tagaytay

Jan 26, 2009 00:13

kakagaling lang namin sa tagaytay! nag-enjoy ako nang husto. dala pa ni lovely si cookie kaya lalong masasya! sana maulit ang ganitong klaseng bakasyon. kahit saan naman, basta enjoy ka sa mga kasama mo, masaya ang kahit anong biyahe. :D nakilala ko rin si tonia in person sa wakas. ang saya-saya nu'ng nagsama sila ni jok2x. salamat nga pala kay migs para sa pag-shoulder ng gastos.

guys, sa uulitin a! ^^

---

special delivery para kay hahahanglufet

dear simon,

happy birthday! sana magustuhan mo itong regalo ko. ayan, para 'pag may maisip kang lyrics, makakapagsulat ka kahit saan ka pumunta. simple lang na regalo 'to pero sana magustuhan mo.



miss na kita.

jopay

---

PRIVATE

umaandar ang biological clock ko. naiinggit ako kay lovely at may cookie siya. pero hindi dahil gusto ko ng alagang aso. GUSTO KO NA NG ANAK. ;_; pero asan na ba ang lalakeng gusto kong maging ama ng magiging anak ko? hindi na daw magandang magdalang-tao sa edad kong 'to. nakuuuu~

kausap ko ang kapatid ni simon kanina. sabi niya pakiramdam niya gusto daw talaga ako ng kuya niya. kinikilig naman ako masyado! ^^
Previous post Next post
Up