may dalawa akong tickets with backstage passes para sa concert ng the poors ngayong sabado! (salamat, simon!) wala naman akong kasama. di pwede si lovely. pano kaya 'tong isa pa? :(
ah, papa-promo ko na lang sa pishbolan sa huwebes!! :D pag-isipan ko na lang yung detalye, pero abangan niyo a! :D
private
haaay, jopay, bakit ka natatameme sa harap niya? kalmado at poised kang babae, kahit hamak ako'y isang hamak lamang na pishbolera, pero kapag siya nauubusan ako nang salita? hay, siya na nga ba ang hinahanap ko? ayoko sanang umasa at ma-disappoint, pero 'di ko maiwasan. bumibilis ang tibok ng puso ko para sa kanya! ♥