PRIVATE.
dumaan sa stand ko kahapon si stuart. 'yung kapatid ni simon. mabait naman siya, kaso parang... galit sa mundo. parang pakiramdam ko 'di niya ako nagustuhan. pa'no ba 'yan, gusto ko gusto ako ng pamilya ni simon, eh kapatid palang niya hindi ko na ma-please.
JOPAY, BAKIT GANITO NA KAAGAD INIISIP MO?
asan na kaya ang rockstar ng buhay ko? miss ko na siya. nahihiya naman akong itext kasi baka parang ang demanding ko naman, eh 'di pa naman kami. kaya nga nagtataka rin ako bakit iniisip ko na kung pano ipi-please 'yung little brother niya. ano ba 'yan, jopay?