bulakbol mode

Feb 01, 2006 20:17

nanuod ako ng walk the line kanina with majet :) astig! can i just say.. ang cute talga ni reese :) at marunong pala siyang kumanta.. nekenee! i'm impressed :D

kanina, nung magisa nalang ko, dumaan ako dun sa chapel sa greenbelt. may nagmimisa na pari (malamang pari yung nagmimisa! hahaha! sabaw! :P) tas malay ko.. feeling ko sinadya Niya na padaanin ako dun e. (ok.. ang weirdo na kung weirdo.. e yun yung feeling ko e!) basta.. tungkol sa pagdadasal yung homily niya e. sinasabi nung pari na naririnig naman daw Niya yung mga dasal natin.. at madalas/ lagi naman niyang sinasagot ang mga ito.. ngunit.. minsan ang sagot niya "oo".. minsan "teka lang" o kaya "hindi.. pero yun nga.. may sagot pa din siya.. at ang isang taong may malalim na paniniwala (deep faith.. hehehe! baka kasi mali yung pagkatagalog ko e) lamang ang makakaintindi ng mga desisyon ng panginoon para sa atin. (paumanhin sa ang tagalog..)

grabe.. kung kasama ko yung teacher namin sa philo sa mga oras na toh.. siguradong lalabas lang sa kabilang tenga yung mga narinig ko.

nga pala, nakita ko si gel kanina. yahooo! natutuwa talga ako pagnagkikita kami ni gel.. kasi sobrang tawa kami ng tawa! di ko alam kung bkt.. pero tumatawa kami :) HOY GEL! miss na kitaaaaa! waaah!
Previous post Next post
Up