UAAP SEASON 69!

Jun 30, 2006 23:44

Isang linggo na lang, UAAP na. Hindi na ko makapaghintay. Ang bad trip nga lang, yung UP, for the first time in many years, walang laro sa opening day. Ang olats. Tama yung idea last year at sa ilang taon bago rito: paglaruin mo yung UP sa opening day para maraming pumunta. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ng UE na host at yung UP at UST, isa pa sa “mahahakot” na school, sa second day nila nilagay. Last year, if I remember correctly, Adamson, the host did not even play on the opening day. Ewan ko ba sa UE. Nakakaasar pa, ang lalayo ng venues ng games(at least para sa first round), halos wala pang Araneta, puro sa Manila halos lahat. Last year either Araneta or Blue Eagle Gym. The year before that, sa ULTRA o sa Araneta. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa wala ang DLSU this season o naghihirap na ang UAAP.

Sa mga hindi nakakaalam hindi lahat ng schools makakapaglaro sa opening weekend. Ang FEU hindi makakapaglaro. Kasi odd yung number ng teams this season: yun nga, ang DLSU, hindi maglalaro this season, sa lahat ng sports. Suspendido kasi.

Anyway, saan man ang UAAP games this season, susubukan ko pa rin manuod nang live. Iba ang feeling pag nanunuod ka ng live game e. Damang dama mo na parte ka ng school mo, na member ka ng isang community. Sa campus nangyayari yung isang sem mong katabi sa isang subject, isang sem mong hindi kinausap. Sa games, sa katabi mong hindi mo kakilala nakikipag high five ka lalo na pag nanalo yung team nyo via a buzzer beater o malaki laki yung binawi na points. Yung matandang lalake na nasa tabi ko nung first game last year, proud na proud pa siya na inaanak niya si Nestor David. Kakaiba talaga.

This season, dahil wala ang DLSU, mukhang Ateneo raw ang malakas, pinakaintact kasi and experienced yung squad nila. Yung team na suportado ko, sandamakmak ng rookies, so untested talaga. Ilang taon nang ipanagkakait sa amin ang Final 4 at syempre, championship. Pinakamalapit na nung last last year kung saan matapos ang isang kalunos-lunos na anim sa sunod sunod na pagkatalo, nanalo naman kami ng anim na sunod sunod na games. Papasok sana kami sa Final Four kung hindi lang kami tinalo ng La Salle nun sa ULTRA. Napakadisappointing talaga ng game na yun, kasama ko pa naman manuod nun ang UPSCA friends plus Bananee. At oo nga pala, kaisa isang UAAP basketball game yun na pinanuod ni Ronyu. Nagkataon din na 2004 homecoming nun sa Pisay. After the game, pumunta pa kami sa Pisay syempre. This year, hindi ko lang alam ang chances namin na makapasok sa Final 4. Wala raw DLSU so mas madali dapat, pero ewan ko lang. Kung yung squad sana this year e yung squad last year or even better, last last year, pihado aabot kami ng Final Four. Pero yun nga puro rookies. Well, let’s hope for the best na lang. Sabi nga nila, bilog ang bola.

Okay, so sa mga supporters din ng kanya kanyang unibersidad sa darating na UAAP season, kitakits na lang! Sa mga kapanalig ko, UP FIGHT!
Previous post Next post
Up