaay.. ang buhay nga naman.. akala mo yun na.. pero di pa pala.. sabi nga ng bmr at ng eheads.. madaming namamatay sa maling akala.. so bali.. ngayon.. patay nako. (-_-)

oo.. patay nako. eto naman kasing si gaga.. umaasa agad. tanginang tanga! e kasalanan bang mangarap ang isang batang babae na "mahalin" siya ng isang lalaki?.. ttsss.. akala ko talga siya na e..

hay nako.. sa umpisa palang.. naghihinala nako.. pero wala e.. parang naapreciate ko agad yung tao.. kaya ayun.. inalis ko yung mga hinala, duda at takot ko.. at tinignan ko siya ng masinsinan.. tinignan ko siya ng walang judgements.. kung baga.. di ko na muna pinairal ang kapraningan ko.. tanginang swerte niya!

naiinis ako.. di dahil sa ginawa niya yun.. pero dahil ako na naman ang may kasalanan ng lahat ng toh. ako nalang palagi. di ko naman siya masisi e. wala naman siyang alam. haay.. wala namang ibang taong nananakit sakin.. kung hindi ang sarili ko.

so.. balik muna ako sa bato mode. oo.. bato muna ako.. at kung di ka pa tumigil.. aba! e ihahagis ko yung sarili ko sayo!

sorry kung malabo.. di ko din kasi maintindihan yung sarili ko e.. haha. :|
Previous post Next post
Up